PAKI-BOOK MARK PO
 


  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Forum  

Ano ang kaibahan ni Rizal upang tanghaling pambansang bayani ng Pilipinas?

August 4 2006 at 3:35 PM
master  (no login)

 

 
 Respond to this message   
AuthorReply

redzh
(Login redzhina)

Re: Ano ang kaibahan ni Rizal upang tanghaling pambansang bayani ng Pilipinas?

August 11 2006, 9:10 AM 

ung tanong mo po it implies kung bakit si rizal ang naging pambansang bayani, tama ba?

noon, ang pilipinas ay nagkaroon ng kongreso upang magkaroon tayo ng pambansang bayani. ung iba sinasabi na "american dubbed hero" si rizal, pero hindi naman talaga.

may 5 kwalipikasyon na itinalaga ng komite sa mga bayani.

una, dapat namatay na... walang problema dahil lahat ng kandidato noon sa pagkabayani ay patay na.
ikalawa, dapat nakapag-aral, lahat sila kahit si bonifacio ay may edukasyon.
di ko matandaan ung ikatlo eh
ikaapat, dapat ay may malinis na pangalan. duon nadali si bonifacio dahil nagkaroon ng hidwaan nuon si boni at aguinaldo di ba? tungkol sa magdiwang at
magdalo. pati si m.h. del pilar ay d malinis ang pangalan dahil kung matatandaan naging drunkard siya. pinangakuan niya si rizal na tutulong ito sa pagsulat ng noli pero hindi naisakatuparan.
ung ikalimang kwalipikasyon, dapat ay may makabuluhang kamatayan, kung matatandaan muli, si del pilar ay namatay lamang na may sakit at si rizal ay namatay sa madramang paraan. nilakad niya mula sa piitan niya papuntang Bagumbayan, tpos pinapatugtog ang marcha de cadiz, tapos may drums pa at firing squad, ang matindi duon ay pinilit niyang humarap sa kanyang mga kaaway
nuong nabaril na siya.

isa pa, si rizal lamang ang nakapag-propesiya na maaga siyang mamamatay.at noong kabataan niya, siya lamang sa mga bayani ang nagsabing "sige tumawa kayo, balang araw ay ilililok ako ng tao" na naging totoo dahil nagkaroon ng statue si rizal sa luneta di ba?

last, siya lamang ang may pagka-ironic ang buhay, di ba noong bata siya may kwento ang ina niya sa gamo-gamo, di nila alam na sila rin ay magiging ganuon ang kapalaran, tulad ng kinasapitan ng gamu-gamo.

madaming kaibahan si rizal kung tutuusin kaya napaka-sarap magbasa tungkol sa kanya,, at nakakainspire pa siya, d b?

 
 Respond to this message   
-tinay-
(no login)

redhz

April 12 2007, 8:30 PM 

uhmm, though its late to object at least i tried! ahihihi...
hmmmm.. can i ask you something?? cno nga ba pumili ng pambansang bayani ng pilipinas?? 9 na tao lang..! apat na pilipinong federalista, at limang amerikano.. majority of this people were americans, do you think there is no hidden agenda there?? sapat na batayan nga ba yung dramatic na kamatayan para mahirang na pamabansang bayani?? y not bonifacio?? sa plagay mo justifiable ba tlga yung mga naging batayan ng 9 na taong naghirang kay rizal??? hmmmm...

 
 Respond to this message   
akoaytao
(no login)

???

April 12 2007, 8:32 PM 

ano nga ba koneksyon ng propesiya para karapat- dapat na mahirang c rizal? wala nman ah.. hahaha! ala lang, nakikigulo lang

 
 Respond to this message   
jean boy marinduque
(no login)

ah ala lang po hehe

August 14 2007, 8:03 PM 

tama ka nakakainspire talaga siya..ahm isa png dahilan kung bakit pinili xa ni william howard taff na pmbansang bayani ng Pilipinas ay meron xang mataas na pgmamahal sa bayan..at may mahinahong damdamin..hehe cge thanks

 
 Respond to this message   
jean boy marinduque
(no login)

ah ala lang po hehe

August 14 2007, 8:05 PM 

tama ka nakakainspire talaga siya..ahm isa png dahilan kung bakit pinili xa ni william howard taff na pmbansang bayani ng Pilipinas ay meron xang mataas na pgmamahal sa bayan..at may mahinahong damdamin..hehe cge thanks

 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

In Fairness

August 31 2007, 9:21 PM 

Maaring ang naipakita sa atin ay ang pagpili ni W. H. taft kay Rizal na maging pambansang bayani ... subalit bago pa man maganap ang pagpiling iyon in 1901 pakitandaan lamang ang mga sumusunod na kronolihiya:


1892-1893 Malaman sana na pinili si Rizal kahit hindi niya alam na maging "honorary president" ng Katipunan at sa mga pangkat ng mga Katipunero ay naroon ang mga pangkat ng Bayani, Kawal, at Katipun. Angbawat isang pangkat ay mayroong mga password.

