PAKI-BOOK MARK PO
 


  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Forum  

Kahulugan ng mga Pangalan ng Tauhan sa Noli - for glenda

June 25 2006 at 12:41 AM
Saliksikan  (Login saliksikan)
Forum Owner

 
Na-received ko ang e-mail mo, subalit dahil sa ganda ng mga tanong mo ay cut and paste ang ginawa ko para ma-i-post dito sa forum:

Mga Kahulugan ng Pangalan ng mga Tauhan sa Noli Me Tangere:

Si Rizal ay isang manunulat na hindi nagsayang ng salita para sa kaniyang nobela, dahilan dito ay maging ang mga pangalan ng kaniyang mga tauhan ay mayroong mahalagang kahulugan na kakatawan sa ideyang kanilang tataglayin sa kabuuan ng nobela. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

1. Ibarra - tandaan na ang tunay na pangalan nito ay JUAN CRISOSTOMO IBARRA y MAGSALIN. tandaan na si Ibarra ay dugong Espanyol, subalit sa apelyido sa ina ay nagpapakita na siya ay may dugo ng isang purong Pilipino. Subalit ang hindi pinapansin na pangalan (laging tinatawag na Ibarra ng mga mag-aaral at maging si Rizal ay ang kaniyang tunay na pangalan na JUAN CRISOSTOMO.

Kinuha ni Rizal ang pangalang Juan Crisostomo sa isang butihing santo ng simbahan na tumutol sa pagmamalabis ng kaniyang mga kapwa pari at sa katiwalian at pagmamalabis ng mga pinuno ng pamahalaan sa lugar na kaniyang kinaroroonan. DAHILAN SA GANITONG PANININDIGAN NI SAN JUAN CRISOSTOMO, siya ay ipinatapon sa malayong lugar.


2. ELIAS - .maaring hinango ni Rizal ang pangalan na ito ng kaniyang paboritong tauhan mula sa propeta ng Israel na si Elias na nakiharap at humamon sa mga pari ni Baal na noon ay nagpasok ng ibang mga diyos at diyos-diyosan (graven image) sa Israel. Ginamit ni Rizal si Elias, bilang isang lihim na simbolo ng pagtutol ni Rizal ng paggamit ng mga rebulto ng mga santo sa loob ng kolonyal na simbahan:

Maaring makita ang katotohanan ng panlalait ni Rizal sa mga rebulto sa Kabanata 6 - Kapitan Tiyago at ilan pang mga kabanata ng ginawang pang-aasar ni Pilosopo Tasyo sa mga santo na nagdadaan sa panahon ng prusisyon sa bayan ng San Diego.

SUNDAN PA ANG PAGSUSURI NG MARAMI PANG MGA TAUHAN SA NOLI ME TANGERE

 
 Respond to this message   
AuthorReply
jojo
(no login)

nasaan pa ang ibang tauhan?

July 17 2006, 1:08 PM 

Galing! Sa dami ng mga Rizaliana books na nabasa ko, unique ang impormasyon dito. Pero sana marami pang karakter ang binigyang kahulugan ang kanilang pangalan. Makatutulong ito sa pagtuturo namin ng Noli Me Tangere. Maraming Salamat. Hintayin ko po.

 
 Respond to this message   
saliksikan
(no login)

invited kita na basahin ang jose rizal code

July 17 2006, 8:27 PM 

http://www.geocities.com/cavitesu/bioriz.htm
HINDI LAMANG ANG PANGPALAN ANG INYONG MAKIKITA
KUNDI ANG KATUTURAN AT SIMBOLISMO NI RIZAL...

 
 Respond to this message   
saliksikan
(no login)

jojo salamat

July 18 2006, 9:17 AM 

salamat sa pagpapahagala sa aking pagsisikap.
Asahan mo na sa mga susunod na araw ay ipo-post ko ang mga karagdganag inpormasyon.

Inaanyayahan ko rin na isa ka sa babasa sa JOSE RIZAL CODE
na makikita mo pag nagsearch ka sa google ng JOSE RIZAL.

 
 Respond to this message   
Krisostomo Ibarramendia
(no login)

Ukol sa "pagkamatay" ni Maria Clara

May 3 2007, 1:38 PM 


Ako po ay maraming taon nang nagturo ng mga nobela ni Rizal kabilang na ang Noli at Fili. Lubos ang aking interes na malaman na kung ang pinakamamahal bang karakter ni Rizal na si Maria Clara ay "nagpakamatay" o "namatay "
(Batid po natin ang pagkakaiba ng kahulugan ng dalawang wika)Sa Noli ni G. Virgilio Almario, huling bahagi ng aklat ay nabanggit na ang babaing nananangis sa tuktok ng kumbento ay si Maria Clara. Kinabukasan, pinagbigay alam ito sa kinauukulan at ang babae ay isinumbong na nasisiraan ng bait? Sa mga aklat Fili, si Maria Clara ay namatay mismo sa loob ng kumbento ng Sta. Clara? Ano po ba talaga ang kinasapitan ni Ma. Clara? Maraming Salamat Po. Isa po itong malaking tulong sa pag-unawa ng nobela ng Noli at Fili.

