|
sana lang wag mo ng saktan si kristine diether!April 25 2009 at 7:31 PM | rosana (no login) |
| wala talagang nagtatagal na babae kay diether si kristine lang yata ang tumagal ng sobra ng 3 taon. mabuti na lang at di nagkaanak si kristine kay diether kundi lalo pang maging miserable ang kanyang buhay. hindi talaga consistent si diether sa mga interviews niya kasi nong tinanong siya ni tito boy "kung gaano siya kaloyal sa mga karelasyon niya?" ang sagot niya ay "kapit tuko daw siya" at alam naman natin na hindi totoo yun kasi nong nabuntisan niya si cheridith david iyong nanay ng anak niyang si dream, iniwanan niya na habang buntis pa ito at di pa nakapanganak at nagsinungaling siya kay kristine sa pagpretend na binata siya.yun pala that time malapit na siyang maging binatang ama. pero pinatawad siya ni kristine at tinanggap pa rin bilang bf. umamin lang siya noong nalaman na ng mga reporter na nagpabinyag na siya sa anak niyang si dream sa santuario de san antonio sa forbes park. ang bilis naman yata makalimutan ni diether iyong mga kabutihan ni kristine sa kanya. lahat ng mga papuri niya ngayon sa bagong niyang gf ay parang gasgas na kasi nasabi niya na lahat iyon kay kristine gaya ng sinabi niya na gusto niyang tumanda kasama iyong new gf niya. sinabi niya na rin noon kay kristine na si kristine ang nagbabalanse ng buhay niya at kung ano man ang dark side ng buhay niya ay ayaw niya ng balikan at lingunin pa dahil siya mismo ay hindi niya gusto. naging professional daw siya pagdating sa trabaho dahil kay kristine dahil si kristine di raw talaga nalelate pero siya daw po ay laging late. sinabi niya pa noon na dati di siya palasimba pero dahil si kristine ay sobrang relihiyosa daw talaga dahil tinitingnan niya talaga iyong pagpunta sa church bilang commitment ni kristine sa diyos kaya nagsisimba na rin siya. sinabi na rin ni diether noon na god's gift si kristine at sinabihan pa nga siya ng mga press people noon na parang nakajackpot sa lotto si diether kasi akala ng lahat na tuluyan ng iwanan ni kristine si diether dahil sa paglilihim sa kanya na magiging ama na siya. sinabi rin ni diether noon na sa sobrang pagmamahal niya kay kristine ay parang nakikita niya palagi si kristine kahit saan siya tumingin. marami pang mga sinasabing papuri si diether kay kristine noon na ngayon ay paulit-ulit na naman niyang sinasabi sa mga reporter pero para sa new gf niya na. ang hindi lang yata niya masabi sa mga reporters ay iyong hindi niya maikumpara ang kagandahan ni kristine dahil napakalayo naman talaga ng new gf niya ngayon kay kristine kaya siguro ang pagiging mayaman at matalino kuno ng new gf ang pambawi niya. bakit? di lang naman iyan siya ang nakapagtapos na cum laude sa la salle kaya walang dapat ipagmalaki si diether. at kung mayaman nga iyang new gf niya? bakit di yan sa international school nagtapos kagaya ng ibang mga foreigners at bakit nagtiyaga lang diyan sa rustans bilang customer's guest relations officer o ipagpalagay na natin na manager nga siya kung totoo man. hahanga lang ako sa new gf ni diether kung iyan ay isang chief executive officer ng isang kompanya o nasa executive or diretorial level ang position niya. siguro iyon ang puede ng ipagmalaki ni diether. kahit saan natin tingnan, malaki pa rin ang kinikita ni kristine kahit pasulpot sulpot lang ang mga projects dahil sulit naman dahil sa laki ng talent fee ni kristine. isang project lang ni kristine ay katumbas ng 5 years siguro ng pagkayod ng new gf ni diether sa rustan's kaya wala talaga siyang sinabi kay kristine. dahil kahit si diether ay aminado na mas malaki ang kinikita ni kristine sa kanya. kaya nga hindi basta basta lumalabas si kristine kahit sa mga endorsements kasi masyadong mataas ang talent fee niya. kung sa itsura naman ng new gf niya? lalo ng wala siyang kalaban laban kay kristine. mas maganda pa nga iyong dancer sa wowowee na si milagring kaysa sa new gf niya. kaya siguro si diether tudo papuri sa new gf niya para ipagmalaki kay kristine na may nakuha na naman siyang