TJ Trinidad International Friends (TJIF)
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Forum  

R.I.P. - Daboy

June 7 2008 at 10:01 AM
tl  (no login)

DABOY PUMANAW NA!
Nina Noel Abuel, Tina Mendoza at Erika Maala
Nagluluksa ngayon ang industriya ng pelikulang Pilipino matapos na tulu­yang sumakabilang-buhay ang aktor na si Rodolfo ‘Rudy’ Fernandez sa mismong tahanan nito kahapon ng umaga sa Quezon City.

Namatay si Rudy, na mas kilala sa tawag na ‘Daboy’, 55-anyos, dakong alas-6:30 ng umaga sa loob mismo ng kanilang bahay sa Joeylane St., sa White Plains, Quezon City, habang kasama nito ng kanyang asawang si actress Lorna Tolentino at kanilang dalawang anak na sina Raphael Gregor at Renz Marion, matapos ang mahigit sa dalawang taong pakikipaglaban nito sa sakit na periampullary cancer.

Ito’y limang araw matapos ma-discharge sa Cardinal Santos Medical Center ang aktor. Ilang araw umanong nagkakaroon ng internal bleeding ang aktor at noong nakalipas na Miyerkules ay nag-seizure ito subalit tumanggi nang magpadala pa sa ospital.

Friends nagsidatingan

Agad namang nagsidatingan sa bahay nito ang mga malalapit na kaibigan ng aktor, kabilang sina Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla, kung saan bago umano ang pagpanaw ay bumaba na ang blood pressure nito na 60/40.

Nakita pa umano ng mga ito na pilit pang nagsasalita ng aktor kung saan nakita ng mga ito ang luhaang mata ng nanghihina nang si Daboy.
Isinalarawan ng mga ito si Rudy na masayahing tao at mapagmahal sa kaibigan at maprinsipyong tao.

Si Sen. Bong Revilla naman ay dumating sa tahanan ng mga Fernandez dakong alas-singko ng umaga upang bisitahin ang kanyang kaibigan ngunit sinabihan ito na magpahinga muna kung kaya’t umuwi muna ito sa kanyang bahay sa Alabang, pagdating sa kanyang bahay ay nakatanggap muli ito ng tawag na nagdedeliryo na ang kanyang matalik na kaibigan kung kaya’t bumalik ito muli sa bahay ng mga Fernandez at nakarating limang minuto bago tuluyang binawian ng buhay si Daboy.

Ayon kay Sen. Jinggoy Estrada, isa sa pinakamalapit niyang kaibigan, “hiniling pa niya (Daboy) na sana dumating ang lahat ng kanyang mga kaibigan sa burol niya,” dagdag pa nito “masyado talagang malungkot ang mga nangyari sa kaibigan ko pero mas mabuti na ‘yung ganito kaysa makikita ko pa na dumadaing siya dahil nahihirapan sa sakit niya,” habang naiiyak na pahayag ng senador.

Agad namang dinala sa Heritage Memorial Park sa Taguig City ang mga labi ni Daboy kung saan siya nakaburol at sinabing wala pa umanong plano ang pamilya nito na ilipat ng labi ng aktor sa ibang lugar, kasabay ng paglilinaw na hindi ike-cremate kundi ililibing ito sa nabanggit na sementeryo.

Si Rudy na isinilang noong March 3, 1953, ay anak ng batikang direktor na si Gregorio Fernandez at nakilala sa mga markadong pagganap sa mga true-to-life characters tulad ni “Bitayin si Baby Ama” noong 1979, Victor Corpuz, Ruther Batuigas at Senador Panfilo Lacson.

Taong 2001 nang tumakbo bilang alkalde ng Quezon City sa ilalim ng tiket ni dating Pa­ngulong Joseph Estrada na Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) subalit natalo kay Feliciano ‘Sonny’ Belmonte Jr.

Unang na-diagnose

Noong Marso 2006 unang na-diagnosed ang stage 1 cancer ni Daboy at agad itong sumailalim sa Whipple operation, isang operasyon na tumagal ng 10 oras kung saan tinanggal ang ilang parte ng kanyang pancreas, bile duct, gall bladder at duodenum.

Pagkaraan ng nasabing operasyon ay bumalik ang lakas ni Daboy, sa katunayan ay nakagawa pa ito ng dalawang teleserye sa GMA 7 na may pamagat na Atlantika at Now and Forever subalit taong 2007 nang bumalik muli ang cancer at ang recurrence ay agad na umakyat sa stage 4 kung saan dalawang bukol ang nakita sa liver at pancreas ng aktor.



 
 Respond to this message   
AuthorReply
Anonymous
(no login)

Re: R.I.P. - Daboy

June 11 2008, 10:40 AM 

condolence to the family.

 
 Respond to this message   
Current Topic - R.I.P. - Daboy
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Forum  
Solid TJ fanatics worldwide