Allan Diones
Kinumpirma sa amin kahapon ni Direk Joyce Bernal na maipapalabas ang launching movie ni Eugene Domingo na Kimmy Dora sa SM cinemas dahil Solar Films na ang magri-release nito at hindi na Star Cinema.
May isyu ngayon ang Star Cinema at SM chain of cinemas dahil sa usapin ng koleksyon at tamang pagkukuwenta ng mga kinikita ng mga pelikula ng Star Cinema, kaya hindi palabas sa mga sinehan ng SM malls ang And I Love You So ni Bea Alonzo.
Magandang balita ito para sa Kimmy Dora dahil aminin man o hindi ng film arm ng ABS-CBN ay iba pa rin kapag showing ang pelikula mo sa SM cinemas, na sumasakop sa mahigit kalahati ng kabuuang sinehan sa Pilipinas.
Tiyak na tuwang-tuwa si Eugene Domingo sa latest development na ito dahil gusto niyang mas maraming tao ang makapanood ng kanyang launching movie.
Hindi matapus-tapos ang pasasalamat ni Uge (palayaw ng komedyana) sa mga artistang nag-guest sa pelikula niya nang bukal sa kanilang kalooban (tulad nina Regine Velasquez, Rufa Mae Quinto, Vhong Navarro, Christian Bautista, Mark Bautista at Erik Santos).
Priceless daw ang pagbibigay-suporta ng mga ito sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya nang sabihing habang buhay ay palaging nasa isip niya ang mga ito at patuloy niyang pasasalamatan.
Ang ganda ng sagot ni Uge sa tanong kung feeling ba niya ay hinog na siya para bigyan ng launching film.
Aniya, Oo, naniniwala ako na hinog na ako. Marami na akong natutunan sa tinagal-tagal ko sa showbiz at sa dami ng mga nakasama kong beteranong artista at direktor.
Pati yung theater training ko sa UP, lahat yon, feeling ko, nai-apply ko rito sa Kimmy Dora. So, hinog na ako. Pag hindi pa ako gumawa ngayon, mabubulok na ako!
Kuntento na raw si Uge sa kanyang itsura at wala siyang balak magpa-nose lift o magparetoke ng kahit na ano sa kanyang mukha o katawan.
Ha! Ha! Ha! Parang huli na yatang magpa-nose lift ako. Siguro, botox muna! Ha! Ha! Ha! Hindi, never, never. I will never undergo that operation.
Eh magpa-lipo, wala rin siyang balak?
Hindi pa siguro ngayon. Basta akoy natutuwa na ganito ang itsura ko na sapat lang, hindi ganun kaganda, hindi ganun kaasiwa.
Sapat lang para sa pang-araw-araw kong pangangailangan, di ba?
Kasi, naiibigan naman ng mga tao ang itsura ko. Kaya sa palagay ko, itong mukha kong ito ay maaliwalas.
Lalo na sa kumikitang kabuhayan! Ha! Ha! Ha! tawa pa ng tinaguriang Diyosa ng Katatawanan na si Uge.
http://www.abante-tonite.com/issue/aug1909/entert_allan.htm
http://www.smcinema.com/SMCinemas/index.php?p=1
http://www.facebook.com/kimmydora
http//www.kimmydora.com
another very funny movie & so hilarious ... yyeehheeyyy !!!
go uge go !!! go kimmy dora go !!! let's go watch na !!!
Eugene Domingo as Kimmy Dora showing on September 2, 2009 in SM Theaters
http://www.smcinema.com/SMCinemas/index.php?p=1