batang babae. print ad model daw? isa pa yan, dapat patunayan niya muna na meron siyang kahit isang print advertisement man lang na puede niyang ipagmalaki na nakilala siya ng mga tao. kaya siguro hindi pa siya kinukuha ni diether bilang cover girl ng uno mag niya. mabuti pa si rr ng wowowee nakilala pa sa print ad niya sa isang alak. ganun naman kasi tayo mga pinoy e pag foreigner maganda na ang tingin pero kung nasubukan niyong tumira sa ibang bansa na kasama ang mga puti sa trabaho at nakikita mo araw araw ay doon mo mahalata na halos wala silang pagkakaiba at nakakasawa silang tingnan. hindi naman talaga consistent si diether kasi di ba sinabi niya rin noon nong tinanong siya na kung sakali offeran siya ng ch 7 para mag-ibang bakod sumagot siya na di raw talaga mangyari iyon dahil parang napakaingrato daw ang dating nun pero kinain niya rin iyong sinabi niya noon. kaya sana hindi na magsasalita si diether ng masasakit kay kristine kasi baka kakainin na naman niya ang mga sinasabi niya sa interview na "there's no turning back" daw kung tanungin siya kung may pag-asa pa silang magkabalikan ni kristine. at para di na rin mag-react ang mga supporters na nagmamahal kay kristine para ipagtanggol si kristine. pangit din kasi sa isang lalaki na talak ng talak laban sa babae lalo na na alam ng publiko na nagmahalan din naman sila ng more than 3 years ni kristine. baka maglabasan pa tuloy iyong di nais nais tungkol sa pagkatao niya na dapat itago na lang kasi di maganda. kaya tama na diether parang awa mo na. |
|
| Author | Reply |
tara (no login) | Re: sana lang wag mo ng saktan si kristine diether! | April 25 2009, 8:17 PM |
Diether Ocampo was never consistent in any way. Accept the fact that sinuportahan lang sya ng tao in favor of Tintin and in due respect of Tintin. Now that Tin has decided not to take him back and pushed through with the nullification it's his BITTERNESS that comes out. At least Tin is still young and has the opportunity to revive whatever has left with her career after her tumultuous relationship with BITTER OCAMPO. Tin is really well loved by many considering the many hardships that struck her career caused by her (daw wedding w/ BITTER) still many awaits her comeback not only in TV but in movies also.Sa dami ng demolition jobs at negative publicities to her thrown by Mama Dea Endrinal she is still there and staying positive in life and has always good words to everyone considering those people trying to put her down. Kung walang star power at clamor for this girl dapat hinayaan nalang sya ng Channel 2 na lumipat sa Channel 7 and yet they did not release her. It means kailangan pa rin sya ng Channel at accept the fact that she has conquered overseas/ foreign followers due to her teleseryes shown in abroad. At sya rin ang batang artista na pwedeng ipareha kahit kanino either popular or a starter kayang kaya nyang dalhin. So my advice to BITTER OCAMPO why don't you be humble enough and accept the fact that Tin will be doing BETTER w/out you. Act your age and be a matured individual manahimik ka na lang with your Cum laude and rich GF which you keep on telling the nationwide TV w/out being asked by anyone. A lot of people were very disappointed of your behavior knowing you are 37 yrs. old already my golly lumalabas talaga na wala kang pinag-aralan. Tin we love you and will support you endlessly.
|
|
je (no login) | Re: sana lang wag mo ng saktan si kristine diether! | April 25 2009, 8:50 PM |
inggit lang kayo kasi hindi natupad ang gusto nyo na magkabalikan sila n tin. kung hindi s tin nakipaglandian kay oyo kung saan saan sila makita na super sweet kung grabi maka pag lambingan kay oyo. kung nag nagbigay sana siya nan dilikadisa kasi sabi na mahal nya pa si diet i di sila sana lalake lang si diet masaktan din. e diba si tin ang unang nakipaglandian kay oyo. |
|
zayk (no login) | Re: sana lang wag mo ng saktan si kristine diether! | April 25 2009, 10:31 PM |
sikat na sikat na talaga si oyo.
oh no...
wala na maibato kay tin kundi si oyo.
