TJ Trinidad International Friends (TJIF)
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Forum  

TJ in HongKong

June 14 2009 at 1:48 PM
tl  (no login)

Jun Lalin

CENTRAL, HONG KONG --- Saturday nang umalis ang grupo namin nina Annabelle Rama, TJ Trinidad, Ai Ai de las Alas, Direk Malou Sevilla, Lance (Ai Ais perso­nal assistant) at Jonathan (Ai Ais make-up artist) sa Pilipinas para sa Independence Day show rito ng Smart/PLDT.
Sa PAL lounge sa Manila ay nakasabay na­min ang grupo nina Pooh, Maui Taylor at Randy Santiago na papunta naman sa Taiwan para sa isang Pinoy event doon.
Pagdating pa lang ng airport sa Hong Kong ay pinagkaguluhan na sina Ai Ai, TJ at Annabelle Rama, na star na star din ang dating at kilalang-kilala ng Filipino community rito, huh!
Sinundo kami ni Richardson ng Smart/PLDT Hong Kong. Nang nasa loob na kami ng coaster papunta sa hotel namin sa Causeway Bay ay masaya ang lahat dahil marami kaming magkakasama sa grupo.
Kung anu-ano ang tsikahan hanggang sa ma­katanggap ng tawag si Bisaya mula kay Nadia Montenegro. Umiiyak daw si Nadia.
Ano? Sino ang namatay? Sinooo??? ang napakataas na boses ni Bisaya habang kausap si Nadia. Ano, patay na si Douglas?!
Naku, patay na raw si Douglas Quijano. Kawawa naman, mangiyak-ngiyak na paha­yag ni Bisaya sa lahat ng mga kasama sa loob ng coaster.
Napakabait pa naman ni Tito Dougs, reaksiyon ni Ai Ai. Si Bisaya ay nagtatatawag na sa Pi­lipinas.
Pati sina Mother Lily Monteverde ay tinawagan ni Bisaya para siguradong maasikaso si Tito Dougs at in-assure ni Mother Lily si Bisaya na nag-utos na siya ng mag-aasikaso.
Kawawa naman si Douglas. Magkikita pa naman sana kami next week, sey ni Bisaya na sandaling tumahimik at nagdasal.
***
Pagkatapos na­ming mag-check-in, nagpa­hinga lang kami sandali at kanya-kanyang lakad na dahil may dinner pa kami kasama ang big bosses ng Smart/PLDT Hong Kong.
Si TJ ay makikipagkita raw sa kanyang mga kaibigan at ang grupo ni Ai Ai ay magsa-shopping daw sa malalapit na stores sa gilid ng hotel namin.
Si Bisaya ay kaagad nagyaya sa Time Square at bumili ng cellphone at charger dahil may sira na raw ang cellphone niyang dala.
Pagkatapos ay niyaya na niya ako sa Lane Crawford at tumingin-tingin siya ng mga sapatos.
Panay ang ask niya sa saleslady ng size 9, pero karamihan ng mga sapatos na gusto niya ay size 8 lang, kaya napansin ni Bisaya na pinagdadabugan na siya ng saleslady.
Akala siguro ng babaing yon, wala akong pambili ng sapatos. Kasalanan ko ba na wala akong size na available. Dabog siya nang dabog.
Gusto ko na sanang tarayan, pero hindi ko alam sa English kung ano yung dabog, kaya ang sinasabi ko na lang, Sorry, theres no size for me.
Kung alam ko lang sana kung ano sa English ang dabog, tatara­yan ko siya, natatawang sey ni Bisaya.
Kahit magkagalit sila ng anak na si Ruffa Gutierrez, naging abala rin si Bisaya sa paghahanap ng sapatos na bagay at kasya para sa kanyang anak.
Kahit magkagalit kami, may regalo na akong bag para sa kanya, nasa bahay, nabili ko na, hindi ko pa lang ibini­bigay. Alam mo naman kahit galit ako sa bruhildang (Ruffa) yan, hindi ko naman nakakalimutan ang birthday niya, sey ni Bisaya.
Kung saan-saang malls pa kami nagpun­ta at dahil mahirap makakuha ng taxi, napi­litang maglakad si Bisaya, kaya pagbalik namin ng hotel ay kaagad siyang nakatulog at gumi­sing na lang para sa dinner namin.
During dinner saka na lang kami nagkita-kita nina Ai Ai at TJ. Si Ai Ai ay medyo nakapag-shopping daw, samantalang si TJ ay nakipag-bonding lang sa ilang mga kaibigan na based sa Hong Kong.
After ng dinner, nagpunta na sa radio tour ng Smart/PLDT sina Ai Ai at TJ. Kami ni Bisaya ay balik-hotel at maaga kaming natulog.
***
Kinaumagahan, inasikaso lang namin sandali ni Bisaya si TJ at nagyaya na siya sa IFC Mall para mamili.
Si Ruffa na naman ang hinanapan ni Bisaya ng sapatos.
Biniro ko si Bisaya na nalalapit na talaga ang pagbabati nila ng anak, pero a big NO ang sagot ng nanay ni Ruffa.
Walang mabiling sapatos sa may IFC Mall si Bisaya, kaya naglakad-lakad kami at lumabas ng mall papunta sa Central.
Type ni Bisaya na kumain ng Peking duck, kaya go kami sa isang simpleng dimsum restaurant.
Pagpasok namin sa restaurant, puro mga Pinoy ang naroon at pinagkaguluhan si Bisaya. Lahat ay bumabati sa kanya at panay ang ngiti niya.
Maam, kumakain din pala kayo sa mga ganitong simpleng restaurant? tanong ng isang Pinay.
Siyempre naman, hindi naman ako mayaman, pa-humble ni Bisaya.
Napakaraming mga Pinay na naglapitan kay Bisaya at kung anu-ano ang inuusisa sa kanya. Panay naman ang promote ni Bisaya ng show nina Ai Ai at TJ.
Tuwang-tuwa si Bisaya dahil halos lahat ng mga lumalapit sa kanya ay nagsasabing nanonood sila ng Zorro na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.
May isang Pinay na hindi makatiis at panay ang tanong kay Bisaya kung ano ang magiging ending ng Zorro.
***
Pagkatapos kumain at makipagtsikahan sa mga Pinay, sa may Landmark ako niyaya ni Bisaya, kung saan ay nabilhan na rin niya ng sapatos si Ruffa.
Additional gift ko kay Ruffa kahit kinaka­laban niya ako, pagdadahilan pa ni Bisaya.
In fairness, sa buong trip yata namin ay si Ruffa ang topic ni Bisaya.
While shopping, panay rin ang tawag ni Bisaya sa Pilipinas para kumustahin ang mga apo niyang sina Lorin at Venice.
After ng shopping, pinuntahan na namin ang show nina Ai Ai at TJ. Gulat na gulat si Bisaya dahil napakarami talagang mga Pinoy.
Grabe ang mga tao. At least, marami ang makakapanood kay TJ. Mala­laman na nila na kumakanta rin si TJ. Dapat i-headline mo na marunong kumanta si TJ, sey pa ni Bisaya sa akin.


