ay hindi ko iboboto si obama! wala namang syang bukang bibig kundi african-american lang. hindi naman african-american lang ang tao sa america marami pang ibang race, pero yun palagi ang bukang bibig nya. kaya kay clinton ako!
kay clinton ako. mas posible syang manalo sa white house kesa obama. si obama kahit na iboto ko at manalo sa primary, di yan mananalo na president. mukha lang syang popular pero pagdating na ng presidential election at republican na ang kalaban nya, talo sya ni romney o huckabee. si clinton pwede pang mahatak ang boto ng republican. kaya kay clinton ako.
mayabang si obama. lahat ng idea nya ginaya lang nya kay clinton. ang kaibahan nga lang tinaasan nya ng 10billion bawat sector ng plano ni clinton. nung unang announcement ni obama para kumandidato na president, wala syang sinabi tungkol sa plano nya. ginamit lang nya ang slogan na "change & hope" at ang pagiging african american. pero hanggang doon lang. puro publicity. puro media appearance kasama si oprah. ang mga supporter ni obama mapepera. kung manalo si obama mas protected nya ang mga taong nagbigay sa kanya ng pera. yung maliliit na tao, ang mga mahihirap hindi nya pinapansin. hindi rin marunong ng foreign policy si obama. sa america lang umiikot ang mundo nya. kaya nga ang tingin sa kanya ng mga foreign diplomat mayabang. kung kay bush bumagsak ang economy ng america paano pa kaya kung si obama na ang unang plano eh pauwiin ang troops sa iraq. anong gagawin ng troops kung wala namang trabaho na naghihintay sa kanila. oo magkakasama ang mga pamilya pero kung wala namang trabaho anong ipapakain mo sa pamilya mo? di bale kung pagkain lang ang problema. lahat ng bumabalik galing sa war puro psycholigically damaged. at ang pinaka malaking problema, walang healthcare na pwedeng gumamot sa kanila. kaya nga nagiging katawa tawa ang america sa buong mundo. puro baluktot ang mga plano, puro yabang kaya pabagsak ng pabagsak ang economy, pabagsak ng pabagsak ang dollar. ni wala rin akong makita sa plano ni obama para solusyunan ang immigration, hindi nakakapagtaka kung bakit pabor ang mga espanyol at mga pinoy kay clinton. dahil maraming pinadeport si obama!
For me Hillary Clinton. Mas malaki ang chance na sya ang maging president lalo na kung si Mc Cain ang magiging kalaban. At saka successful ang US noong kapanahunan ng mga Clinton. Maraming nabigyan ng trabaho. Maraming naka ahon sa buhay.
Si Obama? Ewan ko, pero wala akong alam na ginawa nya. He hasn't proven anything yet. Nagkataon lang na marami syang campaign money kaya nabibili nya ang vote.