PAKI-BOOK MARK PO
 


  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Forum  

kailangan ko po talaga nfg buod ng noli me tangere

September 19 2006 at 8:38 PM
  (Login lowayne)

 
nakikiusap po ako na isususlat nyo naman dito yung buod ng noli me tangere.. pls po... kailangan ko po talaga iyon.. talagang alam ko po na makakatulong kayo sa akin.. maraming salamat!!!!!!!!!!!

 
 Respond to this message   
AuthorReply
Anonymous
(no login)

Re: kailangan ko po talaga nfg buod ng noli me tangere

October 5 2006, 11:23 AM 


 
 Respond to this message   

(no login)

noli me tangere

November 22 2007, 12:16 PM 

sino po si ms. L sa kwentong noli me tangere?

 
 Respond to this message   

(no login)

buod ng noli me tangere

December 4 2007, 9:08 PM 

kelangan qoe ng buod ng noli me tangere!!!!

 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: kailangan ko po talaga nfg buod ng noli me tangere

October 12 2006, 6:13 PM 


 
 Respond to this message   

(no login)

Re: kailangan ko po talaga nfg buod ng noli me tangere

February 20 2007, 7:27 PM 

kailangan ko po ng buod ng kwentong noli me tangere

 
 Respond to this message   

(no login)

kuya

November 4 2007, 2:30 PM 

merun po bang buod ng bawat araling hindi kabanata merun ba nun...
kelangan ko kac ung buod ng subersibong erehe wala kasi ko libro..

 
 Respond to this message   

(no login)

NOLI ME TANGERE

November 14 2007, 10:31 AM 

TAIM SIAK NGARUD DIay agdamdamag pagdamaganak py PUNYETAM!!!!!!!!!PUNYETAM NGA DAKKEL UNAY,BWISIT KAPAYEN NGE NAGMAYATEN TI MAINTULSO.AMEN

 
 Respond to this message   

(no login)

answer

November 13 2006, 7:47 AM 

meron d2 s internet bawat kabanata my buod. ako kailangan ko ng script for noli from kabanata 1 to 20

 
 Respond to this message   
Vinzon
(no login)

Re: answer

January 21 2007, 10:06 PM 

Script? meron ako comics ng Noli me tangere!

 
 Respond to this message   
nery lee
(no login)

pahiram naman ng script mo

November 4 2007, 6:06 PM 

kasi kailangan namin, magpi play kasi kme ok lang ba?

 
 Respond to this message   
Vinzon
(no login)

Re: answer

January 21 2007, 10:06 PM 

Script? meron ako comics ng Noli me tangere!

 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: answer

January 23 2007, 11:07 PM 

try nyo komiks ng national bookstore marami don

 
 Respond to this message   

(no login)

comics ng noli

October 16 2007, 6:45 AM 

san po ba makakabili ng comics ng noli? tsaka magkano po ba un?

 
 Respond to this message   

(no login)

comics ng noli

October 16 2007, 6:45 AM 

san po ba makakabili ng comics ng noli? tsaka magkano po ba un?

 
 Respond to this message   

(no login)

ranonline

December 6 2007, 7:47 PM 

tessa_ethel kaw po ba yan?

 
 Respond to this message   

(no login)

favOr.,.,

November 12 2007, 9:54 PM 

enge pOh akO ng Copy ng scriptng nOLi.,.,

pLSSSSSSSSSSSS.,.,

Sge NAh pOh.,,. i reALLy nid it..,


 
 Respond to this message   
MARICEL CASI
(no login)

EI

January 24 2007, 9:40 AM 

NID Q RIN HELP NYO PLZ

















 
 Respond to this message   

(no login)

noli metangre

June 11 2007, 11:28 AM 

kealangan ko din nun jan kb?sa anex wat section r u?

 
 Respond to this message   

(no login)

Re: kailangan ko po talaga nfg buod ng noli me tangere

September 9 2007, 3:18 PM 

Kailangan ko din ang buod ng noli me tangere sino ka ba?

 
 Respond to this message   

(no login)

boud

October 15 2007, 8:48 PM 

kailangan ko po ng buod ng noli bukas ko n po ipapasa kabanata 11 ang mga kapang yarihan

 
 Respond to this message   

(no login)

SUBERSIBONG EREHE

November 4 2007, 12:32 PM 

san ko po makita ung buod ng subersibong erehe... kung lam nyo po pakisulat na lng po d2 at babalikan ko... wala kac ako makita libro ng noli...
salamat..

