--


  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  

Sana'y Wala Nang Wakas Episodes

June 4 2004 at 12:36 PM
No score for this post
  (no login)

-
Monday, May 31st, 2004

This episode has to be my favorite.. When Christian and Ara were talking.. umiiyak talaga ako!! It came to me that she was basically shouting to us that its going to be a Leo Gracey ending.. but that just doesn't make any sense!! Hopefully its still Ara and Christian..Tinapat na ni Gracie ang lalaki. "Xian, aaminin ko syo, nd ko
nagustuhan ang pag-apply mo sa country club."

-Transcript-

-o-

Tinapat na ni Gracie ang lalaki. "Xian, aaminin ko syo, nd ko
nagustuhan ang pag-apply mo sa country club."

"Im sorry. Kasi di ko na alam ang gagawin ko eh."

"Ok na tayo. Panatilihin na lang natin na ganito ang relasyon natin."

"Nd ko kaya."

"Kayanin mo, para sakin."

"Alam mo Ara, gagawin ko rin eh kung matuturuan ko lang ang puso
ko."

"Masasaktan ka lang!"

"Wala akong pakialam, titiisin ko ang lahat."

"Xian, ako ang iipitin mo."

"Ara, mahal na mahal pa rin kita."

"Ikakasal na kami ni Leo!"

-o-

Nabingi ang lalaki ang tinanong ulit si Gracie. "Papakasal ka na?"

Sinagot agad siya ni Gracie. "Un ang totoo."

"Well at least… (iyak…) nd ko masasabing pinabayaan kita. At least
masasabi ko sa sarili ko ipinaglaban kita. Di ko alam kung saan ako
magsisimula. Sana maging madali rin sakin."

"Xian, wag mo sanang iisipin na nagging madly ang lahat para sakin. Nagdusa rin ako ng iniwan mo ako! Alam ng Diyos lahat ng pinagdaanan ko. Pero binigay Niya sakin si Leo. Si Leo ang gumamot ng lahat ng sugat na iniwan mo."

Tumulo ang luha ni Gracie.

"Alam mo, wala tayong dapat sisihin sa lahat ng mangyayari. Lahat ng bagay na nangyayari sa buhay natin, may rason. Siguro maaaring… maaaring nd lang un pabor satin. Pero Xian, sana wag mo kalimutan ha, na kahit anong nangyari satin at mangyayari pa satin, lagi kang may lugar sa puso ko. Nandidito ka na eh. Pero… pero minahal ko na rin si Leo.
Siya ang ngayon at bukas ko. Gusto ko maging masaya ka na, kaya pakawalan na natin ang isa't-isa."

Hinawakan ng lalaki ang kamay ni Gracie ngunit dahan-dahang bumitaw ni Gracie. Lumakad na si Gracie papalayo.

Courtesy of KristineH Fever (Ezboard).



Tuesday, June 1st, 2004

I don't think there's going to be an update today, but our sistah Tonee texted me with the highlights of today's eppy. Thnx sistah!

1. Today's episode was touching. Both Ara and Xian each had a moment of their own.

2. Xian accepted that he can't have Ara back and that all he could do is to treasure their memories together.

3. Same goes with Ara. She wrote a letter that no one else knows about. In this letter she finally expressed her true feelings. She finally admitted that she still loves Xian, but she doesn't want to hurt Leo.

Comment: WOW! This is a hard situation that Ara is in. No wonder she's got all these mixed emotions. So now we finally know what's inside Ara's mind.

Courtesy of KristineH Fever (Ezboard).



Wednesday, June 2nd, 2004

Here is The Preview for Today’s Episode.

Nag-practice si Maryann sa pagharap sa Voice of the World International, habang pinagsasabihan siya ni Miloy na dahan dahanin lang dahil singing contest ito at hindi beauty contest ng tinawag sila ni Shane dahil pinakita na sa TV ang interview ni Michelle, ang naging kalaban ni Maryann.

-o-

Nakatulugan ni Grace ang ginawang pagsulat kagabi ng kumatok si Leo sa kuwarto ng dalaga. Nagmamadaling tinago ni Grace ang sulat niya sa loob ng cabinet at binukasan ang pinto ng kuwarto at hinarap si Leo.

“O, Bakit namumugto ang mga mata mo? Umiyak ka ba?” dahan-dahan hinawakan ni Leo ang mukha ni Grace habang nag-aalala ito.

“Hindi, hindi lang kasi ako masyadong nakatulog eh.” sagot ni Grace kay Leo.

“Ganoon ba. O sige na mag-ayos ka na kasi may ipapakilala ako sa iyo sa baba, okay?”

“Sige.” sagot uli ni Grace sa kasintahan. Umalis na si Leo at makikitang malalim na nag-iisip si Grace sa kuwarto.

-o-

Pinanood nina Shane, Newton at Maryanne ang interview ni Michelle, halatang nag-sisinungaling ito sa interview nito na labis na kinagalit nina Shane. Habang nagkakagulo ang mga tao sa compound ay tinawagan si Maryann ng management ng contest para ipaalam na may interview siya sa The Buzz. Natuwa naman ang magkakaibigan sa balitang ito.

