isang malaking sampal yun sa bagong girl ni diether pag nagkamali siya ng tawag na "honey" kaya para safe at para di mabuking na si kristine pa rin ang laman ng puso at isipan niya. i think, yong pagpapasaring ni diether kay kristine ay parang defense mechanism niya yan para masabi ng mga tao na he's total over kristine. kaya lang di talaga puedeng dayain ang puso at lalabas at lalabas talaga ang katutuhanan. meron pa akong hinintay na makita kay diether sa kilos niya in public na madalas niyang gawin kay kristine noon na di ko pa nakikita sa kanya pag kasama niya ang bagong girl niya para mapaniwala niya ako na he's total over kristine na nga. ang hirap nga naman talaga magkunwari at magacting-actingan diether, ano? kaya wag mong tanggihan ang friendship na inooffer ni kristine at baka kung kailan kailangan mo na ito at saka mo lang marerealize kung gaano kahalaga ito sa iyo at baka pagdating ng panahon na iyon ay di niya na kayang ibigay sa iyo dahil baka maisipan ni kristine na kahit "ang pagiging kaibigan niya sa iyo" ay di na nararapat sa isang katulad mo. remember diether at alam mo yan, mapili si kristine sa kaibigan kasi para sa kanya ang "friendship" ay napakahalagang bagay sa kanya, kaya di niya ito basta inooffer na lang sa kahit kanino lang kaya napakapalad mo at pinagkalooban ka niya nito. lagi nating lahat naririnig yong kasabihan na "walang pagsisisi na nauuna" which is true naman talaga. please, be true to yourself na diether and be humble enough in admitting your faults/mistakes and say sorry sa family ni kristine lalo na sa dad and mom ni kristine na nagreact na sa mga masakit na mga parinig mo kay kristine sa mga interviews mo kasi sayang talaga yong naestablish mong friendship sa family niya at pinaghirapan mo rin naman yun. kasi obvious talaga na nasaktan ang dad at mom ni kristine kasi madalas nakikita lang natin sila sa vtr greeting kristine on her b-days but last week sa cinema news alert pumayag na ang dad ni kristine na iphonepatch at sabi pa niya iquote yong sinabi niya kay diether kaya sayang kung masira lang ang tiwala na naearn mo diether sa family ni kristine. puede namang manatili yong friendship diether kahit wala ng romantic involvement between you and kristine. and it would only be possible if you will take away all your pride and bitterness and fill you heart again with love, kindness and humility so that you will truly feel good and completely happy with your life. tingnan mo si kristine, napanatili niyang maganda ang aura niya dahil napakapositive ng attitude niya at wala kang makikitang bitterness sa kanya kahit na masyado na siyang naaapi at pilit na pabagsakin ng iba. kaya tuloy lalong blessed kasi napakabait pa rin na bata at sabi nga ng daddy max niya ay "minamaximize naman ng pagtitakeadvantage ng iba iyong sobrang kabaitan ng anak niya". i'm sure puede pa talaga ayusin kahit yong friendship niyo na lang ni kristine. god bless you both. |