MATUTUWA si Annabelle Rama kapag nalaman niyang nagre-rejoice ang fans ni TJ Trinidad nang malamang siya na ang manager ng binata.Ayon sa ilang emails na natanggap mula sa supporter ng TJ-Kristine Hermosa fans club, natutuwa sila na si Bisaya na ang manager ngayon ng binata dahil tiyak daw na hindi na made-deadma ang petition nila sa ABS-CBN na bigyan ng panibagong show ang nabanggit na tambalan.
Hindi nila matanggap na hindi natuloy ang third season ng Prinsesa ng Banyera kaya naudlot daw ang tuluy-tuloy na sanang tambalang TJ-Kristine. “We hope na maiparating ni Ms. Annabelle Rama sa ABS-CBN management ang petition namin na pagtambalin uli sina TJ at Kristine. “Bagay talaga sina TJ at Kristine, kaya sana, sa pamamagitan ni Ms. Rama, pakinggan na kami ng mga taga-Channel 2!” sey ng isang email sender.
Natutuwa rin ang fans ni TJ sa pahayag ni Bisaya na hindi niya basta tatanggalin sa Dos ang bagong alaga niya. Sabi ni Bisaya, bago niya i-offer sa iba si TJ, kailangan muna niyang alamin sa big bosses ng Dos kung may plano pa ang mga ito para sa binata. “Lumaki ang pangalan ni TJ sa Dos, kaya kailangan ko munang kausapin ang ABS-CBN executives kung ano na ang plano nila para kay TJ bago ako kumilos,” pahayag ni Bisaya.
Samantala, very thankful si TJ na tinanggap siya ni Bisaya bilang alaga. Alam kasi ni TJ na hindi gaanong nagma-manage ng lalaki si Bisaya. “Mabuti na lang at best friends ang Dad ko at si Tito Eddie (Gutierrez), kaya pumayag si Tita Annabelle na i-manage ako.
“Gusto ko na talagang mag-concentrate sa career ko,” pahayag ni TJ, na kasama sa For The First Time movie nina Richard Gutierrez at KC Concepcion. Kasama naman niya si Valerie Concepcion sa Have Baby, Will Date show ng TV5.
TJ, kami din nagpapasalamat kay Ms. Anabelle Rama! and we will be forever grateful if hse can make the much awaited quality TJTIN soap happen! More power to Ms. Rama and Tj!
Salamat na din kay Ms. June Rufino for allowing Tj do the Gulong ng Palad and Banyera - without her then we will never get to know Tj Trinidad! Good luck din sa kanya kahit wala na si TJ sa poder nya.
ito dapat binibigyan na maraming projects sa abs
minsan kung sinu-sino na lang nilalagay ng abs sa mga shows nila
darkmaster
Member
Baka pag nagbalik sigla ang career ni TJ TRINIDAD,, i-claim na naman ni TANDANG ALFIE LORENZO na si Juday ang dahilan kaya ito sumikat...
Katulad ng pagyayabang nya na sina Piolo Pascual at John LLoyd Cruz daw ay sumikat lng nang dahil sa tulong ni Juday nya....
TUMANDA NA AT LAHAT, PAURONG PA RIN ANG PAG-IISIP NI TANDANG BITTER OLD MAN TRYING TO BE JOURNALIST KATULAD NI TANDANG JOEY DE LEON, the BITTERNESS KING!
with Juday may be Tj's first break but it was in Gulong ng Palad that he gained many supporters - because of his superb performance and of course his great onscreen with Ms. kristine.
Did you guys know that TJ was first offered the role of LEO MADRIGAL in Sana'y wala nang wakas as a triangle with Jericho and Kristine Hermosa?
However, it did not pushed through since TJ accepted the role of John Paul in Kristala and was paired with Judy Ann Santos. But fate made its way for TJ and Kristine when TJ auditioned for the role of Carding and was Kristine's choice.
