TJ Trinidad formally asked ABS-CBN's permission before moving to GMA-7
(Melba Llanera)
Monday, January 26, 2009
06:04 PM
Bagamat madalas na napapanood si TJ Trinidad sa ABS-CBN, hindi pala under contract ang actor sa Kapamilya network. Kaya naman pagkatapos niyang magpalit ng managerfrom June Rufino to Annabelle Ramaay mapapanood siya for the first time sa isang telenovela ng GMA-7, ang Zorro na pagbibidahan ni Richard Gutierrez.
"I signed for Zorro," pagkumpirma ni TJ sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Actually, it's per project basis. For now, it's like that. Ako yung magiging kontrabida kay Richard sa story."
Patuloy niya, "I was never under contract with ABS, it's per project also. Kaya medyo matagal ako na nagtrabaho uli after [Prinsesa ng] Banyera, kasi we just had to make sure that everything was okay. Si Tita Annabelle ang nakipag-usap sa kanila [ABS-CBN], nag-meeting kami and all that. Finally, pinayagan kaming mag-Zorro."
Ipinaliwang naman sa amin ni TJ na bukod sa nakipag-usap sila nang maayos sa ABS-CBN ay naghintay rin sila kung may proyekto bang maibibigay sa kanya ang Kapamilya network. Aminado ang aktor na malaki ang utang na loob niya sa dating mother studio at hindi niya ito puwedeng basta-basta kalimutan na lang.
"Malaki ang utang na loob ko sa kanila, doon ako nagsimula," sabi niya. "I was very grateful to them and everything they've done to me. Naghintay muna kami ng go signal sa kanila at nang umokey na sila, that's the time na tinanggap namin ang Zorro.
"It's not like bigla na lang kaming lumipat nang walang abiso. Nagpaalam kami nang maayos. We prioritized ABS-CBN first. Eventually, nagpaalam kami nang maayos at nagbigay sila ng green light. Ako, I owe it to the management of ABS. Kami naman, we don't wanna burn bridges."
Hindi maiiwasan na sa mga artistang lumilipat ng network ay napagsasabihang "walang utang na loob," "ingrato" o "nakalimot sa mga taong nakatulong sa kanya." Ayon kay TJ, handa na siyang masabihan ng mga ganitong mga paratang. Pero sana raw ay alamin muna ng iba ang mga mahahalagang detalye bago manghusga ang iba.
"That's something I can't control," aniya. "These are opinion of people and I have to respect that. I just hope that if they make it, sana based on facts and not just speculations. If they feel that way, hindi ko puwedeng kontrolin kung may isyu sila at gusto nilang sabihin yun. Handa naman ako kung may magsabi ng ganun, pero sana wala. I don't think it's fair for people to speculate. I've proven my loyalty to ABS when I was there."
Sa ngayon ay hindi pa makapagbigay ng komento si TJ nang tanungin namin siya kung ano ang pagkakaiba ng atmosphere sa ABS-CBN kumpara sa GMA-7. Hindi pa nga naman kasi nagsisimula ang taping ng Zorro. Pero kung ang pagbabasehan ay ang experience niya nang ginawa niya ang pelikulang The Promise under GMA Films, positibo ang aktor sa bagong nilipatang network.
"I was very happy when I worked with them. I'm looking forward to it kasi maganda yung atmosphere nung ginawa ko yung pelikula na yun," ani TJ.
TEAM-UP WITH KRISTINE. Ang ilan sa mga programang nilabasan ni TJ sa ABS-CBN ay ang mga sumusunod: Basta't Kasama Kita, Krystala, Gulong ng Palad, Da Adventures of Pedro Penduko, Hiram Na Mukha, Rounin, Walang Kapalit, at Prinsesa ng Banyera.
Dalawa sa mga ginawa ni TJ para sa ABS-CBN ay pinagtambalan nila ni Kristine HermosaGulong ng Palad at Prinsesa ng Banyera. Kaya tiyak na malulungkot ang mga tagahanga ng kanilang tambalan sa desisyon ni TJ na pansamantalang lumipat ng network.
"Nakakalungkot nga rin," sabi ni TJ. "Siyempre, kung kami ang magde-decide, gusto namin magkatrabaho uli kami, di ba? Kasi malakas din yung clamor ng fans. Pero hindi naman puwedeng kontrolin ang mga bagay na ito. This is what's instored for us now.
"I'm gonna do Zorro, she'll [Kristine] do another project. Pero hindi mo naman puwedeng sabihin ang mga mangyayari. Aftter this year or whatever, baka may opportunity that will come up na we could do a movie pa rin. Pag movie naman, puwedeng magkasama ang ibang networks."