 
 Respond to this message   
saliksikan
(no login)

Re: Ukol sa "pagkamatay" ni Maria Clara

May 25 2007, 7:44 AM 

magkaiba ang babeng nasa bubungan ng kumbento ng santa clara- si pepita estrada iyon.
si Maria Clara ay ginahasa sa loob ng kumbento ng santa clara ni Padre Salvi at sa mahabang panahon ng paghihirap ay namatay sa loob ng kumbento.


 
 Respond to this message   
saliksikan
(no login)

uulitin ko lang po

June 3 2007, 10:17 PM 

Magakaiba ang babae na umiiyak sa bubungan ng kumbento ng Santa Clara - iyon po ay si Pepita Estrada na isang anak ng mayamang angkan sa Binondo at ang lalaki na isang mataas na kawani na bumisita kay Pepita Estrada ay si Vicente Barrantes. Alam po ni Rizal ang naging kaganapan kay Pepita Estrada at ang hindi pagkupkop ni Barrantes sa nasabing dalaga. Lumilitaw sa aking pag-aaral na naging kaganapan kay Pepita Estrada ay isang iskandalo noong kapanahunang iyon.


 
 Respond to this message   
sallie
(no login)

about maria clara

November 10 2007, 8:28 PM 

may oratorical contest kami na ang tema ay tungkol kay maria clara. pwede nyo ba ko bigyan ng biography nya, ang kanyang buhay, mga nagawa at iba pa. salamat po.

 
 Respond to this message   
sel
(Login lesse)

about this

August 2 2011, 8:05 PM 

humihingi rin ako ng mga kasagutn dto,.,.,dahil ito po ay report ko.,.

salamat at nabasa ko ito dail isa rin ako sa nalilito kung ano ba talaga ang totoo.,.ang tunay na dahilan ng pagkamatay n MariaClara.

 
 Respond to this message   
Mary Grace
(no login)

Dr.Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda

June 13 2007, 7:53 PM 

gs2 q mlaman lhat ng talambuhay nya
lyk kung kelan xia pnanganak
ahhh!! bsta poh lht ng mga impormasyon
tungkol po kay Dr. Jose Rizal yun lng po!!.

 
 Respond to this message   
Anonymous
(Login lhyne)

Re: Dr.Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda

April 29 2009, 12:48 PM 

ano ang impact ng pagkmatay ni rizal sa philippine govrnment at spain

 
 Respond to this message   
kim
(no login)

Re: Kahulugan ng mga Pangalan ng Tauhan sa Noli - for glenda

June 16 2007, 5:40 PM 

oi do u know about talinhaga sa

 
 Respond to this message   
pilosopo
(no login)

Re: Kahulugan ng mga Pangalan ng Tauhan sa Noli - for glenda

June 21 2007, 6:30 PM 

marygrace,
kung gusto mong malaman ang lahat sa kaniya - basahin mo ang lahat ng biography tungkol sa kaniya at mga sinulat niya - ang dali lang di ba? start ka na at bago ka magkaapo tiyak na tapos ka na

 
 Respond to this message   
COntra
(no login)

GANON BA TALAGA?.

June 26 2007, 11:56 PM 

hindi ba't napakadali lang gumawa ng kwento sa mga bawat gustuhin mong mga pangalan ^__^

 
 Respond to this message   
pilosopo
(no login)

Re: GANON BA TALAGA?.

June 28 2007, 11:46 PM 

oo madali nga gumawa ng kwento sa bawat pangalan - kaya lang kailangan na bigyan mo ng justification ang gagwin mong kuwento. Basahin mo ang analysis ng wikipedia sa da vinci code at makikita mo kung paano nila na de-construct ang mga pangalan na ibinigay ni Dan Brown sa kaniyang mga character sa novel.

 
 Respond to this message   
michael
(no login)

wala lang

August 6 2007, 11:09 AM 

ano ggwn ko wla n ang mhal k pno n aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
nnblw nko

 
 Respond to this message   
axis_05
(Login axis_05)

add more info about each character's symbolism

February 11 2009, 10:22 PM 

Ang galing ng explainations pero sana madadagan pa po. Please add more info about each character's symbolism in Noli Me Tangere and El Filibusterismo... Thanks!

 
 Respond to this message   
 
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Forum  
Find more forums on Asian HistoryCreate your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2014 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement  
JOSE RIZAL CODE 1