| Kristine Hermosa not yet ready to enter into another relationshipApril 13 2009 at 5:31 PM | .......... (no login) |
| Kristine Hermosa not yet ready to enter into another relationship
Melba Llanera
Monday, April 13, 2009
01:10 PM
Bago pa man naibaba ang desisyon ng korte na nagpapawalang-bisa ng kasal nina Kristine Hermosa at Diether Ocampo, balita na ang sobrang closeness ng aktres kay Oyo Sotto. Tuloy, marami ang nag-iisip na baka nga boyfriend na ni Kristine ang anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie; lalo pa't bukas na rin naman si Diether tungkol sa bagong girlfriend niya na si Rema Ostwani.
Sa isang hiwalay na interview, sinabi ni Diether na dumating sila sa puntong sinubukan nila ni Kristine na i-save ang kanilang relasyon. Pero wala ring kinapuntahan ang lahat at ngayon ay parte na lang ng nakaraan ang anumang pinagsamahan nila.
Hindi naman itinago ni Kristine sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nasaktan siya, ngunit nagsilbing eye opener din sa kanya na tanggapin na wala na talagang pag-asa pa ang relasyon nila ni Diether.
"Hindi ko made-deny na, yes, oo naman, painful. But sa kanya na mismo nanggaling na past na ako sa kanya. Para ano pa ang reason ko para mag-hold on or mag-cling sa idea na puwede pa? Para sigurong ito na yung time for me to move on, gumising ka na.
"Ang tagal din naming trinay na i-save yung relationship, but wala lang yata talaga. It's not meant [to be], siguro talagang hindi kami. But I won't deny na isa siya sa malaking part, malaking part ng buhay ko, at hindi na siya mabubura sa puso ko," pahayag ni Kristine.
Alam ni Kristine na ang pagiging bukas ni Diet sa relasyon nila ni Rema sa publiko ay pahiwatig na seryoso talaga ito sa bagong karelasyon. Nasaktan ba si Kristine sa ginawa ng kanyang ex?
"Kitang-kita ko naman, magbubulag-bulagan pa ba ako?" reaksiyon niya. "Kilalang-kilala ko naman si Diet. Hindi siya mag-i-introduce ng someone if hindi totoo ang nararamdaman niya sa tao at kung hindi siya proud dito. Hindi na ako na nahe-hurt sa ganyan, medyo tapos na ako dun."
STILL FRIENDS. Sa kabila ng pag-aakala ng iba na sila na ni Oyo, sinabi ni Kristine na magkaibigan lang sila. Aminado si Kristine na ang kinauwian ng relasyon nila ni Diether ang isa sa pumipigil sa kanya para pumasok sa bagong pakikipagrelasyon.
"For sure, that's one. But aside from that, hindi pa ako ready. Hindi pa talaga. So, ang hinihintay ko lang talaga ay yung time na okay na okay na ako, at naiintindihan naman niya [Oyo] yun.
"Wala kaming label, ayaw naming maglagay ng label. But, okay na okay kami. Siya yung pinakamalapit na lalake sa buhay ko. We're really good friends. Siya yung nakasama ko sa hirap at ginhawa nung mga oras na kailangan ko ng aalalay sa akin," saad ni Kristine tungkol kay Oyo.
Naging open din si Oyo sa pagsasabing pakakasalan niya si Kristine. Sasamahan din daw niya ang aktres pag dinalaw nito ang buong pamilya na nasa Canada na ngayon. Ano ang masasabi ni Kristine dito?
"Regarding sa pagdalaw sa Canada, wala pa naman kaming napag-uusapan na ganun. But ako, definitely, dadalawin ko ang family ko dun. Pero hindi ko alam kung makakasama siya. Lahat naman, open kung sino ang pwedeng sumama. Pero wala pa naman kaming napag-uusapan kung sasama nga siya.
"Diyan sa pakakasalan daw niya ako, wow naman! I'm glad kasi gusto akong pakasalan, hindi ako pang-fling or pasttime lang," nakangiting sabi ni Kristine.