Katipun - ang password ay Anak ng Bayan
Kawal - ang password ay GOMBURZA
bAYANI - ANG PASSWORD AY RIZAL

Maging ang Disymbre 30 na Rizal DAy ay hindi produkto ng mga Amerikano
Ito ay proklamasyon sa ilalim ng Unang Republika noong 1898 na gawing piyesta opisyal ang December 30 - sa pagkakaalam ko ito lamang ang nag-iisang [proklamasyon ng Malolos na umiiral pa hanggang sa ngayon.



 
 Respond to this message   
Heero Yuy
(no login)

Pero..

September 27 2007, 7:41 PM 

pero di pa rin dapat naki-alam ang mga kano sa pagpili natin ng sarili nating pambansang bayani. Saka, dahil nga sa mahinahon si Rizal kaya siguro siya pinili ng mga kano. Bakit? kasi kung si Bonifacio ay matapang at handang ipaglaban ang karapatan. Maaaring inisip nila na kung siya ang magiging bayani eh baka maging ganun din ang mga tao at di nila magagawa yung mga kalokohan nila dito.

Isa pa, si Rizal ay nabibilang sa mga Pilipino na may kaya, samantalang si Bonifacio ay galing sa isang mahirap na pamilya lamang. Hindi naman talaga kalayaan ang gusto niya di ba? asimilasyon lamang, di tulad ng kay Bonifacio na talagang handang ipaglaban, kasi alam din niya siguro na hindi rin naman sila pakikinggan ng mga Kastila.

Hindi naman sa against ako kay Rizal, hanga naman ako sa kagalingan niya.
Para sa akin kasi si Bonifacio talaga ang dapat na pambansang bayani, pang-masa talaga. Mas akma kasi na galing sa mahihirap ang pambansang bayani ng isang bayan na marami at lalong dumarami ang naghihirap.

 
 Respond to this message   
erriuga acinorev
(no login)

just asking...

September 29 2007, 7:24 PM 

tanong lang po...
sa anong nobela o artikulo o literatura mababasa
ang sinabi mong sinabi ni Rizal na "sige, mgatwan kayo...
balang-araw ilililok ako ng tao?" if i'm not mistaken for the exact words...

 
 Respond to this message   
renan
(no login)

Rizal

October 3 2007, 9:44 PM 

hoy! kaya tinanghal na pambansang bayani c rzal dahil iba cya sa ibang bayani dahil hindi cya gumamit ng dahas ginamit niya ang kanyang isip


nakipaglaban cya sa pamamagitan ng pagsusulat at pagbatikos sa mga kalaban sa pamamagitan ng sulat


yan lng po


salamat!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

 
 Respond to this message   
Heero Yuy
(Login Heero_Yuy_03)

Alam ko yun..dinaan niya sa sulat..

October 6 2007, 8:35 PM 

alam ko yun..dinaan nya nga sa sulat..dahil naniniwala nga siya na hindi mabuti ang dahas...at ang gusto lamang ng tulad niya na mula sa isang mayamang angkan ay maging probinsya ng espanya ang pilipinas...hindi ganap na kalayaan...


Un nga lang kahit sinasabing malaya na tayo eh yung mayayaman na ang nagpapalakad ng bansa...tinatapakan ang ordinaryong pinoy.

"...at nang umulan ng katangahan sa mundo, hindi lahat ay may dalang payong..."

 
 Respond to this message   
jao
(no login)

--

December 5 2007, 8:23 PM 

playboy man c rizal.. dba..

so d malinis ang kanyang pangalan...

uso ba noon ang.. maraming gf..?

kya d nakakapagtaka...na mraming playboy ngayon..

hheheh

 
 Respond to this message   
ano ni mous
(no login)

Rizal or Bonifacio

October 13 2007, 3:14 PM 

Regarding dun sa post na may 5 kwalipikasyon na itinalaga ng komite sa mga bayani, magre-react lang ako sa ika-apat at ika-limang kwalipikasyon:
ikaapat, dapat ay may malinis na pangalan. duon nadali si bonifacio dahil nagkaroon ng hidwaan nuon si boni at aguinaldo di ba?

