TJ Trinidad International Friends (TJIF)
Respond to this messageReturn to Forum
Original Message
  • TJ in HongKong
    • tl (no login)
      Posted Jun 14, 2009 1:48 PM

      Jun Lalin

      CENTRAL, HONG KONG --- Saturday nang umalis ang grupo namin nina Annabelle Rama, TJ Trinidad, Ai Ai de las Alas, Direk Malou Sevilla, Lance (Ai Ais perso­nal assistant) at Jonathan (Ai Ais make-up artist) sa Pilipinas para sa Independence Day show rito ng Smart/PLDT.
      Sa PAL lounge sa Manila ay nakasabay na­min ang grupo nina Pooh, Maui Taylor at Randy Santiago na papunta naman sa Taiwan para sa isang Pinoy event doon.
      Pagdating pa lang ng airport sa Hong Kong ay pinagkaguluhan na sina Ai Ai, TJ at Annabelle Rama, na star na star din ang dating at kilalang-kilala ng Filipino community rito, huh!
      Sinundo kami ni Richardson ng Smart/PLDT Hong Kong. Nang nasa loob na kami ng coaster papunta sa hotel namin sa Causeway Bay ay masaya ang lahat dahil marami kaming magkakasama sa grupo.
      Kung anu-ano ang tsikahan hanggang sa ma­katanggap ng tawag si Bisaya mula kay Nadia Montenegro. Umiiyak daw si Nadia.
      Ano? Sino ang namatay? Sinooo??? ang napakataas na boses ni Bisaya habang kausap si Nadia. Ano, patay na si Douglas?!
      Naku, patay na raw si Douglas Quijano. Kawawa naman, mangiyak-ngiyak na paha­yag ni Bisaya sa lahat ng mga kasama sa loob ng coaster.
      Napakabait pa naman ni Tito Dougs, reaksiyon ni Ai Ai. Si Bisaya ay nagtatatawag na sa Pi­lipinas.
      Pati sina Mother Lily Monteverde ay tinawagan ni Bisaya para siguradong maasikaso si Tito Dougs at in-assure ni Mother Lily si Bisaya na nag-utos na siya ng mag-aasikaso.
      Kawawa naman si Douglas. Magkikita pa naman sana kami next week, sey ni Bisaya na sandaling tumahimik at nagdasal.
      ***
      Pagkatapos na­ming mag-check-in, nagpa­hinga lang kami sandali at kanya-kanyang lakad na dahil may dinner pa kami kasama ang big bosses ng Smart/PLDT Hong Kong.
      Si TJ ay makikipagkita raw sa kanyang mga kaibigan at ang grupo ni Ai Ai ay magsa-shopping daw sa malalapit na stores sa gilid ng hotel namin.
      Si Bisaya ay kaagad nagyaya sa Time Square at bumili ng cellphone at charger dahil may sira na raw ang cellphone niyang dala.
      Pagkatapos ay niyaya na niya ako sa Lane Crawford at tumingin-tingin siya ng mga sapatos.
      Panay ang ask niya sa saleslady ng size 9, pero karamihan ng mga sapatos na gusto niya ay size 8 lang, kaya napansin ni Bisaya na pinagdadabugan na siya ng saleslady.
      Akala siguro ng babaing yon, wala akong pambili ng sapatos. Kasalanan ko ba na wala akong size na available. Dabog siya nang dabog.
      Gusto ko na sanang tarayan, pero hindi ko alam sa English kung ano yung dabog, kaya ang sinasabi ko na lang, Sorry, theres no size for me.
      Kung alam ko lang sana kung ano sa English ang dabog, tatara­yan ko siya, natatawang sey ni Bisaya.
      Kahit magkagalit sila ng anak na si Ruffa Gutierrez, naging abala rin si Bisaya sa paghahanap ng sapatos na bagay at kasya para sa kanyang anak.