I wonder what could have been if TJ became Leo Madrigal in SWAN???
hay naku, tama ka Ms. Emms. right now stick kami sa TFC, pero kung ano man ang mangyari, siyempre, lilipat kami sa DirecTV dahil sila ang nagke-carry ng GMA dito sa lugar namin. Ayaw nga sana naming lumipat pero pero kung hindi maiiwasan eh. Kaya and tribo namin dito heads up sila sa kung saan si TJ, dahil promise nila sa akin kung ano daw ang cable subscription ko, doon din sila (takot kasi kay Ate!!!)Of course, mas preferred sana namin ang Dos pero kung talagang hindi maiiwasan eh. Anyhow, we are praying that ABC-CBN will still be TJ's home. I agree doon siya nag umpisa at nabigyan ng break and this young man is very loyal naman at very appreciative of the breaks given to him. We're very thankful sa ABS-CBN at kay Ms. Rufino pero siyempre one must be pre proactive and committed sa career. Sabi nga bronze and silver are very good, but you must always aim for the gold. He's got the talent and the intensity in all his performances, and he's a real pro. He can really be a big star with big dollar potential if given good and quality projects.
^_^ agree kami sa lahat ng sinabi mo 1000 % - if TJ leaves ABS CBN - it will be a great loss for this network! and defintely a gain for GMA 7 or TV 5 !
i wish tj & annabelle rama a harmonious working relationship, may she make a difference in tj's career, tj is a real talent, all he needs is a good manager to push his career further, it's long overdue since gulong ng palad, he should be in the wagon of those big stars by now, maybe this time he found the right person to handle his career.& to june rufino, thank you for introducing tj to us, for w/o gulong ng palad, we won't know that there's a new good looking pinoy actor that can act,therefore made that teleserye a classic piece to keep...once again tj, may you find yourself a place under the sun, we're just here to support all the way,where ever you are & whatever you do...........
yes thanks to ms june rufino for taking care of tj.. she plays a big part on tj's showbiz career. its a joint effort on their part- very crucial ang talent and talent manager relationship and i guess after all these years that tj was under her management, he was given a break naman like GNP..
now with ms rama, we really hope tj will soar even higher..
for starters.. i would really like to see tj and kristine again!!!!!!! Bigger roles, more promotion on their project..
namiss ko lang talaga ang tambalan nila.. sobra...
kung pwede lang sanang araw arawin ang GNP.. halos memorized ko na nga ang dialogues nila and the sequence of events..
if there will be a dvd for banyera, ay naku.. no seconds wasted, i will buy it!
hopefully kristine's next big project will be with tj trinidad - it's about time for their prime time comeback !it does not matter whether it's on abs cbn or gma 7 ! a romantic love story movie will be great too!
Ano na ang nangyayari sa career ni TJ???? the last press release ni Ms. Rama was August 19-22, September 3 na pero wala pa ding balita???
Siguro naman masaya na sya at nag hit ang pelikula ni KC at Richard? Isn't it time to take care of her other talents esp. TJ? o baka naman busy pa sya sa pagbibilang ng kinita ng FTFT? tigilan na muna nya yan at isabak na sa trabaho si TJ with Tin para madagdagan pa ang bibilangan nya!
happy ako ng unang marinig ko si ms annabelle ang manager na niya....kaya lang, feeling ko eh siyempre una muna yung mga anakis niya...although pansin ko din na laging may kasama sa mga alaga niya sa mga movies ng mag anakis niya...kahit second lead or saling pusa eh naisasama niya gaya nina jc de vera, ehra madrigal, michelle madrigal at ngayon nga eh si TJ napasama sa FTFT. wait and see na lang ang mga beauties natin kung ano ang makukuhang project ni madam annabelle para kay tj.......hay naku po....buhay alamang talaga...di lang buhay alamang...parang buhay bagoong na rin.
halata bang this pagkainip is slowly getting to me? in fairness, sobra talaga init dito sa california...maybe may effect ito sa katinuan ko. hehehehe
Vera kami din naririndi na pag naririrnig ang patience is a virtue na yan!!!!!!!!!!!
kung walang project ang artista ibig sabihin hindi din cla kumikita di ba? aba aba tao din ang mga yan - may mga ginagastusan din di ba? dapat silang mag trabaho para mabuhay tulad natin. tapos tayo naman nagbabayad ng TFC - aba perang tinatapon yan pag nagbabayad tayo na walang pinapanood na TJTIN! sayang ang panahon na walang TJTIN sa mundong ito!
i agree with you tfc subcriber.. life is not that beautiful without tjtin in my screen.. namiss ko ang banyera days kahit na kasumpa sumpa ang kuwentong yun, i was always eager to be home for my 3 o clock banyera habit.
i hope they will be back in primetime tv, tj and kristine deserve a large audience. they deserve to have a beautiful script para mailabas ang natural talent nila..
for now, i assumed the production team is preparing a script for them.. im positive that in no time, we will hear something good..