My reaction:
Si Bonifacio ay pinapatay ni Aguinaldo kaya paanong magiging di malinis ang pangalan ni Bonifacio samantalang nakipagtalo lang siya tungkol sa halalang naganap. Si Aguinaldo ang di malinis dahil nakuha niyang ipapatay si Bonifacio gayung si Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan. At saka pumayag naman si Bonifacion na di mahalal uli na pangulo. Si Aguinaldo ang nagpapatay kay Bonifacio at Antonio Luna. Si Rizal naman ay sinabi mong malinis ang pangalan. Ang di mo alam, si Rizal ay isang playboy. Marami rin siyang babae samantalang si Bonifacio ay may nabasa kang maraming babae. Kaya napili si Rizal over kay Bonifacio ay dahil nag-aalala ang mga Amerikano na mag-aklas na nman ang mga taong bayan laban sa mga Amerikano. Kasi ang simbolo ni Bonifacio ay ang madugong pakikibaka samantalang sir Rizal ay hindi. Si Rizal ay malayo sa ating bayan at di nakikipaglaban (physically) samantalang si Bonifacio ay nandito at itinataya ang buhay. Isa pa, gusto rin ng mga Pilipino na medyo magandang tingnan ang imahen ng mga Pilipino sa ibang bansa dahil si Rizal ay kung saan-saan nakapag-aral at marunong ng kung anu-anong wika samantalang si Bonifacio ay kakauntin ang alam.

ung ikalimang kwalipikasyon, dapat ay may makabuluhang kamatayan.

My reaction:
Gaya ng sinabi ko sa ikaapat, ayaw ng mga Pilipino kay Bonifacio dahil pangit ang pagkamatay ni Bonifacio. Namatay si Bonifacio hindi sa kamay ng mga kalaban kundi ng mga kapwa niya Pilipino samantalang (kagaya ng sinabi mo)namatay si Rizal na pinapatay siya ng mga Kastila (madrama parang telenovela). Alam mo ba na hindi naman gusto ni Rizal na makalaya ang Pilipino sa pagkasakop ng mga Kastila kundi magkaroon lamang ng tamang representayson ang mga Pilipino sa iba't ibang parte ng lipunan at simbahan. Ayaw pa nyang makalaya dahil di pa daw kaya ng mga Pilipino. Samantalang si Bonifacio ay gusto nyang totally makalaya sa pagsakop ng mga dayuhan. Di ba mayroon pang istorya na nagrecant si Rizal?

Si Rizal ay sinilang at lumaking mayaman. Nkapag-aral sa iba't ibang kolehiyo dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa samantalng si Bonifacio ay laki sa hirap at nagsikap na mag-aral at magtrabaho para sa kanyang sarili. Alam ko na matalino si Rizal pero di ba kagaya ngayon sa ating lipunan na maraming mayayaman at matatalino (kung saan-saan nag-aral) ang mga kawatan at magnanakaw hindi lamang sa gobyerno maging sa mga private sector.

Ung nga pala na propesiya ni Rizal ay anong kinalaman sa pagiging pambansang bayani? Kung ganun di dapat si Nostradamus ay pambansang bayani hindi lamang ng pransya kundi ng mga maraming bansa sa mundo dahil marami (hindi naman lahat) siyang propesiya na nagkatotoo.

Huwag sanang magalit ang mga naniniwala kay Rizal. Naniniwala ako na isa ring bayani si Rizal at maraming naitulong sa ating pagiging isang bansa. Maraming bagay ang naging contribution ni Rizal sa ating bayan dahil sa kanyang mga libro. Maraming kasaysayan ang naitala tungol kay Rizal dahil magaling syang duktor, nobelista at iba pang uri ng mga kaalaman. Marami ang magagandang bagay ang maisusulat sa kanya. Ang suwerte lang ni Rizal ay isinilang syang mayaman at kaya nyang matuto ng iba't ibang bagay samantalang si Bonifacio ay kailangang kumayod para sa kanyang mga kapatid at sarili.

Lastly, kung ako ang pipiliin ay pwede sigurong parehas nating gawing national hero (kung pwede) si Rizal at Bonifacio. Pero kung isa lang ay dapat si Bonifacio ang maging national hero natin.





 
 Respond to this message   
airamaddey
(Login airamaddey)

Re: Rizal or Bonifacio

September 22 2008, 10:23 PM 

TAMA. Nicely delivered. Just as i would've explained it. No need to add more. Your post says it all.

 
 Respond to this message   
jennyvie G.Asan
(no login)

"MAtalino syang tao"

November 12 2007, 11:26 AM 

,.,.,.alm natin bihira lang magkaganyan ang mga tao na katulad niya.,,.
ohhhh.,.akalain natin sa salita nya natigil ang mga away.,.sa ibat ibang lugar.
kaya para sa akin c jose rizal ay isang taong bayane na matatag sa kalooban nya.
at ang pagkaroon ng respito sa isat isa .,,.alm namn natin sa una ay ang mga babae ay bug bug sirado sa mga kastila.
peru only jose risal that can guess even xa lang ang nag isa sumalkay sa lahat ng kalaban kahit nabug bubg na xa. hindi nya bnababa ang tama.,,.