CHANGING MANAGERS. May of last year nang magdesisyon si TJ na magpalit ng manager. Hindi naman itinago ng aktor na nagkaroon ng samaan ng loob sa paghihiwalay nila ng landas ng dating manager. Pero naayos naman na raw ito ngayon.
"Ang nangyari kasi nung wala akong manager, my dad suggested na kausapin namin si Tita [Annabelle]. Kasi, Tito Eddie [Gutierrez, husband of Annabelle] is an old family friend of ours, matagal na silang magkakilala. Kinausap niya si Tita Annabelle. It was an instant yes. She's a very capable manager and capable of like helping with my career. I trusted Tita Annabelle na kaya niyang akong patagalin sa industriyang ito.
"Four years ako kay Tita June. Siyempre, we both tried to make it maayos. But then, yung relationship namin is very personal, so we're very honest to each other. Siyempre, there are moments na like she expressed bad feelings and all that, naiintindihan ko naman yun. Kahit naman anong klaseng hiwalayan, there's always good thing with it, there's always slight na sama ng loob Ngayon, okey na kami," lahad ni TJ.
thank you for posting this. i was just about to post it too. check the link below. log in sa pep and post your comments in behalf of TJ. Maraming pasaway doon kaya it will be good to read positive and encouraging postings.
here's the link and hope to see you there.....please log in and support TJ.
bakit ba ang daming pasaway na gustong siraan si tj? ano kaya ang problema ng mga pasaway na yun? insecurities kaya? most likely dahil wala namang knotrobersya at intriga si tj kaya wala na akong maisip na ibang reason kung di insecurities. i feel so sorry for this pasaways!
salamat tj sa pagpapahalaga mo sa aming mga fans nyo ni kristine. tulad nang sinabi mo, hindi kami mawawalan ng pag asang makita kayong muling magkasama onscreen.
mag log in kayo sa pep diyan sa link above. nakakatuwa kasi madami na rin palang nakakapansin kay TJ sa mga tiga GMA. at very welcoming sila kay TJ.
mag post kayo please para lalong exciting ang thread ng article about TJ sa pep. hulaan niyo na lang kung ano ang user name ko doon. obvious na obvius pag nabasa ninyo ang comments ko...hehehehe
I am truly happy for TJ. Maganda yang iba naman ang role nya sa Zorro dahil it will only hone his acting skills more. At least hindi rin sya typecasted sa iasng role lamang. Magkakaroon din sya ng chance na makasama ang iba't ibang talents dyan - kaya i feel very optimistic sa move nyang ito!
More power to you TJ!
as totoo lang kahit na baguhan si tj, napabilib nya na ako sa acting nya. very convincing ang portrayal nya sa mga roles nya. sa desperada, feeling ko cold hearted sya doon as the doctor-husband tapos sa 100 naman super hot and sexy sya as the kabit hahaha. sa hiram naman nainis at naawa akoo sa kanya as hugo.
sa ronin, ang galing nya sa action kahit na one day lang sya doon-he outshined
his co stars there. lagi syang nag sa shine kahit na maliit o malaki ang role nya.
ang most unforgettable role nya for me ay ang roles nya sa gulong at banyera - dahil dyan kaya lalo akong nainlab sa kanya!
tj mahal ka namin kaya susundan ka namin sa GMA!
hay naku...alam naman natin kung bakit di natuloy ang team up nila ni tin. it is good na kasama si TJ sa zorro dahil magkakaroon siya ng exposure sa ibang viewer groups naman. dito na mahahasa si TJ and mas madami ang makakakita na this guy can deliver.
sad ako na inipit ng mga promise breakers and team up nila ni tin...wala tayong magagawa, hindi naman fan oriented kasi ang channel "chew". but in my heart, i know na magkakasama pa rin sila...in a movie or another show.
Kahit na ano pa ang sabihin at gawin ng iba dyan - truth is there's a lot of hopes in store for TJTIN. tingin ko temperory setbacks lang ito sa kanila professionally speaking!
buti naman wala munang tjtin show - imaginin nyo kung meron at sinabayan pa ang paglantad ng dierema(?) naku kung ako isang dietiner baka di ko kakayanin -lol! kaya sa ngayon ang mga echotiners muna ang guguluhin nila. pahinga na muna sa sila sa panlalait sa mga tjtiners - lol!
oo nga, konting break naman sa mga fans na naghihimutok sa tabi tabi. huwag na nating dagdagan ang kanilang hinagpis. kawawa naman kasi sila. kaya paghiwalayin na muna natin sina eric at ning temporarily hanggang maka recover ang mga nagluluksa sa kabilang ibayo na laging naglulurk dito hehehe.
