Anne, Angelica, Cristine, Toni at Kristine sa remake ng Working Girls
NALAMAN namin kay Viva Films Boss Vic del Rosario na sa January 29, 2009 na ang playdate ng Civil Status: Single, kung saan bida si Rufa Mae Quinto at kapareha ang sangkatutak na lalaki.
Sa press naman nalaman ni Boss Vic na interesado ang sexy comedienne na i-remake ang Working Girls.
Sa isa sa mga presscon ng Metro Manila filmfest entry na Desperadas 2, naikuwento ni Rufa Mae ang kagustuhang gawin uli ang movie ni Ishmael Bernal.
Kaya lang, nag-usap na pala si Boss Vic at ang Star Cinema at ire-remake nila ang nabanggit na pelikula. In fact, napili na ang cast.
Excited nga si Boss Vic sa cast na kinabibilangan nina Anne Curtis, Angelica Panganiban, Cristine Reyes, Toni Gonzaga at Kristine Hermosa.
Sa February na raw ang start ng shooting at director na lang yata ang kulang.
Nabanggit din ni Boss Vic na balak i-remake ng Star Cinema ang Bagets, pero mauuna sa TV bago ang pelikula.
Kumporme rito ang producer, dahil after 25 years, kailangan daw muling mapanood ang pelikula with a new cast.
"'WORKING GIRLS'"
[IMG]
![[linked image]](http://i89.photobucket.com/albums/k214/cessie_gurl/untitled-2.jpg)
[/IMG]
[IMG]
![[linked image]](http://i89.photobucket.com/albums/k214/cessie_gurl/normal_angelica2027.jpg)
[/IMG]
[IMG]
![[linked image]](http://i89.photobucket.com/albums/k214/cessie_gurl/368513_f260.jpg)
[/IMG]
[IMG]
![[linked image]](http://i89.photobucket.com/albums/k214/cessie_gurl/1_304354522l.jpg)
[/IMG]
[IMG]
![[linked image]](http://i89.photobucket.com/albums/k214/cessie_gurl/4eef9a7a.jpg)
[/IMG]