ipagpaumanhin mo na wala akong nabasa na titulo ang unang dula ni Rizal... ang katotohanan nga ang anekdotang iyon ay mula sa mga ala-ala ng kapatid ni rizal at walang dokumentong basehan.
kung sinasabi ng inyong guro na "prinsipe orientis" ang pamagat, inaakala ko na siya ang higit ninyong hingian ng batis (source) at malulugod kami sa forum, kung maidagdag mo sa inpormasyon.
Ang forum ay pinasimulan ko at inaasahan ko na dudugtungan ng mga katulad ninyo na may pagnanais na higit na malaman si Rizal.
Salamat at inaasahan ko ang palagian mong pagbisita at pagsama sa amin.
thank you sa pagtulong mo sa akin sa pagsagot sa mga tanong dito.
doon sa nasabi kong "wala akong nabasang pamagat" ang ibig kong sabihin ay wala akong nababasang anumang dula na sinulat ni Rizal sa kapanahunang iyon. Kundi ang anekdota ay ibinigay lamang ng mga kamag-anaka ni Rizal.
Kay Gino,
sana makuha mo sa iyong guro ang kaniyang source para maibahagi naman natin sa iba.
hehe..wala pong anuman..sa pagsagot ko ng ilang tanong dito sa forum nais ko ring makatulong...isa akong tagahanga ni rizal kaya lahat ng impormasyon na alam ko ay gusto ko ring maibahagi... :-)
maaari po bang bigyan nyo ako ng buod ng dula ni rizal, kahit ano lang pong dula basta si rizal po ang sumulat o gumawa..... maaari po ba? pls...........