PAKI-BOOK MARK PO
 


  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Forum  

bakit nia cnulat ang noli at el fili?????

January 24 2007 at 7:45 PM
jhon  (no login)

 
bakit nia poh cnulat ang noli at el fili???????

 
 Respond to this message   
AuthorReply
zina
(no login)

kung bakit sinulat ni Rizal ang noli at el fili

February 6 2007, 9:48 PM 

Me Tangere" noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.

Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong putting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niyang upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong.

Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.

Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.


Ang nobelang "El Filibusterismo" ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalay sa tatlong paring martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA - Gomez, Burgos, Zamora.

Tulad ng "Noli Me Tangere", ang may-akda ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito. Sinimulan niyang isulat ito sa London, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas, Belgica. Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan...........;->




 
 Respond to this message   
 
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Forum  
Find more forums on Asian HistoryCreate your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2014 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement  
JOSE RIZAL CODE 1