 
 Respond to this message   

(no login)

hmmm...ako dn

November 17 2007, 4:15 PM 

ui..pls. kung meron kayong copy ng script ng noli me tangere maki send naman po sa kin.

send nio na lng sa friendster ko: sossy_alyssa@yahoo.com

i really need it asap...thank you sa makakapag send

 
 Respond to this message   
pReeTy
(no login)

Yatch! La k lbro?

December 27 2007, 3:39 PM 

Pmnta ka s Bayan! Dun my LiBrY! O ala k rng pmsahe?

 
 Respond to this message   

(no login)

noli me tanggere

December 2 2007, 7:39 AM 

BUOD NG NOLI ME TANGERE
Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa.Kumakatawan sa mga Pilipino na nakapag-aral at may maunlad at makabagong kaisipan. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito’y hindi na lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin.

Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara, isang napakangandang binibini at larawan ng dalagang Pilipina. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa.

Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon.

Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa.

Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan.

Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang ito’y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata.

Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.

Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas.

Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara’y nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.

Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan.

Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na siya’y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan upang siya’y mapahamak.

Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.

Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila ng lihim ni Maria Clara,. Anya’y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana’y lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso.

Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago kailanman.

Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.

Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra’y napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga’y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya’t hiniling niya kay Padre Damaso na siya’y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya’y magpapakamatay kapag hindi pinagmadre.

Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay.

Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.

Kabanata I - Isang Handaan


Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa daang Anluwage na karating ng Ilog-Binundok.

Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan.

Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si pari Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.

Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.

Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Pari Damaso. Kung kaya’t iniba ni Pari Sibyla ang usapan.

Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.

Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.

Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari Damaso. Ito, umano ang nag-utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang isang erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal.

Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit.

Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talayan. Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina.




Kabanata II - Si Crisostomo Ibarra


Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating lahat ni kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Pari Damaso ay namutla ng makilala si Ibarra. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagamat siya ay kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong Espanyol.

Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay kaibigang matalik ng kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng pari. Totoo, siya ang kura sa bayan. Pero, ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni Ibarra.

Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang pari at napaharap sa tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina tinyente at Ibarra. Nagpapasalamat ang tinyente sapagkat dumating ang binata ng walang anumang masamang nangyari. Basag ang tinig ng tinyente ng sabihin niya sa binata na nasa ito ay higit na maging mapalad sa kanyang ama. Ayon sa tinyente ang ama ni Ibarra ay isang taong mabait. Ang ganitong papuri ay pumawi sa masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng kanyang ama.

Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata. Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala.

Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin. Ang mga babae ay hindi umimik sa kanya. Ang mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya. Nakilala niya ang isang binata rin na tumigil sa pagsusulat.

Malapit ng tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na naturan.




Kabanata III - Ang Hapunan


Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa anyo ng kanilang mga mukha, mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Pari Sybyla samantalang banas na banas naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang isang kadete. Hindi naman umiimik ang tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa tenyente sapagkat natapakan ang kola ng kanyang saya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng kanyang buhok. Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon.

Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo.

Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang upuan. Pero, tumanggi ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang dalawang pari.

Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago. Pero, kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang kapitan sabay sabing "huwag mo akong alalahanin."

Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupoyos ng damdamin ni Pari Damaso, ang ihain ang tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kanya. Ang kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng kapitan ang manok para kay Ibarra.

Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa kinaroroonan niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon ding pitong taong nawala sa Pilipinas. Bagamat, wala siya sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa halip, siya ang nakakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit ng kanyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng tinyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael.

Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-kawad, na kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.

"Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon", tugon naman ni Ibarra.

Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng wika ang kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupunntahan niya ang ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng bansang kanyang pinupuntahan partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa kaunlaran.

Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng kabuhayan, pulitika at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan at kagipitan ng bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at ikapaghihirap nito.

Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso. Walang pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon lamang ang nakita o natutuhan ni Ibarra, siya ay nag-aksaya lamang ng pera sapagkat kahit na bata ay alam ang mga sinabi nito. Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari.

Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga sandaling madalas na pumunta sa kanila si Pari Damaso noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang hapag-kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal na si Damaso.

Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria Clara at ang bagong kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero, nangako siyang babalik kinabukasan din.

Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyan diin niya na ang gayong pagkilos ng binata ay tanda ng kanyang pagiging mapagmataas. Dahil dito, aniya, dapat na ipagbawal ng pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng pahintulot sa sinumang Indio na makapag-aral sa Espanya.

Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang pakpak at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu-salo; ang may handa ay walang silbi sa isang piging at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang lupain.




Kabanata IV - Erehe at Filibustero


Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon. Nakarating siya hanggang sa may Liwasan ng Binundok . Sa maraming taong pagkakawala niya sa bayan,wala pa ring pagbabago sa kanyang dinatnan.

Sa paggala-gala ng kanyang paningin, naramdaman niyang may dumantay na kamay sa kanyang balikat. Si Tinyente Guevarra,na sumunod sa kanya upang paalalahanan na mag-ingat din sapagkat nangangamba siyang baka matulad siya (Ibarra) sa sinapit ng kanyang ama. Nakiusap si Ibarra na isalaysay ng tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunay na wala siyang nalalaman dito.

Sianbi ni Ibarra na sumulat and kanyang ama sa kanya mayisnag taon na ang nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael(ama ni Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung sakali mang hindi siya makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kanyang mga gawain.

Ganito ang salaysay ng tinyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong lalawigan. Bagamat siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit. Ang mga nuno nila ay mga kastila.Ang mga kastila dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ng mga nararapat. Ang masasama sa Espanya ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don Rafael ay maraming mga kagalit na mga kastila at pari. Ilang buwan pa lamang nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra,si Don Rafael at Pari Damaso ay nagkasira. Diumano, di nangungumpisal si Don Rafael.

Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway. Pinagbintangan pa siya ang pumatay sa isang mangmang at malupit na artilyerong naniningil ng buwis ng mga sasakyan. Pero hindi naman totoo.

Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero ng ba be bi bo bu na labis na ikinagalit nito.Pinukol ng kanyang tungkod ng artilyero ang mga bata. Isa ang sinampald na tinamaan at nabuwal. Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo namang nagdaraan si don Rafael. Kinagalitan niya ang artilyero. Pero, ito ay lalong nagpuyos sa galit at si DonRafel ang kanyang hinarap. Walang nagawa si Don Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili.

Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at dahan-dahang nabuwal. Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo ay tumama sa isang tipak na bato. Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang hininga.

Dahil dito, nabilanggo di Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero. Masakit sa kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigatna parusa.

Pero, lalong nadagdagan ang dagan sa kanyang dibdib. Pinaratngan din siyang nagbabasa ng mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng larawan ng paring binitay, isinakdal sa salang pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan.

Gumawa siya (tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at sumumpang ito ay marangal na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang abugadong Pilipino na si G.A at G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa ulo nito.

Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si don Rafael ay malapit ng lumaya dahil sa tapos nglahat ang mga kasong ibinintang sa kanya. Ang sapin-saping kahirapan ng kalooban na kanyang dinanas ay hindi nakayanan ng kanyang pisikal na katawan.

Hindi na niya natamasa ang malayang buhay. Sa mismong loob ng bilangguan, nalagutan ng hininga si Don Rafael.

Huminto sa pagsasalaysay na g tinyente. Inabot nito ang kanyang kamay kay Ibarra at sinabing si Kapitan Tiyago na lamang ang bahalang magsalaysay ng iba pang pangyayari. Nasa tapat sila ng kuwartel ng maghiwalay. Sumakay sa kalesa si Ibarra.




Kabanata V - Pangarap sa Gabing Madilim


Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda deLala. (Ito ay isang uri ng panuluyan, na tinutuluyan niya kapag siya ay nasa Maynial). Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa kanyang silid at naupo sa isang silyon.. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya ginala ang paningin sa kalawakan ng himpapawid.

Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya ang kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din niya ang tugtugin ng orkestra.

Kung nagmasid lamang ng husto sabahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung sinu-sino ang naroroon. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot na diyamante at ginto. Sa likuran naman may mga anghel, pastol at dalagang nag-aalay ng bulaklak. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara. Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang batang Pransiskano na payat at putlain. Iba ang kanyang nadarama. Si Pari Sibyla ay siyang-siya sa pakikipag-usap sa mga dilag samantalang si Donya Victoria ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalagang hinahangaan ng lahat.

Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi, madali siyang naktulog at nagising kinabukasan na. Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang batang Pransiskano.




Kabanata VI - Si Kapitan Tiyago


Ang katangian ni kapitan tiyago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha. Siaya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang. Maitim ang buhok, at kung hinde lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki.

