Maraming fans ang nag-email sa amin na kung puwedeng i-request daw sa ABS-CBN na ibalik nila sa You Tube ang mga programa nila sa primetime dahil marami raw ang hindi nakakapanood sa tamang oras, lalo na ‘yung may mga pasok sa eskuwela at trabaho na sa You Tube lang daw nag-aabang.
Tinanong namin ang taga-Dos kung bakit biglang tinanggal na nila sa You Tube ang mga programa nila, “Tinanggal po talaga lahat kasi may copyright infringement violation, at sa ABS-CBN interactive naman napapanood,” esplika sa amin.
Pero ayon naman sa fans ay wala rin daw silang napapanood sa interactive, pawang news items lang din daw ang nasa video.
“Imbes na nasusubaybayan namin ang nangyayari sa primetime shows ng ABS, hindi na kaya lumalakas ang GMA sa ABS,” dagdag pa sa amin ng fans.