Eh mahal naman ni oyo si Tin kaya hindi masasaktan si "Maruja" kahit matamaan sya.
up lang. Sa may 2 na. =) |
|
kahlua (no login) | Je | April 25 2009, 10:58 PM |
Naririnig mo ba ang sarili mo at nagbabasa ka ba? Wag mong baliktarin ang mga pangyayari, duh! |
|
je (no login) | Re: Je | April 25 2009, 11:15 PM |
masakit pag totoo kailangan tanggapin ang katotohanan. |
|
leng (no login) | Re: Je | April 25 2009, 11:18 PM |
wala na laos na c kristine kung saan saan na lang itapon mapahapon o mapa weekend. naunahan nya sya nila bea, kc and sarah. |
|
lem (no login) | Re: Je | April 26 2009, 12:25 AM |
cosidering na naunahan na siya ni anne and bea it's for 1 reason, nagpakasal siya kay diet na suportado ng executive daw ng network and now it's all his gain but di lang iisa ang araw, and we are all waiting for that for tin to shine again whether that executive and diet like it or not. |
|
yani (no login) | Re: Je | April 26 2009, 1:41 AM |
Alam nyo mga detractors -si Tin lang nagpakasal pero inaabangan pa rin ng mga tao at inaabangan pa rin ang pagbabalik nila ni Echo. kahit gaano kayo kadami as Tin's detractors you cannot outnumber us loyal supporters who are solid in terms of support and unconditional love for her. Huwag na kayo mainsecure meron bang laos na hindi ma-release sa kabila at still meron pa ring upcoming projects for her na ikinatataranta nyo at ikinakaubos nyo ng oras sa kung ano anong paninira laban sa kanya. meron ba namang laos na pinag-aaksayahan nyo ng oras ibig sabihin inaabangan nyo sya sayang naman time and effort nyo para manira lang. Be productive guys think something to do that will improve you as a well being. Kung ako sa inyo ang laos hindi binibigyan ng oras kahit konti kasi sa ginagawa nyo pinapasikat nyo sya ulit binibigyan nyo sya ng kahalagahan sa showbiz. Day ang laos never napag-uusapan naaawa ako sa inyo napapagod lang kayo lalo talaga kaming dumadami na supporters nya dahil inaapi nyo sya. Aminin na natin hintay nyo rin si Maruja excited din kayo kasi ala ng maganda mukha sa tv screen nyo plastic nyo. |
|
chilen (no login) | Re: sana lang wag mo ng saktan si kristine diether! | April 26 2009, 5:32 AM |
Hay naku, lumabas rin ang tunay na kulay ni Mr. Bitter or Dugong Ocampo. Dati isa siya sa manga idol ko kahit nuong hindi pa sila ni Kristine, pero ngayon sukang suka na ako kay Diet. Yuck! |
|
zayk (no login) | Re: sana lang wag mo ng saktan si kristine diether! | April 26 2009, 9:22 AM |
don't ever compare Tin to other artists dahil hindi pa nila nararating yung mga narating ni Tin.
Masyadong marami kung iisa isahin ko ang mga bansang nainvade ni Tin.
well, how i wish, marating din yon ng mga pinagmamalaki nyong artists.
Go go go lang Tin =) |
|
Tarry Tarry Stool (no login) | Re: sana lang wag mo ng saktan si kristine diether! | April 26 2009, 9:27 AM |
|
| Current Topic - sana lang wag mo ng saktan si kristine diether! |
|
|