Siya ang pinakamayaman sa binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng ari-arian. Tanyag din sya sa pampanga at laguna bilang asendero, hindi kataka-taka na parang lubong hinihipan sa pagpintog ng kanyang yaman .

Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa gobeyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na kastila at hindi pilipino. Kasundo nya ang diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang kabalanan. Katunayan, sya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa kanyang sarili. Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan. Iisipin na lamang na nasa kanyang silid ang lahat ng mga santo at santong sinasmba katulad nina sta.lucia, san pascual bailon, san antonio de padua, san francisco de asis, san antonio abad, san miquel, sto. Domingo, hesukristo at ang banal na mag-anak.

Para kay kapitan tiyago kahit na ano ang itakda ng mga kastila, yaon ay karapat-dapat at kapuri-puri. Dahil sa kanyang pagpupula sa mga pilipino, siya ay naglilingkod bilang gobernadocillo.

Basta opisyal, sinusunod niya. Anumang reglamento o patakaran ay kanyang sinusonod. Sipsip din siya sa mga taong nasa poder. Basta may okasyon na katulad ng kapanganakan at kapistahan, lagi sya myroong handog na regalo.

Si kapitan tiyago ay tanging ng isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa malabon. Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag aral. Naging katulong at tinuruan siya ng isang paring dominiko. Nang mamatay ang pari at ama nito, siya’y mag isang nangalakal. Nakilala niya si Pia Alba na isang magandang dalagang taga Santa Cruz. Natulong sila sa pag hahanap-buhay hangang sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad.

Ang pag bili nila ng lupain sa san diego ang naging daan upang maging kaututang dila roon ang kura na si padre damaso. Naging kaibigan din nila ang pinakamayaman sa boung san diego- si don rafael ibarra, ang ama ni crisostomo ibarra . dahil sa anim na taon ng pagsasama sina tiyago at pia at hnidi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata.

Dahil dito ipinayo ni padre damaso na sa oabando sila pumunta kina san pascal baylon at sta clara at sa nuestra sr de salambaw.

Parang dininig ang dasal ni pia, siya ay nag lihi, gayuman nagiging masakitin si pia, nang siya ay magdalangtao. Pag kapanganak nya sya ay namatay. Si padre damaso ang nag anak sa binyag at ang anak in pia ay pinangalanang maria clara bilang pag bibigay karangalan sa dalawang pintakasi sa obando, kay tiya esabel, pinsan ni kapitan tiyago, ang natokang mag-aruga kay maria. Lumaki sya sa pag mamahal na inukol ni tiya esabel, kanyang ama at mga prayle.

Katorse anyos si maria, nang sya ipinasok sa beaterio ng sta catalina. Luhaan sya nag paalam kay pari damaso at sa kanyang kaibigan at kababatang si crisostomo ibarra, pag kapsok ni maria sa umbento, si ibarra naman ay nag punta na ng europa upang mag aral.

Gayunman, nagkasundo sina don rafael at kapitan tiyago na maski nagkalayo ang kanilang mga anak. Pag dating ng tamang panahon silang dalawa (maria at crisostomo) ay pag iisahing dibdib. Ito ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay tunay na nag-iibigan.




Kabanata VII - Suyuan sa Azotea


Kinabukasan, Maagang –maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa, Nagyayang umuwi na si Maria.

Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago ay Binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa malabon o sa San Diego.

Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista.

Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hinda na siya babalik sa beateryo.

Nanlamig at biglang nabitawan ni maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.

Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.

Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala.

Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra.

Binikas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni maria ng sambong sa loob na kanyang sumbrerong upang hinda maitiman.

Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang mukha.

Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran niya ang kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan ni Ibarra, siya ay handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa kapakanang pambayan.

Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya "Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay undas na."

Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umlis na ito.

Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina San Roque at San Rafael.


 
 Respond to this message   
jhune
(no login)

ty

December 6 2007, 8:48 PM 

ty poh sa chapter summary na 2...

God bless...it really helps..

 
 Respond to this message   

(no login)

joke?

December 3 2007, 8:34 PM 

kaya mo na yan wag kang umasa sa internet!!!

 
 Respond to this message   
Current Topic - kailangan ko po talaga nfg buod ng noli me tangere
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Forum  
Find more forums on Asian HistoryCreate your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2009 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement  
JOSE RIZAL CODE 1