<< Previous Topic | Next Topic >>[RETURN TO INDEX]  

Hihirit na naman ako!

October 1 2005 at 9:00 AM
Nang Virgie  (no login)

 
Bakasyon grande ko talaga ngayon!!! Alam na alam ko na kung anong mangyayari sa mga natitirang vacation days ko. Ito na lang yata ang ginagawa ko, at gagawin pa sa susunod na mga marami pang araw: ang paulit-ulit na manonood ng Japan Asap na to. Wala na akong ibang nagawa sa bahay. Nag-volunteer nang mag "mop the floor" si Nong Bobby nyo (nakakahiya!!). Sabi nya sa akin bago umalis sa trabaho kaninang umaga, magwalis daw ako para mamayang hapon o gabi,, mag "mop the floor" daw sya. Hehhehe! Paalaala ko naman sa kanya, "Hoy, Mister! Friday yata ngayon. Paano na lang ang "date" natin sa Burger King? (Palagi naman kasi sa Burger King, eh nasusuya na ako doon!) Oooooppppsss!! Maglinis daw muna ng bahay bago mag "date" (kala ko postponed), baka daw bigla na lang akong bibisitahin sina Diet at Tin, o di kaya ni Ninang Dimples, or Violet, o baka si Desiree dahil siya ang pinaka-neighbor ko, baka daw silang lahat mai-stuck sa "sticky kitchen floor" ko. Ay, napahiya sandali si walang-hiyang akoh! Hindi na ako umalma dahil totoo nga naman! Tsaka, ganyan si partner ko, kahit alas-onse na ng gabi, pag may gana, bigla na lang tatayo galing panonood ng tv. at marinig mo na lang na may nagva-vacuum sa kuarto. Sanay na ako dyan. I don't feel insulted anymore like I used to. Talagang ganyan sya. Hyper-active kung minsan eh! Pag may gustong gawin, hala sugod, kahit dis-oras ng gabi, kahit saan, kahit kailan (Naku, Diet, copy cat muna ako sa yo hah!)Hheheheheh!! Uy, uy, uuuuyyyy! Mga malisyosa, iba yata ang takbo ng utak nyo hah! Kayo talaga, oo!! Norvster, kung makapag-bisita ka sa akin sa up-coming vacation mo, madaming mai-kuwento sa yo si mister ko sa lahat na mga "kaulolan" ko! Sana nga bumisita ka talaga at magkita tayo, para naman may mai-kuwento ka sa battalion mo, at sa TD Haven. Desiree, sama ka na!!!!!

HETO PA, PANGDAG-DAG:

Huwag kayong maingay at may "secret" ako for your ears only (atsus!!) Ikinansil ko ang choir rehearsal namin noong Tuesday night. Maganda at kabilib-bilib ang "excuse" ko: siempre, nagvi-videoulit-ulit si ako (o bagong-bago ang terminology na yan ha)ng Japan Asap sa bagong website ni Tin. Kayo lang ang nakakaalam nyan ha! Huwag na huwag kayong maingay at baka susugurin pa ako ng mga yon. 48 sila lahat...may mga musclemen pa. Paano naman kasi, 4x a week ko silang nire-rehearse, so medyo pagud ako at saka "nahuhumaling", pero ready makipaglamayan sa "videoulit-ulit". Kaya, stay home ako without feeling guilty,(lumigaya pa nga eh) at nagpapakasasa sa kasaganaan, mientras tanto! O sigi, babay na...MUAAHHH...HAHAHAHAHA!

Aloha,

Nang Virgie

 
 Respond to this message   
AuthorReply

Violet
(Login violetmarc)

Re: Hihirit na naman ako!

October 1 2005, 9:39 AM 

VIRGIE,
Hindi ka nag-iisa. Ako rin kahapon nakansel ko ang aking therapy session dahil kaka videoulitulit. Parati na lang ako nakakulong. Mabuti na lang ako wala na akong mr. na magjejeling jeling kung ano ang ginagawa ko sa computer. Siguro kung makikita lang natin ang isa't isa ganito ang mga lagay natin;


Violet


 
 Respond to this message   
Virgie
(no login)

Re: Hihirit na naman ako!

October 1 2005, 9:54 AM 

Violet,

Naku, kopyang-kopya tayo ng mga yellowheads na yan. I vividly see my own self in them. Ang laki at ang haba ng tawa ko. Di ko mapigilan, kala mo kung sinong kasama ko dito. Nag-iisa lang ako noh! Ano na kayang nangyayari sa mga "bottoms" nila? Maga na maga siguro sa kauupo nila. Alam natin yan. Sounds so familiar, di ba? Buti na lang hindi talaga tayo nag-iisa. Kanta muna: "Welcome to my world. Won't you come on in." Haaay! Mundo ng mga hibang at baliw!!!!