      Kahit magkagalit kami, may regalo na akong bag para sa kanya, nasa bahay, nabili ko na, hindi ko pa lang ibini­bigay. Alam mo naman kahit galit ako sa bruhildang (Ruffa) yan, hindi ko naman nakakalimutan ang birthday niya, sey ni Bisaya.
      Kung saan-saang malls pa kami nagpun­ta at dahil mahirap makakuha ng taxi, napi­litang maglakad si Bisaya, kaya pagbalik namin ng hotel ay kaagad siyang nakatulog at gumi­sing na lang para sa dinner namin.
      During dinner saka na lang kami nagkita-kita nina Ai Ai at TJ. Si Ai Ai ay medyo nakapag-shopping daw, samantalang si TJ ay nakipag-bonding lang sa ilang mga kaibigan na based sa Hong Kong.
      After ng dinner, nagpunta na sa radio tour ng Smart/PLDT sina Ai Ai at TJ. Kami ni Bisaya ay balik-hotel at maaga kaming natulog.
      ***
      Kinaumagahan, inasikaso lang namin sandali ni Bisaya si TJ at nagyaya na siya sa IFC Mall para mamili.
      Si Ruffa na naman ang hinanapan ni Bisaya ng sapatos.
      Biniro ko si Bisaya na nalalapit na talaga ang pagbabati nila ng anak, pero a big NO ang sagot ng nanay ni Ruffa.
      Walang mabiling sapatos sa may IFC Mall si Bisaya, kaya naglakad-lakad kami at lumabas ng mall papunta sa Central.
      Type ni Bisaya na kumain ng Peking duck, kaya go kami sa isang simpleng dimsum restaurant.
      Pagpasok namin sa restaurant, puro mga Pinoy ang naroon at pinagkaguluhan si Bisaya. Lahat ay bumabati sa kanya at panay ang ngiti niya.
      Maam, kumakain din pala kayo sa mga ganitong simpleng restaurant? tanong ng isang Pinay.
      Siyempre naman, hindi naman ako mayaman, pa-humble ni Bisaya.
      Napakaraming mga Pinay na naglapitan kay Bisaya at kung anu-ano ang inuusisa sa kanya. Panay naman ang promote ni Bisaya ng show nina Ai Ai at TJ.
      Tuwang-tuwa si Bisaya dahil halos lahat ng mga lumalapit sa kanya ay nagsasabing nanonood sila ng Zorro na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.
      May isang Pinay na hindi makatiis at panay ang tanong kay Bisaya kung ano ang magiging ending ng Zorro.
      ***
      Pagkatapos kumain at makipagtsikahan sa mga Pinay, sa may Landmark ako niyaya ni Bisaya, kung saan ay nabilhan na rin niya ng sapatos si Ruffa.
      Additional gift ko kay Ruffa kahit kinaka­laban niya ako, pagdadahilan pa ni Bisaya.
      In fairness, sa buong trip yata namin ay si Ruffa ang topic ni Bisaya.
      While shopping, panay rin ang tawag ni Bisaya sa Pilipinas para kumustahin ang mga apo niyang sina Lorin at Venice.
      After ng shopping, pinuntahan na namin ang show nina Ai Ai at TJ. Gulat na gulat si Bisaya dahil napakarami talagang mga Pinoy.
      Grabe ang mga tao. At least, marami ang makakapanood kay TJ. Mala­laman na nila na kumakanta rin si TJ. Dapat i-headline mo na marunong kumanta si TJ, sey pa ni Bisaya sa akin.

    Login Status
  • You are not logged in
    • Login
      Password
       

      Optional
      Provides additional benefits such as notifications, signatures, and user authentication.


      Create Account
    Your Name
    Your Email
    (Optional)
    Message Title
    Message Text
    Image Services Photobucket.com
    Options Enable formatted text (Huh?)
    Also send responses to my email address
          


    Solid TJ fanatics worldwide