KRISTINE GAME NG MAGKAANAK KAY DIETHER
by Lisa Endaya
Bulgar Oct 21,2006
Aminado ang mestisang aktres na hanggang ngayoy'y wala pa ring finality sa nakasampang annulment case nila ni Diet para sa naganap na kasalan nila noon.
Aminado siyang medyo naiinip na daw sila ng kanyang sweetheart na si Diet sa resulta ng kaso.
"I'm not really sure kung kelan matatapos yun.Masyado kasing complicated 'yung kaso kaya ipinauubaya na lang namin sa court kung ano ang magiging decision about that."
"Napag uusapan namin 'yung tungkol dun, siyempre, nagwawonder lang kami, natatagalan nga 'yung kaso," pagtatapat ni Tintin.
At dahil nga natatagalan na sila sa kaso, biro sa aktres, baka raw mauna pa ang baby kesa sa kasal sila ni Diet!
"Posible!dahil kung 'yung iba nga na ayaw magkaanak at super control, nagkakaanak, e. At nabubuntis pa rin."
"Kung ibibigay ni Lord, tatanggapin namin nang buong puso. Bahala na si Lord kung ibibigay nya," very honest na sagot ni Tintin.
Sa kabila naman ng mga intriga at sari saring isyung nalagpasan at pinagdaanan ng lovely couple, lalo naman daw silang pinagtibay ng mga ito.
"Yun ang nakapagpatibay sa amin. Lahat ng gulo, lahat ng problema, lahat ng trials, "yun po talaga. Dahil doon, natetest ang love namin sa isa't isa," pagtatapos ni Tin.
Dahil matagal tagal ding hindi nakita ng press si Kristine Hermosa, sa presscon ng 'Wag kang lilingon" ay inulan ng tanong ang young actress since marami pa ring issues sa kanya na naghihintay pa rin ng kasagutan, partikular na ang lahat ng tungkol sa relasyon nila ni Diether Ocampo.
In fairness kay Kristine, sinagot naman nya sa abot ng makakaya ang lahat ng katanungan although, may mga bagay pa rin na para sa kanya mad makabubuting para sa sarili na lang nya.
She was asked kung ani na ang update sa nullification ng marriage nila ni Diet na isinampa niya and she said na tuloy pa rin and in fact ay nag hearing na sila once at hindi pa nasundan. Pero hindi na rin daw sila ganu'n kapursigido sa kaso at naghihintay na lang sila ng notice.
Apparently, maayos na ang samahan nila ngayon ni Diet hindi katulad noon na parang ang dami nilang problema. Aniya, may mga hassles pa rin daw silang naeencounter along the way pero naayos naman nila at siguro, mas nag mature na rin daw sila ngayon sa paghahandle ng mga problema.
She denied na naglilive in sila tulad ng napapabalita. Aniya ay sa condo unit ps rin daw nya sa Cubao siya nakatira at si Diet naman, sa bahay nito sa Tomas Morato
Pero inamin naman niyang may mga sleepover thing na nangyayari depende sa mood nila.
Pangarap pa din daw niya na makasal sila ng legal ni Diet dahil gusto naman daw niyang makapagsuot ng wedding gown at magkaroon ng anak.
Curly hair look si Kristine Hermosa. Blooming siya at kitang kitang happy sya sa kanyang lovelife.
"Di maiiwasang may hassles sa relasyon namin ni Diet, pero I am not bothered at all. Natuto ako in the process."
Gusto niya bang makasal sila ni Diet?
"Syempre, type ko ring magsuot ng wedding gown at magka baby."
Yet, as of now, ongoing pa pala ang kaso ng annulment nila ni Diet. Of course, lahat ay aware na ikinasal sila minsan sa Nueva Ecija.
"Pero marami kasing irregularities dun kaya kailangan ang court procedure para i annul ang kasal na yun."
