| Original Message |
......... (no login) Posted Jun 28, 2009 10:25 PM
Nasa Amerika ngayon ang grupo ng Star Magic Talents sa series of show roon ng Kapamilya stars. Kahapon ng umaga, nakatanggap kami ng text mula sa isang very reliable source na naroroon sa Amerika, na itinawag daw sa Emergency 911 ang hunk actor na si Diether Ocampo. Ang dahilan, nagkaroon ng seizure o atake sa puso si Diet.
Ayon sa kuwento, naganap ang paninikip ng dibdib ni Diet noong nagre-rehearse ang grupo para sa kanilang Star Magic show sa Citizen Bank sa Ontario, California, Sabado ng gabi (umaga ng Linggo sa Pilipinas). Kaagad namang naisugod sa hindi pa napangalanang ospital si Diether, kasama sina Kristine Hermosa at Kitkat.
Gayunman, hindi puwedeng bitinin ng grupo ang nasabing show kung kayat agad na bumalik sa venue si Kristine para makapag-perform. Sabi nga, the show must go on. Samantalang si KitKat ang naiwan sa ospital, at di na nga ito nakapag-perform sa show, para bantayan si Diet.
Napakiusapan nga marahil ni Kristine si KitKat na ito na muna magbantay kay Diet, dahil close din naman ang aktres sa komedyante na kasama rin niya sa Komiks Presents Nasaan Ka Maruja?
Habang isinusulat ito, ginagawaran na ng kaukulang lunas si Diet at ginagawan ng ibat ibang testing. Napag-alaman pa na mayroon pala umanong congenital heart disease itong si Diet. Iniulat naman sa The Buzz, Linggo ng hapon, na under observation pa rin ang aktor sa ospital na pinagdalhan dito. Over-fatigue ang isa sa sinasabing dahilan ng nangyari kay Diether.
Tingnan mo nga naman. Kung anong ikinalaki ng katawan ng isa sa mga leading man ng Only You, at pagiging athletic nito, may iniinda rin palang sakit sa puso ang hunk actor.
Get well soon, Diet! At ipagdarasal namin na malagpasan mo ang kundisyon mong ito.
|
|
|