Aloha,

Virgie

 
 Respond to this message   
Mia
(no login)

hindi ka nagiisa

October 1 2005, 10:55 AM 

Hay Virgie
This is Mia. You dont know me siguro because I seldom post. I just want to let you know that hindi ka nagiisa. I dont know how to evaluate myself in the office.To be honest since Igo hooked to Diet and Tin I seemed out of myself most of the time. Yesterday,I was requested to give a message in a symposium of college students, and "My God" I was not ready since I have been facing the computer for the last 2 days already. Icannot connect my thoughts with the topic of the symposium. How is this? Nakababaliw talaga.

Love,

Mia

 
 Respond to this message   
Nang Virgie
(no login)

Mia, of course, I remember you!

October 1 2005, 12:15 PM 

Mia,

Taga-Cebu ka, sa isang university at isa sa pinaka-mataas ang posisyon mo, yong secretary mo ang naka-discover sa tdland, at nasuko kaayo ka (pareho ta) kay looy kaayo ang love relationship nilang Diet ug Tin. O di ba? Pirme ka mag-worry parte nilang duha. Daghan kaayo kag pangutana, mga concerns kay nalooy ka nila (ako sab). It is good to hear from you once again, especially now nga happy kaayo ang tibuok DT Haven. The Japan Asap video makes my days. School break nako, pero sugot lag way gawas gawas sa bay total lipay man kaayo ko basta naa lay TD Haven.

Thanks for being "visible" here again. Ganyan dapat, sa hirap at ginhawa, kaligayahan at kalungkutan, magkaisa tayong lahat. Walang iwanan!!!! Bye!

Aloha,

Nang Virgie

 
 Respond to this message   
mariael
(Login mariael)

Re: Hihirit na naman ako!

October 1 2005, 10:59 AM 

Isa na ako katulad nyo. Madalas lang ako mag post pero araw araw every free moment I have nandito ako sa TD Haven. Di pala ako nag iisa Nang Virgie.

 
 Respond to this message   

Violet
(Login violetmarc)

Kaloka talaga.................

October 1 2005, 1:36 PM 

Virgie
Nag update pa ako doon sa isang bahay ni Kristine, tapos balik ako dito, nakita ko iyong sagot mo, tawa ako ng tawa. Hindi lang ang bottoms ang may diperensya na, tingnan mo ang mga mata ng mga yellow people, puro, luluwa na sa puyat. Diosme narereyalize kaya nila Diet at Tintin na maraming hibang na at pagdating ng panahon puro na tayo yellow people. Eh paano, hindi na naarawan ...Lightning Strike

Kung kaya one day ganito na ang kulay ng sumalubong kay Mr. Welcome Home ....ang galit niya siguro, kasi kulay dilaw ka na..

good night
Violet

 
 Respond to this message   

(Login mmjane)

Re: Kaloka talaga.................

October 1 2005, 1:59 PM 

Nang Virgie, pareho sad ko ninyong duha ni Mia, naka-focus sa ilang Diet & Tin, malipay gyud ko basta pirmi nako sila makita (taga-Cebu pud ko)...

jane

 
 Respond to this message   
Mia
(no login)

Taga Cebu

October 1 2005, 3:18 PM 

Abe nimo Virgie pirtie gyud kong naungo ining si Diet ug si Tin. Ambut og academician pa ba ko? Dont you know that Iam buying all tabloids and magazines every day?I just want to be informed of what is going on? I pray hard for them every day. So funny to think about.

 
 Respond to this message   

Violet
(Login violetmarc)

Re: Taga Cebu

October 1 2005, 3:46 PM 

MIA,
SAVE YOUR MONEY ESPECIALLY THE TABLOIDS BUT FOR THE LEGITIMATE ONES, IE. THE UNO MAGAZINE OF DIET'S, YES BY ALL MEANS, LET US SUPPORT THE MAGAZINES. BUT, THE TABLOIDS, FORGET IT, BECAUSE THEY WILL JUST CONFUSE YOU, ESPECIALLY, WRITERS THE LIKES OF CRISTY FERMIN. YOU ARE BETTER OF IN TD HAVEN. AM I RIGHT, VIRGIE? I USED TO DO THAT, BUT THEN IT WAS USELESS, EVEN, THE TALENT CENTER, YOU CANNOT TRUST WHAT THEY WRITE.

ANYWAY, JUST MY OPINION.

VIOLET

 
 Respond to this message   
desiree
(no login)

Re: Hihirit na naman ako!

October 1 2005, 4:23 PM 

LOL... ako rin kanina hahaha dapat magstart ako mga 3pm sa work ko, pero reason ko nasa school palang ako kaya kahit nakauwin na hahahaha kaya yun late ako ng 30mins. lang hiya talaga. iba iba ang dahilan.... marami na rin ako nasabing dahilan... Tita virgie hope to see you in December.

 
 Respond to this message   
Virgie, Tita na ni Desiree
(no login)

Excited na ako, Des!

October 2 2005, 3:58 AM 

Des,

I am really looking forward to meeting you in person for the very first time in December. Nag-change yata yong venue ng performance ng choir namin. Sa Hilton Hawaiian Village na yata (instead of the Convention Center) dahil may banquet with entertainment, of course! Maganda ang naka-line up na mga entertainers sa gabing yon.I'll get some more info and see if there's still room for reservations so you can attend the function. Yes,I am inviting you, kung wala kang pasok sa school, o sa trabaho, kung puede ka. I-treat kita! Basta pray lang tayo palagi! Let me know! Dec. 10th yon. But I'll be there from Thursday (Dec. 8th, para naman makapag-lakwatsa, hehehe!!!

Aloha,

Your Tita Virgie

P.S.- Ano kaya kung i-suggest ko sa yo na you ask for a day off on Dec. 10th,(school and work) before I make reservations for you sa banquet, para organized tayong dalawa? Let me know asap!!!

 
 Respond to this message   
Nang Virgie
(no login)

Re: Excited na ako, Des!

October 2 2005, 5:22 AM 

Dimples, sorry pala dito. Masyadong off topic, nakalimutan ko. Just got carried away! I'll try to be more careful from now on. Pag naumpisahan na kasi ang kadaldalan ko, eh alam mo na ang mangyayari! Please, forgive me over and over again. I know you have a big heart. Puede mo akong "kurutin", okay lang!!Labs naman kita!!!


Aloha,

Nang Virgie

 
 Respond to this message   

(no login)

hi panget

September 15 2009, 10:41 PM 

panget ka tlga

 
 Respond to this message   
Virgie
(no login)

Re: Taga Cebu

October 1 2005, 4:31 PM 

Mia,

There really was a certain period when I'd ask myself what was happening to me? Naging tabloid reader din ako. I use to own and manage a Filipino store for 6 yrs.(1991-1997), and within those years I never read the Filipino magazines that I sold in my store. Hanggang sorting lang ako para sa mga steady subscribers who would come to pick up their reserved mags once a week. Ako, I never paid attention to them. But, starting last year, right after the ending of SWAN, I had to pay attention to my desire and hunger for any bits and pieces of news about Diet and Tin. I'd go the store I formerly owned and managed, because I became a subscriber ng mga Fil. mags. Nagtaka ba naman ang mga tindera, tsaka cost money yon. But then, I acidentally discovered TD Land, and from then on, heto na ako...internet na lang ako. I stopped my mag subscription. Kaya lang somobra yata, I am spending more and more time here in DT Haven. Buti na lang si Mister ko, hanggang "muro lang usahay". Kasi naman wala akong ibang libangan. Yong ibang mga misses na mga kaibigan ko, nagma-mahjhong halos gabi-gabi. Eh ako, wala, guitara lang ng gitara; piano lang ng piano, o gardening ng toda-toda sa yard namin ( eh wala kasing katulong or hardinero man lamang. Inorason ka, mahal kaayo, adto lang tanang nimong kita padung sa mga katulong. Huwag na lang! Antos...do -it- yourself way!) TAke care! Bye!!

Aloha,

Virgie

 
 Respond to this message   
Sunny
(no login)

School Break

October 1 2005, 4:39 PM 

Yahoo Virgie ! - I just wish you have a long school break always - alegre ang session dito sa DT haven with your messages And as you can see maraming nababaliw these days with the ASAP open in Japan ( ha ha ha) Cheers

 
 Respond to this message   
Virgie
(no login)

SUNNY, inspired kasi eh!

October 2 2005, 3:38 AM 

Sunny,

Masyado akong inspired sa inyong mga nagbibigay ng encouraging feed back: Ikaw, Sunny, Dimples, Violet, at marami pang iba sa paligid natin sa mundo ng DT Haven.
Siguro, Sleeping Giant lang for a long while ang pagsusulat at pagpapatawa ko. Ang pagsusulat, matagal ko na yatang "labs" yan; yon namang pagpapatawa, siguro nagbago lang ang ihip ng hangin mula nang nakapag-TD Haven ako, dahil newly discovered lang yata yon eh! Tsaka it was pointed out to me pa yata (ikaw yata yon! Heller!)O kaya'y, baka nandito na sa akin yon, kaya lang, yong upbringing yata na bigay sa akin ng mga adoptive parents ko, masyadong seryoso. Akala kasi ng mga nakakatanda sa atin noong kapanahonan natin, mabait na bata ka pag "tahimik at mahinhin ka". Ewan ko lang. Napilitan lang siguro akong maging mahinhin at seryoso, at tahimik. Tsaka yong pagmamadre, sama din yon !Parang hindi ako yon! Pakiramdam ko ngayon, dahil sa training lang yon ng mga magulang ko; hindi yon ang tunay na si "ako". Eto na ngayon siguro ang tunay na "akoh"! I am so comfortable and at peace with myself for a very long time now.