Pero seemingly, secured si Tin tin kay Diet kaya masaya siya. She lives alone in a condo unit somewhere in Cubao. Hiwalay na sya sa kanyang parents, pero claim ni Kristine, "I am still paying for the house na tinitirhan nila. Nagtataka nga ako sa mga balitang naglalabasan."
"I checked with my mom at sa bangko kung saan nagbabayad ako ng hulog para sa bahay, okay naman ang lahat. Gusto ko, pagtanda ng parents ko, secured din sila sa tinitirhan nila kaya bakit ko ipagbibili 'yun? O, di kaya, bakit ko pababayaan ang pagbabayad nito?"
Kristine kakalbuhin si Diether pag nagkaanak pa sa iba!
October 21 2006, 11:24 AM
Kristine kakalbuhin si Diether pag nagkaanak pa sa iba!
BY: Vinia Vivar
PM Oct 21, 2006
Sa presscon ng "Wag Kang Lilingon" ay maraming bagay na nilinaw si Kristine Hermosa, one of the stars of the movie. Unang una na ay ang sinasabing narematang bahay sa Loyola Grand Villas.
Ani Kristine, Hindi raw niya alam kung bakitmay lumalabas na ganu'n
"Actually, lahat naman ng lumalabas sa akin, hindi ko alam kung bakit,"
Hanggang ngayon ay binabayaran pa rin nya ang nasabing bahay and in fact, two years na raw niya itong hinuhulugan.
"Actually, nung narinig ko nga yun kay mama na may write up nga, kinabahan ako agad kasi sabi ko, baka nagbabayad naman ako nang wala naman binabayaran, so tsinek ko sa bangko, tapos wala, okay naman on going pa rin, so wala lang yun." say niya.
Nilinaw din niya ang issue na diumano ay buntis na naman daw ang girl na naanakan dati ni Diet at ani ni Kristine hindi raw ito totoo.
"In fairness naman dun sa girl,gusto ko lang iklaro, wala naman syang claim or sinasabing pregnant sya or what. Sana, huwag naman natin siyang isama kasi infairness naman sa kanya , nananahimik naman yung tao."
Ewan kung pabiro pero say ni Kristine, kung may mabubuntis daw ulit si Diet na babae, baka raw sya na 'yun dahil kung iba na naman, tiyak na kakalbuhin niya ang asawa.
Ayaw lang masyadong pag usapan ni Kristine ang tungkol sa nullification ng marriage nila ni Diet na kasalukuyang nasa korte dahil bawal daw itong pag usapan. Basta on going pa rin daw ito and she hopes na maayos din ang lahat para naman makapagpakasal sila ng maayos.
Almost three years na ang relationship nina Diet at Tin at compared sa first year nila , mas maayos na raw ngayon at lesser na ang problema.
"Pero syempre, hindi pa rin mawawala 'yung mga problema sa buhay natin, pero siguro mas nag mature na kami in handling those problems." aniya
paging Ms Flora Tan, paki basa daw sabi ni tin.
This message has been edited by Lavender88 on Oct 22, 2006 12:28 AM
Re: Kristine kakalbuhin si Diether pag nagkaanak pa sa iba!
October 22 2006, 12:44 AM
Soweeeee po may I edit lng yung font ..... linakihan ko lng at alam niyo naman yang mga katulad ni Flora Tan malabo na ang mata at baka hindi pa nya mabasa ng maigi yung article dahil sa liit. Eto po regalo namin sayo .....
You guys are so funny, pero baka naman matauhan na si Flora (ano nga bang real last name niya. O baka, fixated lang siya sa salitang "buntis sa ibang babae", kasi pagka daw ganyan, hopeless na talaga. In reality na, pero sa kanila hindi pa
Naniniwala parin ako na ganito parin ang gusto ng dalawa
February 25 2008, 3:29 PM
kaya lang they have to do something for some reasons, kung ano man yun hayaan na natin sila, letz just pray na sila parin in the end..kahit na sila naman talaga... lol