cguro tama nga yang maghiwalay muna sina tj at tin pansamantala dahil baka sumabog na ang mga debdeb ng mga insecured sa tambalan nila. isipin mo kahit na nga si oyo ang laging kasama ni tin pero kay tj pa din galit ang mga fans ni diether
o mga lurker frens,ayan maliwanag na hindi si tj ang dahilan ng hiwalayan ng mga idols nyo kaya plis lang tantanan nyo na si tj.
sana be happy na lang kaya for diether dahil nakatagpo na sya ng maganda, bata, mayaman na si rema na nagmamahal sa kanya. si tin nga hapi na for him kaya be happy na din kayo! everybody happy na dapat!
ako i sympathized with the dietiners sa nangyayari. tulad natin sila ay may puso, apdo, balunbalunan, atay na nasasaktan din. tingin ko meron din clang kaluluwa dahil mga tao din naman sila. hayop lang ang walang kaluluwa di ba?
kaya let's be kind to human!
pabayaan na lang natin ang mga negative posts at articles ng mga iba. alam naman natin talaga kung paano ma frustrate. basta wala tayong aawayin or guguluhin na ibang bahay, ok na.
basta wish ko and pray ko na mag shine si TJ sa GMA...para pwede kung sabihin sa mga promise breakers ng "in your face" with matching hands! lolz
i do agree with anonymous. umaasa din sila at naniwala hanggang ngayon na magkakasama din ulit. but just like us, laging walang nangyayari. show nga lang ang hinihingi natin eh, nasasaktan pa tayo dahil wala. feel ko ang frustration at hurt nila. let's be kind and empaathize with them.
exacto! kahit na nga ba formally nagbreak sina diet at tin before nag start ang Banyera soap, alam naman natin lahat na di nagsara ng pinto si tin kay diet. she wsa still open to the idea na baka magbalikan pa sila. pero itong paglantad ni diether at rema is a sure sign na nagka closure na sila. kaya masakit talaga ito sa mga dietiners. i don't wanna wish them this way dahil ayaw kong magyanri din yan kina tj at tin.
just like us gusto din lang makita nila na magkatuluyan ang mga peborit nila.
kaya nga hangga't maari i-limit natin ang ating paghanga sa onscreen at 'wag na nating saklawan ang mga personal na buhay nila.
pag nagka inlaban? eh accept na lang natin dahil mahirap namang pigilan nila mga damdamin nila di ba? tutal nasa edad na sila. respect na lang natin mga choices nila at kung sila eh di sila - di ba mas masaya!
based on all the interviews and guestings nila tj at tin (together and separately) feeling ko matagal silang nagpipigil dahil sa bawal na pag ibig.
kaya kung dumating sa punto na di na nilang kayang magpigil eh maluwag sa puso kong tatanggapin yan - tutal di naman talaga pweding takasan ang tadhana at ang true love.....yan po ang theme ng next fan-fiction natin - lol!
sina tj at tin parehong marunong tumanaw ng utang na loob sa management at marunong magpahalaga sa mga fans.kaya malaki respeto ko sa kanila.
look at tin, pumirma sya sa abs cbn kahit na minamaltrato sya dito at tinitengga pero dahil nga mahal nya ang echotin fans na matagal na ding naghihintay ng echotin reunion. feeling ko she wants to make it up for them dahil dati puro dietiners lang ang pinapasaya nya sa sunod sunod na projects kahit flops tapos real lovers pa ang dietin. now naman it's the time for echotiners to be happy. pero ganun pa man ay mabait pa din sya sa mga dietiners dahil everytime nagkikita sila ni diet sa mga parties, game pa din syang nagpapa picture with him kahit na nga awkward na dahil matagal na silang hiwalay. kaya sana naman swertihin na din si tin dahil deserving naman siya! at si tj sana mapaganda ang karir nya sa GMA!
for now, ang mahalaga still close friends pa din sila tj at tin (salamat sa gulong at banyera)_
so patience na din muna tayo tutal naman napagbigyan na din naman tayo ng 7 mos.afternoon soap recently kahit na nga puro kunsimisyon ang inabot natin dahil sa storyline at napaka cheap ng production.
and tutal nangako ang abs cbn na magkakaroon muli ng tjtin soap kaya so posible pa naman nilang tuparin yan after ng echotin soap di ba? so wait na lang tayo ng right time, right place to make things happen the right way.
weather-weather lang yan kaya hintay na lang ulit tayo ng ating weather...hanggang sa muling pag ikot ng gulong! so for now...GMA here we come!yeheeey!