-o-

Pinakilala ni Leo kay Gracie ang bisita nila, ito pala ay ang magiging wedding coordinator nila na ang pangalan ay PINKY! Natutuwa naman nakipagkita si Grace sa mga ito.

-o-

Nakikitang dumadalaw si Joseph kay Maryann na labis na hindi ikinasaya ni Miloy.

-o-

Naghanda na sina Leo at Gracie sa kanilang kasal kasama ang wedding coordinator natin na si Pinky, nagtanong ito kina Grace kung anong bulaklak ang gusto nila. Pinili ni Grace ang mga Rosas. Natuwa naman si Leo sa naging desisyon ni Grace. Nag-desisyon naman si Pinky na tignan ang kuarto ni Grace kasi doon gagawin ang preparasyon sa kasal nila, sasama na sana si Grace ngunit may tumawag sa kaniya sa telepono, dahil dito ay sina Leo at Elizabeth ang sumama sa wedding coordinator habang sinagot ni Grace ang tawag sa kaniya.

“Hello.” tanong ni Grace sa tumawag sa kaniya na si Peter pala.

“Hello Grace, O eh nakausap ko na siya, nabalitaan niya nga sa diyaryo, medyo nagtampo pero okay na, nakumbida na natin siya, ayos na.” sagot ni Leo kay Grace.

Natuwa naman si Gracie sa balita at sumagot it okay Peter.

“Oo nga eh, hindi na nga namin alam ni Leo kung saan siya kokontakin eh. Mabuti naman kung makakapunta siya, plano ko talagang sorpresahin si Leo eh.”


-o-

Pinagalitan ni Miloy ang kapatid sa pagdalaw ni Joseph, ayaw nito ang ginagalaw nito sa Ate niya.

-o-

Nakarating na sina Pinky, Leo at Elizabeth sa kuwarto ni Grace. Natuwa si Pinky kasi ang ganda ng kuwarto ni Grace. Kaso ang Pinky masyadong katkatera at pati ang cabinet ni Grace ay tinignan to look for linens. Sa pagkuha niya nito ay nahulog ang sulat ni Grace sa kahapon niya, nakita ito ni Leo at pinulot at biglang nag-isip ang binata.

-o-

Biglang dumating si Grace sa kuwarto niya, doon niya nakita si Leo na hawak ang sulat.

“Leo!” tawag ni Grace sa kasintahan.

Napatingin si Leo kay Grace at binigay ang sulat dito.

“Nahulog kanina. Tinignan kasi ng wedding coordinator ang kuwarto mo eh, halika doon muna tayo sa kuwarto ko.” wika ni Leo kay Grace. Pero may halong pangamba si Grace na sumagot “Sige, susunod na lang ako.” at tumingin uli ito sa kasintahan. Nakita ni Leo ang pag-aalala ni Grace at nagwika ito.

“Huwag kang mag-alaala kung ano man ang nakasulat diyan, hindi ko naman nabasa eh. Siyanga pala maghanda ka na na pupunta tayo sa Maynila, kailangan natin mag-tour para makapamili tayo ng designers.” at hinalikan nito sa noo si Grace at nagpaalam ng bumaba. Medyo magkahalong kaba at pasasalamat ang makikita sa mukha ni Grace sa pahayag na ito ni Leo.

-o-

Kinausap ni Michelle ang isang tao para tulungan siya sa paninira kay Maryann.


-o-

Nagpaalam naman si Grace kay Leo pagkatapos nila mag-ayos ng mga susuotin sa kanilang kasal para bisitahin si Shane. Pumayag naman si Leo dito. Natuwang nagpaalam na si Grace sa kasintahan.


-o-

Patuloy si Michelle sa pagpaplano sa gagawin kay Maryann.

-o-

Nagkita sina Gracie at Maryann kina Shane at ito ang naging pag-uusap nila.

“Maryann, mukhang aalis ka ata?” masayang tanong ni Grace kay MA.

“Yaah, mayroon akong TV guesting sa The Buzz!!!” sagot ni MA kay Gracie. Natuwa si Grace para dito at nagwika.

“Talaga? May hihilingin sana akong pabor sa iyo eh, kung ok lang?”

“Oh sure!!! Ano iyon?”

“Ahm, kasi naisip ko na mapro-promote din ang country club kung kumanta ka doon, kung ok lang sana sa iyo na mag-perform?”

“Eto naman siyempre naman basta ikaw at kay Leo aprub kaagad iyan! Uy atsaka Ara ha, Congrats nga pala nabasa ko sa diyaryo na ikakasal na kayo ni Leo. Sana naman ay imbitahan mo ako diyan ha!”

“Siyempre naman!” may tuwa sa mga mata at mukha na sumagot si Grace dito.

Nagpaalam na si MA kay Grace dahil may interview pa siya sa The Buzz. Masaya naman at nakangiti na nagpaalam na rin si Grace dito.

