TJ Trinidad International Friends (TJIF)
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Forum  

PnB update 4.2.08

April 2 2008 at 6:53 AM
copier  (no login)


from talent homebsae mb - thanks
copier

Pagtyagaan nyo na lang itong update ng naiimbyeranang lola nyo...tipong pabitin bitin tayo ng patiwarik sa show na ito pero ito nanonood pa din,,,nagta tyaga pa din dahil kay eric-ning!!

para sa episode sa araw na ito...hmmm wala yata akong maala sa pinanood ko today. Ah teka meron naman pala silang konting harutan sa fishport kasama sina octopus at bukol.tama ba? o baka naman imahinasyon ko lang ito. Ewan lang ha pero may totoong eksenang nasa bahay si Ning nina nay myrna at eric na pinapakain nyo yung mga bata. Namiss ko na din ang mga batang ito. Tapos dumating sina eric at nay myrna na madming dalang pagkain dahil sabi mamamanhikan na daw sila. nakakatuwa si nay myrna dito tapos ang ganda ng mga batuhan ng dayalog nina eric at ning dito - kakatawa sila, pweding pang sitcom hahaha. pero nung narinig ni ning ang sinabi ni nay myrna na mamamnhikan na sila - eh parang nag iba ang aura ng mukha ni ning - parang nagulat o nabigla yata! tapos yun na ang cliff hanger doon sa eric-ning eksena. hmmmp di ako magtataka kung mauudlot na naman itong kasalan na ito. bwisit!
after that scene - madami pang siningit na scenes di ko na maalala at nagka amnesia ako bigla dahil sa inis ng cliffhanger na yun!

in between may sandy-ning scenes,ganda ni ning, nakatali hair nya kaya mas kita ang beauty nya in full view - walang kulot kulot na nakakalat sa muka nya.
may eric-charles scenes din pero yung iba forgettable na

pagkatapos ng show, pinagtyagaan kong panoorin ang teaser hoping na baka may glimpse ng pag asa ung pamamanhikan nila eric pero sa bandang huli ng teaser (kaya malamang cliff hanger na naman yun bukas) ay pinakita sina eric at ning na parang sinabi ni ning na hindi pa sya ready magpakasal hanggang di pa nahahanap si rosa. may konting pakunswelo naman kasi may hugs after that dialogue!
pero lecheeee! - mukhang may panibago na namang misyon si ning at kunsimisyon si eric dito! ewan ko ba - santo yata si eric - sa gwapo nyang yan, dapat ba syang magtyaga at maghintay kay ning??? ang sagot ko? abangan....

o sya sya sige na - sasabihin ko na at lagi na nga tayong nakabitin eh...
...eto na sagot ko - OO DAPAT LANG MAGHINTAY SI ERIC KAY NING DAHIL ITO LANG ANG BABAENG PARA SA KANYA! SILA ANG NAKA DESTINY sa isa't isa kaya dapat lang silang maghintayan !!!! ...kaya tayo dapat na din lang maghintay! pwesss ano pa ka ba? may magagawa pa ba tayo other than ngumawa ng ngumawa dito? sana naman pakinggan tayo ng mga writers na ito at pagbigyan naman tayo ng mas madaming eric-ning kiligan!


 
 Respond to this message   
AuthorReply
Anonymous
(no login)

Re: PnB update 4.2.08

April 2 2008, 9:44 AM 

thanks

 
 Respond to this message   
Current Topic - PnB update 4.2.08
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Forum  
Solid TJ fanatics worldwide