PART OF THE FAMILY. Isa si Kristine sa kinuhang ninang ng anak ng kapatid ni Oyo na si Danica Sotto at sa asawa nitong si Marc Pingris. Ayon kay Danica, forever na raw ang koneksiyon nila ni Kristine.
"Nakuha na niya akong ninang, matagal na," banggit ni Kristine. "Definitely, that's forever. Ako naman, nakakapagbitaw ako ng salitang forever pag gusto ako ng isang tao, pag ina-accept niya ang friendship ko.
"Sa kanila naman nanggaling na sobrang love nila ako at forever friends na. Wala akong reason to say no at tanggihan yun dahil, sa totoo lang, napakabuti nilang mga tao at mababait sila sa akin."
Sa interviews naman ni Ms. Dina Bonevie, sinabi niyang boto siya kay Kristine para sa anak. Taliwas sa mga lumabas na balita before na hindi nito gusto ang aktres para ka Oyo.
"Si Ms. D naman, hindi ko alam kung totoo bang ayaw niya sa akin before. Kasi wala naman siyang ipinapakita na hindi maganda sa akin. So, ang hirap magsalita na hindi niya ako gusto, kasi wala nga siyang ipinapakitang masama.
"Nagugulat nga ako pag tinatanong ako ng ibang tao. 'Hindi ka ba natatakot kay Ms. D? Hindi ka ba nate-tension pag kaharap mo siya?' Ang sinasagot ko, hindi. Siguro dahil totoong tao siya kaya natatakot din ang ibang tao sa kanya. E, totoong tao din naman ako. Pareho kaming prangka kaya siguro nagustuhan namin ang isa't isa. Sa totoo lang, napamahal na sa akin ang buong family ni Oyo," pagtatapos ni Kristine.
|
| | |
| | Author | Reply | 077 (no login) | Re: Kristine Hermosa not yet ready to enter into another relationship | April 13 2009, 6:01 PM |
gimik lang ito ni kristine sila na ni oyo boy |
| aenid (no login) | Re: Kristine Hermosa not yet ready to enter into another relationship | April 13 2009, 6:03 PM |
kapitbahay ni kristine sa condo sa taguig ang kaibigan ko malimit si oyo wala na nga alisan sa condo si oyo |
| Tarry Tarry Stool (no login) | Re: Kristine Hermosa not yet ready to enter into another relationship | April 13 2009, 7:06 PM |
flirt kasi! sorry to say this pero un ang totoo bakit cnasabi nya p n mahal pa rin nya c diet at tapos maki2ta m cya kasama ung walang dating at walang panama kay diet kundi c oyo ba? ksi even his name ayokong e-mentioned kadiri kasi feeling ko manyakis cya like father like son hehehe.... and his mother as well. i know diether is not perfect but come to think of it d k maicompare yan oyo n yan kay diet super layo ng difference mukhang cyang aso ni diet, sorry sa mga fans n kristine bitter kasi ako i admit sobrang bitter talaga ako sa result ng love story nila, sana iba n lang huag lang yang panget n oyo n yan ewan i don't like him para kay kristine maybe because umeksena kasi cya nung time n diet is trying to get kristine heart's, all i know is loser c kristine to be with panget oyo... i wish mawala s eksena tong panget n oyo n'to kasi pinag uusapan lang cya eh. sa totoo lang di ko trip makisali sa ganitong conversation kaya lang i feel i need to share my opinion, and disspointed talaga ako kay kristine sayang cya maganda p naman cya,,, i hate yooooooooooouuuuuuuu panget oyo sana mabasa m'to i hate you so much ang paaaaannnngggeeettttt mo i hhhhhhaaaatttttteeee yyyyoooouuuu panget oyo... |
| | |
| Tarry Tarry Stool (no login) | Re: Kristine Hermosa not yet ready to enter into another relationship | April 13 2009, 7:24 PM |