-o-

Last scene ay pinakita ang interview ni Maryann sa The Buzz habang nanonood sina Shane, Newton at Grace. Tinanong si MA tungkol sa dating CEO ng SWAN, natigilan ang dalaga pero sumagot na lang ito na huwag na lang ito pag-usapan. Nagpakita ng MTV tungkol kay MA ngunit nabigla ang lahat dahil sa hulihan ay pinakita ang dating katrabaho ni MA sa bar. Takang-taka ang lahat sa nangyari.


END

Courtesy of LIAM from ARAXIAN : Pamilya Ko Ito Forum.



Thursday, June 3rd, 2004

According to our sistah Tonee's text. Here's what happens today. Thnx for the txt sistah!

1. Well weewee's face is still around. She told Boy everything about her past and he was proud of what she did.

2. Xian went to the studio as a friend. They went to the Breakwater and as faith would have it, Ara also went there. Miloy saw her but wasn't sure if that was indeed Ara.

3. Xian and weewee both agreed that they both needed space.(Oh for crying outloud, their story is so absurd. How many more goodbyes can we take? Bring on the barf bag plz. The story just keep going around in circles...GRRRRR). Ara also said her goodbyes AGAIN...to all the memories of her and Xian.

4. Ara placed the letter she wrote to Xian in a bottle and threw it in the water.

5. Just as Xian was about to leave, he couldn't help but remember the time when he and Ara were once in that same place...screaming on the top of their lungs to let out their anger and frustrations. That's when Ara taught him that all you need to do to let your frustrations and anger dissolve is to just (((SCREAM!!)))) on the top of your lungs. He decided to sit... then saw the bottle.

Courtesy of KristineH Fever (Ezboard).




    
This message has been edited by swnwtinecho on Jun 4, 2004 12:41 PM
This message has been edited by swnwtinecho on Jun 4, 2004 12:37 PM
This message has been edited by swnwtinecho on Jun 4, 2004 12:37 PM


 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.Respond to this message   
AuthorReply

(no login)

Echo/tin4evermore

Score 5.0 (1 person)
June 16 2004, 1:22 AM 

More news about swan please. Kasi paganda ng paganda na ang swan kasi magkasama at least sina christian & ara I mean magkikita na sila everyday. Sana eh gumaling agad ang tuhod ni echo para makapagtaping na siya. Sayang iyong taping sa subic very memorable pa naman ang subic sa kanilang dalawa. Echo take it easy ka lang dahil tuhod iyan masama saiyo ang mabinat at mamaga ang tuhod mo. HIndi ka makakalakad hindi bale kung aakayin ka ni tin eh deadma siya saiyo ngayon. Bakit ba? Nagseselosan kayong dalawa kayong dalawa naman ang nasasaktan. Hindi na kayo mga bata. Sige na kiss & makeup na kayo.

Mahal naman ninyo ang isa't-isa eh. Come on tin please forgive echo na and echo please forgive tin na. Bakit ba kayo ganiyan?

At saka ikaw naman ara sa swan eh bakit ganiyan ang mga tingin mo kay christian sa totoo lang eh gustong gusto mo naman siyang makita. Paano iyan ngayon diyan na titira si christian humanda ka. Ikaw rin baka mahalata ka ni dugong panay ang sabi mo kay christian na mahal mo si dugong at pakakasalan mo. Sige nga christian yapusin mo si ara at hindi papalag iyan. Sobra ka kasing missed niya eh. Paano iyan after ng swan eh di hindi na kayo magkikita. Kaya ba ninyong dalawa iyon mga beihs?

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.Respond to this message   

(no login)

Xian/Ara4evermore

Score 5.0 (1 person)
June 26 2004, 10:26 PM 

Pinakamaganda ang swan this week talaga lalo na yesterday (25.6.04) super kilig talaga at tadhana talaga ang nagdala sa kanila sa ferry tapos sa island na doon din sila nagsimula at doon sila magend. Imagine doon rin sa island na iyon. Thanks God at talagang sila naman eh. Kahit na ano pa ang gawin eh sila lang dapat. Sila ang bida sa teleserye na ito. Pero maraming pakulo ang abs ewan ko. Bakit ganito? Maraming fans ang echo & tin kahit na pinaghihiwalay ninyo ang dalawa eh matibay & matatag ang echo & tin fans.
Paanong hindi magkaganoon na iyon din ang soot ni xian eh hindi pa siya nauwi sayang lang iyong pantalon ni echo cream eh puro putik sa island at si tin parang swimsuit ang soot niya iyong taas pero noong lumundag eh kita na nakashorts siya. Kita ninyo noong nakadapa sa putik si echo pogi pa rin. Naku itong taong ito super pogi kaya maraming babae ang naloloka kahit na masakit ang tuhod kita mo naman eh.

Hanga talaga ako sa inyong dalawa the unbeatable loveteam. Kahit na pinaghihiwalay kayo eh subok na matibay & matatag pa rin. Kaya nga sabi ni xian eh magtiwala ka sa akin ara basta huwag kayong hihiwalay kapit ka lang sa akin. Nakita ninyo iyong yapusan nilang iyon sa tubig naku super kilig talaga. How sweet parang honey?

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.Respond to this message   
Current Topic - Sana'y Wala Nang Wakas Episodes
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  
Find more forums on Social Issues and Support GroupsCreate your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2008 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement