TJ Trinidad International Friends (TJIF)
<< Previous Topic
|
Next Topic >>
Return to Forum
Di ta guae yong khee
June 14 2007 at 6:55 AM
KQueen (
no login
)
(hehhehehehhehehe)
Ang dami kong kaklaseng Intsik. Apelyidong Uy, Lim, Tan, Co, Go, Chua,
Chi, Sy, Wy, at kung anu-ano pa. Pero sa kanilang lahat kay Gilbert Go
ako naging malapit. Mayaman si Gilbert kaya mangyari pa, madalas siya
ang taya sa tuwing gigimik ang barkada.
Isang araw na-ospital ang kanyang ama. Sinamahan ko siya sa pagdalaw.
Nasa ICU na noon ang kanyang ama dahil sa stroke. Naron din ang ilan sa
kanyang malalapit na kamag-anak.
Nag-usap sila. Intsik ang kanilang usapan.... hindi ko maintindihan.
Pagkatapos ng ilang minutong usap-usap, nagkayayaan nang umuwi. Maiwan
daw muna ako at pakibantayan ang kanyang ama habang inihahatid nya > ang
kanyang mga kamag-anak palabas ng ospital. Lumipat ako sa gawing > kaliwa
ng kama ng kanyang ama para ilapag ang mga iniwan nilang mga gamit na
kakailanganin ng magbabantay sa ospital. Nang akmang ilalapag ko na ay
biglang nangisay ang matanda.
Hinahabol nya ang kanyang hininga... Kinuyom nya ang kanyang palad at
paulit-ulit siyang nagsalita ng wikang intsik na hindi ko maintindihan.
"Di ta guae yong khee"..... "Di ta guae yong khee"... "Di ta guae yong
khee".. paulit-ulit nya itong binigkas bago siya malagutan ng hininga.
Pagbalik ni Gilbert ay patay na ang kanyang ama. Ikinagulat nya ang
pangyayari ngunit marahil ay tanggap na rin nya na papanaw na ang
kanyang ama. Walang tinig na namutawi sa kanyang bibig. Ngunit iyon na
yata ang pinakamasidhing pagluha na nasaksihan ko.
Nagpa-alam muna ako, dahil siguradong magdadatingin uli ang kanyang mga
kamag-anak.
Sumakay ako ng taksi pauwi. Habang nasa taksi.. tinawagan ko ang iba pa
naming kabarkada. Una kong tinawagan si Noel Chua. Dahil marunong si
Noel mag-intsik, tinanong ko muna kung ano ang ibig sabihin ng "Di ta
guae yong khee".
"Huwag mong apakan ang oxygen. "... "Bakit saan mo ba narinig 'yan?".
Respond to this message
Author
Reply
ate_kendz
(
no login
)
Re: Di ta guae yong khee
June 14 2007, 9:06 AM
hahaha...katawa kasi kahit ako hindi ko una
nagets kung ano un Di ta guae yong khee.
Respond to this message
talyn
(
no login
)
Re: Di ta guae yong khee
June 15 2007, 12:47 AM
Kqueen - thanks, napangiti mo ako dito...ala una na ng madaling araw, working pa siako....thanks sa humorous post mo...na break ang monotony sa buhay kong puro work...
Respond to this message
G2C3
(
no login
)
Re: Di ta guae yong khee
June 16 2007, 7:35 AM
haaaay juske K-Queen! 'kala ko pa naman tear jerker itich. thanks for the funnies. ikaw talaga. . .
Respond to this message
Day
(
no login
)
Re: Di ta guae yong khee
June 16 2007, 10:52 PM
hehehehe, salamat k queen
Respond to this message
Current Topic -
Di ta guae yong khee
<< Previous Topic
|
Next Topic >>
Return to Forum
Solid TJ fanatics worldwide