 
 Respond to this message   
lady_jenzcute@yahoo.com
(no login)

"maganda ako" ay sya pala.,.,""

November 12 2007, 11:34 AM 

Itong Katagalugan, na pinamamahalaan nang unang panahon ng ating tunay na mga kababayan niyaong hindi pa tumutulong sa mga lupaing ito ang mga Kastila, ay nabubuhay sa lubos na kasaganaan, at kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kapit-bayan at lalung-lalo na ang mga taga-Japon, sila’y kabilihan at kapalitan ng mga kalakal, malabis ang pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan, kaya’t dahil dito’y mayaman ang kaasalan ng lahat, bata’t matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga Tagalog. Dumating ang mga Kastila at dumulog na nakipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo’y aakayin sa lalong kagalingan at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsisipamahala ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo. Gayon man sila’y ipinailalim sa talagang kaugaliang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa na kumuha ng kaunting dugo sa kani-kanilang mga ugat, at yao’y inihalo’t ininom nila kapwa tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na di magtataksil sa pinagkayarian. Ito’y siyang tinatawag na “Pacto de Sangre” ng haring Sikatuna at ni Legaspi na pinakakatawanan ng hari sa Espana.
Buhat nang ito’y mangyari ay bumubilang na ngayon sa tatlong daang taon mahigit na ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan, ating pinagtatamasa at binubusog, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan; iginugugol natin ang yaman, dugo at sampu ng tunay na mga kababayan na aayaw pumayag na sa kanila’y pasakop, at gayon din naman nakipagbaka tayo sa mga Insik at taga-Holandang nagbalang umagaw sa kanila nitong Katagalugan.
Ngayon sa lahat ng ito’y ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahil ng ating paggugugol! Wala kudi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala at mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo’y lalong gigisingin sa kagalingan ay bagkus tayong binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal, pinilt na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating Bayan; iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan; at kung tayo’y mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang nagiging kasagutan ay ang tayo’y itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal ng anak, aswa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at karakarakang nilalapatan ng sa hayop na kabangisan.

 
 Respond to this message   
pReeTy
(no login)

Dhil...

December 27 2007, 3:43 PM 

...Apo nya akoh!

 
 Respond to this message   
deleted
(Login dhadha)

ala lang din..

May 12 2008, 10:34 PM 

may mga ganung factors pla sa buhay ni rizal..

dahil sa mga cnav neo,, makaktulong to sa pagaaral ko..
ahehehe..

may subject kasi kami bout sa buhay ni rizal..

ala lang..

 
 Respond to this message   
robin amodia
(Login birno)

si bonifacio dapat...

September 4 2008, 3:15 PM 

si bonifacio ang dapat na bayani at hindi si rizal. dahil si rizal ay isang makakastila at hindi makapilipino.
-sa mga sinulat o ambag ni rizal ay walang pilipinong namulat sa kanya noong panahon ng kastila. bakit? dahil ang lahat ng mga sinulat ni rizal ay nasa wikang kastila at hindi sa ting sariling wika. paano siya maiitindihan ng mga pilipino kung hindi naman sila nakakaintindi ng wikang kastila. ibig sabihin lang non naging makasarili si rizal. dahil hindi niya ipinaunawa sa mga pilipino ang kanyang mga sinulat.

eto lang ang komento ko dahil nasabi na ng iba ang dapat sabihin

 
 Respond to this message   
Anonymous
(Login wickedsneakers)

Re: Ano ang kaibahan ni Rizal upang tanghaling pambansang bayani ng Pilipinas?

September 16 2008, 8:31 PM 

Naku iha, kung sa kalinisan din lang pala ng pangalan, di ba maaring mabigyan ng pagkakataon din si Andres Bonifacio dito, unang-una, paano niya mapapatunayan ang kanyang sarili kung siya mismo ay naging biktima ng isang traydor na si Aguinaldo, pero yan ay hindi talaga natin alam dahil wala namang makakapagsabi kung ano ang nangyari noon...Kung sa paraan ng kamatayan ay natitimbang ang isang kwalipikasyon ng pagiging bayani, wala pa ring paraan si Bonifacio na mag-martsa tulad ni Rizal, dahil di ba nga pinatay si Bonifacio na nakatalikod...ano naman kadramahan ang hahanapin duon...bawat bayani ay may ginampanan noon kahit nga si Apolinario Mabini na isang lumpo, yun nga lang si Rizal maraming nagawa at naisulat, samantalang ang iba ay punlo at itak ang armas...

 
 Respond to this message   
 
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Forum  
Find more forums on Asian HistoryCreate your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2014 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement  
JOSE RIZAL CODE 1