November 15, 2007 04:09 PM Thursday
By: Dinno Erece
Daily Insider
NATAPOS nang mas maaga as expected ang Desperadas.
Dapat sana ay may isa pang shooting-day allocated for one of the festival movies na ito ng Regal Films.
Sa December pa ito dapat dahil that time na lang ulit puwedeng mapagsama ang apat na bida na sina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado at Marian Rivera. Sa kabisihan ng apat, napakahirap nilang mai-schedule ng isang araw na magkakasama.
Para makasigurado, tinapos na ni Direk Joel Lamangan ang lahat ng ek-sena last Saturday (Nov.10) sa Triboa Bay Country Club, the same place where the historic ASEAN summit was once held with Pre-sidents Ramos and Clinton in attendance. Kaya nga nagulat ang apat na girls pati na ang iba pang cast present that day na sina Wendell Ramos, Jay R, TJ Trinidad, Ryan Eigenmann and Charlie Davao dahil natapos na pala sila ni Direk Joel.
July pa nagsimula ang shooting ng Desperadas.
|