 
 Respond to this message   
AuthorReply
Anonymous
(no login)

Re: TJ in HongKong

June 14 2009, 4:19 PM 

mr jun lalin...hindi lang po basta kumakanta si tj, mahusay sya at napakaganda ng boses nya!

 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: TJ in HongKong

June 14 2009, 4:36 PM 

masyadong madaming kontrobersya itong si ms rama - sobrang embarassing na ang mga gingagawa nya. sana mag focus na lang sya sa pagka manager nya at asikasuhin nya ng mabuti ang mga talents nya lol na si tj.

 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: TJ in HongKong

June 14 2009, 4:37 PM 

i mean lalo na c tj! hindi po lol yun!

 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: TJ in HongKong

June 14 2009, 5:25 PM 

anabel rama has a goldmine in tj - he is very talented. given the right exposure, tj can make his manager richer.

 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: TJ in HongKong

June 14 2009, 5:36 PM 

wala po bang pics na kasama yung article?

 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: TJ in HongKong

June 14 2009, 8:52 PM 

nakakatuwa si annabelle. this is the type of person i like, hindi ipokrita at walang ere sa katawan. good thing nasamahan nya si TJ sa hongkong. bad thing i'm not using smart, globe ako - lol! salamat jun lalin sa article.



 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: TJ in HongKong

June 14 2009, 8:52 PM 

Matagal ng singer si TJ but that talent has never been tapped. Annabelle has a goldmine in TJ sana pagtuunan naman nya ng pansin si TJ. If I'm not mistaken TJ also composes songs. Sana malaman ni Annabelle eto. Not for anything but TJ if given a chance can dish out beautiful songs than those so-called wannabe actors-singers out there.





 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: TJ in HongKong

June 14 2009, 8:53 PM 

anabel sometimes is annoying. sobrang kontrobersyal - di naman sya dapat ang magkaroon ng publicity kung di yung talent nya. pero mas madalas sya ang nahe headline - lol!

 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: TJ in HongKong

June 14 2009, 8:53 PM 


eversince si anabelle ganun na talaga eh. innate na sa kanya yun. just what TJ needs kasi sobrang tahimik naman nya. She is TJ's eyes, ears and mouth in showbiz.




 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: TJ in HongKong

June 14 2009, 8:53 PM 

i think she is more focused sa mga anak nya - when it comes to tj baka yung right hand lang nya na si jun lalin ang nagpapatakbo. i just hope jun lalin is fair in treating tj. baka kasi nagpi- play favorites din ang mga yan.


 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: TJ in HongKong

June 15 2009, 8:27 AM 

"Grabe ang mga tao. At least, marami ang makakapanood kay TJ. Mala­laman na nila na kumakanta rin si TJ. Dapat i-headline mo na marunong kumanta si TJ, sey pa ni Bisaya sa akin. "

i hope Ms. Rama will launch TJ's singing career too.


 
 Respond to this message   
Current Topic - TJ in HongKong
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Forum  
Solid TJ fanatics worldwide