I like myself better now, because I can be myself in front of anyone, especially with my husband and my children. Wala nang plastikan ito! Hindi na kailangan.
I have learned to be assertive given the proper timing.

Haay, naku! Tingnan mo nga naman. Malayo na ang naabut nga mga daliri ko. Angal nga ni Ninang Dimples, kilometric ang pagdudusahan mo kung ako ang kaharap mo.
Sabi ni Dimples, isang sentence lang ang ine-expect nya, isang kilometro daw ang maging sagot ko. Kaya ingat kayo! Baka sasayangin ko talaga ang panahon nyo. Mag-"ESEP-ESEP" muna kayo ng maigi bago nyo isalang ang sarili nyo sa kuentohan ko. Hirapan akong mag-preno kadalasan!> Hehe!
Goodbye na! Baka madagdagan ko pa!(ATSUSSS!. Lambing lang!

Aloha,

Virgie

 
 Respond to this message   
Dimples
(no login)

HAHAHAHA HEHEHEHE

October 2 2005, 3:49 AM 


You know what Nang Virgie, I'm here at work. No patients at the moment so when I opened TD Haven, eto agad bumulaga sa akin. Alam nyo po bang I was laughing out loud by myself. Feeling ko para akong baliw. Tumatawa magisa, susmaryosep! Di ko talaga mapigilan kaya lang silent lang yung LOL ko. Hirap din pala tong nagpipigil, killing me softly.

Oh sige andito na naman pasyente, back to reality na naman ako. Babosh for now!

 
 Respond to this message   
Virgie
(no login)

tama si Violet

October 2 2005, 6:32 AM 

Mia,

Nakalimutan kong sabihin sa yo (pandagdag lang), tama si Violet. Huwag mo nang patulan ang mga tabloids coz they're just out there for the money. Sa TD Haven, very reliable ang mga sources; direct from the horses' mouth pa!

I know barya-barya mo lang yong pambili ng tabloid mags, pero, TD Haven is one place where you don't only save money, kundi save your apprehensions and doubts and konsimisyons dahil sa mga solely fresh and factual information galing nina Ninang Dimples, Dulce, Gandame, Tebeth, etc. Kaya, hayaan mong mamulubi na ang tulad nina Cristy Fermin; yan ang mangyayari kung walang nang masyadong pumapatol sa mga isinusulat nila! I wish public should have realized that already. But it's not too late yet. We can still make a difference! O sigi na, the university (reality check mo) still needs you. They depend on you on a bunch of things. Ingat ka ha!

Aloha,

Virgie


 
 Respond to this message   
Virgie
(no login)

Re: Kaloka talaga.................

October 2 2005, 6:44 AM 

Violet,

Galing mo na palang maglakwatsa ngayon ha! Palipat-lipat ka nang bumibisita sa mga bahay ni Tin. Asenso ka na yata! Buti naman, at para maarawan ka at hindi ka magkakulay-dilaw. Sabagay, walang jeling-jeling partner na magtatanong. Ako, ay naku, cyber-activities ko nagiging topic naming dalawa ni mister especially during dinner time. Natutuwa naman siya sa mga kuento ko. Nakikita kasi nyang nag--enjoy ako, tawa akong tawa dahil sa mga kalokohan natin, mention ko palagi ang pangalan mo at ni Dimples, nakapagpasaya sa akin na marami akong maikuento sa kanya about TD Haven. If I don't mention Diet's name, nagtatanong at pilitin ba akong magkuento about Diet (o di ba jeling-jeling yan? Ano pa nga ba?) katuwaan lang naman, naka-smile pa man din, kasama ang kantiyawan.

Virgie

 
 Respond to this message   
Current Topic - Hihirit na naman ako!
  << Previous Topic | Next Topic >>[RETURN TO INDEX]  
Find more forums on Asian CelebritiesCreate your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2009 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement  
Global Diettiners
Visitor Map
www.diettinersland.com
amazing hit counters
Macy's Department Store
Counter since June 3, 2004
TD Land was created on June 3, 2004