TJ Trinidad International Friends (TJIF)
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Forum  

Umandar na naman si Alfie

August 22 2008 at 12:31 PM
tjlasko  (no login)

Hahahahaha - umandar na naman si alfie. thought i'd share this but dont take it seriously.


Alfie Lorenzo's Column in Abante Tonite:


Now, this brought me to what I read from kumadreng Aster Amoyo na kinulang din sa research naman. Ibinalita ni Mareng Aster na wala na kay June Rufino si TJ Trinidad at si Annabelle Rama na ang nagma-ma­nage sa binata.


Malaki raw ang naitulong ni Ms. Rufino (o Torrejon ba? Alin ba talaga? Torrejon o balik-Rufino uli?) sa career ni TJ Tri­nidad.


Teka muna mare, bet­ween June Rufino and me, sino kaya ang mas malaki ang naitulong sa career ni TJ Trinidad? Ilang pelikula ba at tele­serye ang naibigay ko kay TJ Trinidad with Judy Ann Santos na hindi naibigay ng dati niyang manager? Aber, magkukuwentahan ba kami?


And like Piolo Pascual na wala man lang text o simple “you don’t throw away memories” card, in fairness may cell call naman si TJ pag tinawagan mo, (dahil knows ni TJ na labs ko silang dalawa ni Piolo). Although, ewan ko kung conio nga talaga siya since anak siya ng isang PAL pilot at pamangkin ng isang Mayor kaya he expects good things to come his way and for other people to serve him.


Well, TJ Trinidad has gone his own way, away from Juday and us into the arms of my “Monster Mom” na mas maipaglalaban siya siguro kesa kay June Rufino na naka-foucs lang tlaga ang buong buhay kay Edu Manzano -- win or lose man sa anumang elections!


But kami, game pa rin anytime!


Kay dami na naming artistang natulungan. At mabibilang sa mga daliri ng dalawang kamay namin ang masasabi mong taos sa puso ang pagtanaw ng utang na loob.


Isa na riyan si Richard Gomez na hindi man kami sulatan (but he did once!) ay malakas ang pakiramdam namin na mahal kami ng lokong ito (baka kasi suspetsa niya naging kami ng daddy niyang si Ed Gomez noon. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!) base sa higpit ng yakap niya sa amin everytime (na very seldom na nowadays) magkikita kami, damang-dama namin ang pagmamahal niya sa amin.


May mga artistang naging ninong pa nila kami sa kasal, pero wala lang, parang eksena lang sa pelikula ang nagdaan na akala mo eh tapos na ang shooting kaya pack-up na.


But again, nanduon pa rin ang wide and universal understanding namin sa individual behaviors ng bawat tao na pilit naming inuunawa -- hindebah Joey Marquez, Alma Moreno, Jestoni Alarcon, Lizette Capili, Cesar Montano, Sunshine Cruz?


Of course, iba ang relas­yon namin ni Annabelle Rama at ang pamil­ya niya. Alam ni Bisaya na number one siya sa a­ming puso dahil kapa­milya namin siya -- handang tumulong kahit na dis oras ng gabi, hatinggabi man o madaling-araw, bukas-pa­lad ‘yang “Monster Mom” na ‘yan na may pusong as malambot pa sa pinakamalambot na mamon!


This item is not panu­numbat kundi pagbabalik-tanaw lang at sana ay magsilbing reminders sa iba na hindi tinubuan sa puso ng salitang utang na loob na kahit na kaplastikang “gratitude” ay masambit man lang nila dahil ‘yan naman ang uso sa showbiz -- KAPLASTIKAN!


 
 Respond to this message   
AuthorReply
tj fan
(no login)

Re: Umandar na naman si Alfie

August 22 2008, 1:46 PM 

hindi kapatul patul si lola. patawarin na lang natin ang ulyaning gurang. please lang sa totoo lang kahit na minsan di ko napanood si tj na kasama si judy ann. sa gulong ko sya unang nakilala.

tyak naman naging grateful si tj sa kanya kahit papanu eh baka naman gusto nya araw aeaw syang pinapasalamatan.

 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: Umandar na naman si Alfie

August 23 2008, 5:52 PM 

Naku agree ako kay Lola Alfie nagresearch pa tong aster amoyo na to mali mali pa ang mga infos. Wala naman siya sa presscon at kung saan saan nya lang pinulot yung mga info nya na mukhang pinagbalutan ng tinapa sa kalumaan. Grabe ang luma pati ang mga nakaraan pinaflashback pa ni amoyong. Amoyong mukhang huli ka na hindi mo pa alam ang latest.



 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: Umandar na naman si Alfie

August 23 2008, 8:14 PM 

para kay aster amoyo - hahahahahahahahaha napatawa mo kami! kay lola alfie naman - move on lola!

 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: Umandar na naman si Alfie

August 24 2008, 12:40 PM 

nag research lang pala ang aster amoyo - eh mali pa ang ibang info.

 
 Respond to this message   
Current Topic - Umandar na naman si Alfie
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Forum  
Solid TJ fanatics worldwide