anonymous - agree ako sa sinabi mo...yes, pumirma ulit si tin ng contract dahil nga inaala din niya ang mga echotins na ang tagal tagal na ring naghihintay ng team up nila. ganyan ka maalalahanin niya . hats off nga ako sa prinsipyo ng batang ito.
si tj naman, happy naman ako na he will be given a chance to prove himself in a place where he is appreciated. good luck to both and good luck to all of us.
log in kayo sa pep. read ninyo mga comments. daming positive comments about tj and his acting. mag log in na rin kayo para maka post. ganda ng balitaktakan doon.
cguro it's a good thing na nagdecide silang maghiwalay muna para wag silang pagbintangan ng kung ano ano ng iba jan.
at least pag nagkatuluyan man sila, eto ay hindi dahil may project silang ginagawa together. alam natin na for real hindi for gimmick's sake lamang. theory lang po yan di ko naman sinasabi na sila na ni tin.
cguro it's a good thing na nagdecide silang maghiwalay muna para wag silang pagbintangan ng kung ano ano ng iba jan.
at least pag nagkatuluyan man sila, eto ay hindi dahil may project silang ginagawa together. alam natin na for real hindi for gimmick's sake lamang. theory lang po yan di ko naman sinasabi na sila na ni tin.
*************************
anonymous,
maron ka yatang alam na di namin alam ah... hehehehe
somehow, i felt sad that tj and kristine will not be working together in zorro and we know the reason why.. but i believe this is just a temporary thing.. and i felt a bit of panghihinayang that kristine didnt take that part in zorro..... heck.. zorro is ZORRO!! to be part of this crically acclaimed project is something.. it has spawned into stage production, video games, television, comics, films..etc.. this is really something to look forward to.. at least in tj's part.
yap im with u vera. i can see her doing catherine zeta's role. it could have been a great comeback for her, not like the api api role w/c is kakasawa na - she is so beautiful to be poor all the time
if ever kristine accepted that role, it would have been something new for her.. new people to work with, new environment. its not only about her and tj working together again but i want her to feel what is outside her comfort zone.. surely, there are far greater opportunities for her. pero yun nga, no need to bawl over things out of our control. i hope things will be for the best para sa kanilang dalawa..
at first, i was awed with how kristine took things objectively.. maprinsipyo sya like tj.. and she doesnt want to hurt anybody with her decisions regarding her career.....on the other hand, napag isip isip ko na zorro culd have been a huge project for her.... jusko.. you take the role of catherine zeta jones lang naman!!! in fact, i came to know catherine zeta jones because of zorro and her famous undress scene there...
and tin once said she wants to try action.. zorro could have been perfect for her.. zorro is not a pipitsuging project.. im sure gma splurged a lot for this....mega promotion and all that..
im not blaming kristine with her decision.. she's an inch of a woman now and she knows what she is doing.. i just hope maalagaan sya ng abs and her leading men as much as tj took care of her..
ako napabilib din ako sa decision ni tj na tanggapin nya ang role sa zorro...dahil this will be good for him as far as versatility is concern - ang maging kontrabida ni zorro is a very challenging role. mahahasa sya sa ibang skills like fencing and other stunts na gagawin nila dito. he can prove to viewers na he is not just a pretty face - madami din syang ibang skills other than his natural talent in acting! sana magamit din nya ang galing nya sa boxing at martial arts!
actually it's also good for tj na mejo ma detach muna kay tin habang may echotin project para naman mas ma focus kay echo at tin ang promotion ng magiging soap nila! echotin's soap is a big thing na pinaghahandaan ng abs cbn and we want this to be a success for tins's sake. just like us, tj wants tin to be happy and be successful! kaya wise move ito for the sake of both their career! so sana maging successful pareho ang zorro at ang upcoming project ni tin!
Four years ako kay Tita June. Siyempre, we both tried to make it maayos. But then, yung relationship namin is very personal, so we're very honest to each other. Siyempre, there are moments na like she expressed bad feelings and all that, naiintindihan ko naman yun. Kahit naman anong klaseng hiwalayan, there's always good thing with it, there's always slight na sama ng loob Ngayon, okey na kami," lahad ni TJ. "
__________________________________________________
My guess is baka naman dahil sa dami ng nagrerequest kay tj na 'wag naman syang pumayag na lagi na lang patayin ung role nya baka namention nya ito kay ms rufino and maybe she took it the wrong way?
if that's what happened sana naman naunawaan ni ms rufino na tj was just being fans orientd by trying to give in to their requests. cguro masyadong pinersonal ni ms rufino yun. hula ko lang yan ha.