| Jericho Rosales reminisces old times with KristineMay 6 2009 at 5:18 PM | ....... (no login) |
| NAAALIW SI KRISTINE Hermosa sa pag-English-English ni Jericho Rosales.
Nakatakdang magsama muli sa isang grand soap opera sa ABS-CBN sina Tin at Echo, kaya in the mood ang aktres para mag-play ng jokes on Echo.
Hindi natin alam, baka sign ng maturity yun, naibiro ni Kristine. Hindi ko masyadong nakakausap si Echo, pero ang napansin ko sa kanya, pag nakakausap niya ako, lagi lang siyang nagre-reminisce. Just like old times. Happy naman. Basta ang alam ko, kapag kausap niya ako, nagiging normal siya.
Kinakantyawan siya ni Echo dahil hindi nga umaamin si Kristine about Oyo Sotto.
Eh, kasi, wala naman talaga, sabi pa niya. Ano ang aaminin ko sa kanya? Kung mayroon na talaga, bakit hindi ko sasabihin sa kanya?
Positibo ang pagbabalik ni Kristine sa pamamagitan ng Nasaan Ka, Maruja?. Maganda ang feedback sa nabanggit na bagong teleserye na kinatatampukan ni Kristine.
Hindi nga lang namin alam kung bakit sa mga naibibiro ni Tin ay nagre-react naman si Diether Ocampo at minamasama ang nasabi nitong hindi dapat nagmamadali sa punto ng pagpapakasal. Opinyon yun ni Tin na batay sa kanyang naranasan, at hindi naman nangangahulugan na pinagsisisihan niya ang pagpapakasal kay Diet.
Kung nag-work out talaga ito, mas may rason para manahimik na lang si Tin, pero sa hindi pa rin nga maganda humantong ang kanilang pagpapakasal, na sa umpisa pa lang pala, null and void na.
Calm Ever
Archie de Calma
|
| | Author | Reply | im sure (no login) | Re: Jericho Rosales reminisces old times with Kristine | May 6 2009, 7:59 PM |
MADAMI NANAMANG MAIINGGET... HAHAHA... MAGDADATINGAN NA SILA...AYAN NA... HAHAHA... ECHOTIN IBANG KLASE KAPIT SA FANS... |
| pilot (no login) | Re: Jericho Rosales reminisces old times with Kristine | May 6 2009, 11:01 PM |
na miss ko tandem nila. Nasa SNN din yata sila. |
| OMG (no login) | Re: Jericho Rosales reminisces old times with Kristine | May 6 2009, 11:16 PM |
oo pilot nasa tv patrol din nga. kakakilig talaga sila |
| kaye (no login) | Re: Jericho Rosales reminisces old times with Kristine | May 7 2009, 10:56 AM |
Nandyan pa rin ang kilig between Tin & Echo,luv ko tlaga c tin kahit cno kasama luv ko na rin. | |
| | Current Topic - Jericho Rosales reminisces old times with Kristine |
| |
|
|