hindi daw ready sa new relationship hehehe, ang dami mong gimik kritine plastik ka! aminin muna n kayo na ni " that guy " para lang di ka mapagkamaln gumigimik ang arte m plastik p. gusto k lang gamitin ng " that guy " n yan gusto ka lang tikman nyan at ano ung cnasabi mong magpa2kasal kayo n diet before m reach ang 30 at gusto m dalawa ang ank nyo nung interview m sa tv patrol ang arte m ang gimik m pa di b ang sarap magpakatotoo sobrang dami m p lang tinatago, sana d kayo magtagal ng " that guy" n yan kasi ang panget nya para cyang aso as in mukhan cyang aso. sa totoo lang panalo c diet sa game n'to coz reema is too beautiful unlike kay panget n oyo ang panget... actually ka level m c reema sa ganda unlike "that guy " ang layo kay diet. |
| ann (no login) | Re: Kristine Hermosa not yet ready to enter into another relationship | April 13 2009, 8:52 PM |
Aenid...... Tanga sa LoyolaGrand Villas si Tin. Manghuhula kapala kamukha ka siguro ni Madam Auring. Ang ganda mo neh hulaan mo kaya kung kelan ang ALL Saints Day. Thanks. |
| Tarry Tarry Stool (no login) | Re: Kristine Hermosa not yet ready to enter into another relationship | April 13 2009, 9:41 PM |
Loyola Grand Villa yun house na pinatayo nya for her family. Pero now for rent na yun since nag migrate na nga family nya sa Canada. Kristine naman has always been in her rented condo near ABS CBN. |
| .......... (no login) | Re: Kristine Hermosa not yet ready to enter into another relationship | April 13 2009, 9:45 PM |
gosh, paging moderators of this mb. pakiban naman po yong mga epal na nagkakalat ng mga stool nila. nangangamoy na tong mb natin. akala mo diyos kung maghusga ng kapwa. tandaan niyo lang na "a thousand times ang balik ng kasamaan na pinaghahasik niyo sa kapwa niyo!". sana, now na para manigas kayong mga wicked at makaganti na si kristine sa kasamaan niyo! |
| BB (no login) | RE: Kristine Hermosa not yet ready to enter into another relationship | April 13 2009, 11:00 PM |
Hay naku yan si Kristine..knock it off sa gimik gimik mo!!! Ikaw ang talagang nakipagsama kay Oyo noon pang last year noong hindi pa annulled ang marriage ninyo ni Diet. Hindi mo binigyan isang pansin si Diet noong gusto niya makipagayos sa yo. Lagi ka nakipapaglandian kay Oyo at nakikita ng publiko magkasama kayong dalawa!!! Mag continue ka pag lie at mawawalan ka ng credibility at fans!
Si Oyo meron ng reputation na hindi maganda at babaero pa noon! Buti na lang ang past girlfriends like Anne Curtis at Angel Locsin would not give him the time of the day! | |
| openg (no login) | Re: Kristine Hermosa not yet ready to enter into another relationship | April 13 2009, 10:04 PM |
madaling sabihin ang salitang kasal i want to marry you kristine
over used word na yan |
| karay (no login) | Re: Kristine Hermosa not yet ready to enter into another relationship | April 13 2009, 10:20 PM |
tyak kasama si oyo sa abraod pag alis ni kristine sa canada at sa world tour concert ng star magic |
| Tarry Tarry Stool (no login) | Re: Kristine Hermosa not yet ready to enter into another relationship | April 13 2009, 10:26 PM |
baka sabihin na utos nang ABS na huwag iadmit yun relasyon nila ni oyo. dahil siguro pag may project pa sila ni echo at future project kasama si Tj hindi maganda sa publicity. buhay ni tin yan kaya pabayaan nalng natin siya sa kanyang desisyon sa buhay. |
| | Current Topic - Kristine Hermosa not yet ready to enter into another relationship |
| |
|
|