TJ Trinidad International Friends (TJIF)
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Forum  

wala na si andoy ranay sa abs - yehey!

June 24 2009 at 6:57 PM
Anay  (no login)


SHOW-MY Ni Salve Asis Updated June 25, 2009 12:00 AM


Trabaho ang rason kaya nag-resign na sa ABS-CBN ang director na si Andoy Ranay.

Si Direk Andoy ang unang director ng narserye na Habang May Buhay ni Judy Ann Santos na halos dalawang taon na pala nang simulan niya.

Napunta na kay Direk Wenn Deramas ang project. At nang mag-resign siya last March, nagpalipas lang siya ng dalawang buwan saka siya naghanap ng bagong trabaho.

Kailagan ko ng work. I applied for a job (referring to GMA 7), pag-amin ng director ngayon ng All My Life, ang primetime drama series nina Aljur Abrenica and Kris Bernal na magsisimulang mapanood sa June 29.

So far, madali naman daw siyang naka-adopt sa trabaho sa bagong tahanan. Though admitted siya na parang after 14 years with ABS-CBN, parang lumabas siya sa kanyang comfort zone pero na-realize niyang kailangan niyang mag-move on and experience working with other people like Kapuso stars.

Very supportive (GMA 7) sila sa akin. May adjustments. Kumbaga, hindi ko ito bahay. Most of them, hindi ko pa kilala or nakatrabaho, pag-amin ni Direk.

Pero sa paglipat niya sa pagiging Kapuso, wala siyang sinunog na tulay. I resigned from the project and ABS-CBN. It was a mutual understanding. Nag-usap kami ni Deo (Endrinal), kuwento pa niya.

Last na work niya sa ABS-CBN ang Prinsesa ng Banyera at Ligaw na Bulaklak.


 
 Respond to this message   
AuthorReply
Anonymous
(no login)

Re: wala na si andoy ranay sa abs - yehey!

June 24 2009, 7:54 PM 

GMA7 should not hire him based on his track records. He can not direct at all and look at the mess he left in ABS CBN.

 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: wala na si andoy ranay sa abs - yehey!

June 24 2009, 8:05 PM 

Don't worry guys may kasabihan nga na, "whatever comes around, goes around". Ang Ranay na iyan na napakasama talaga nang ugali.





 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: wala na si andoy ranay sa abs - yehey!

June 24 2009, 8:06 PM 


binaboy, kinatay, binastos nya si kristine at tj sa banyera at ang mga tjtiners kaya dapat lang na anihin nya ang tinanim nya. ligaw na bulaklak was another dark show tulad ng banyera - sana matunugan agad ng GMA7 ang style nya bago pa sya magkalat ng lagim sa network nila.


 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: wala na si andoy ranay sa abs - yehey!

June 24 2009, 8:06 PM 

nabalitaan ko nga kaya hindi maipalabas ang Nurserye ni Juday dahil hindi daw nagustuhan ng management ang mga pinanood na mga natapos ng eksena. kaya ayun natengga ng husto ang soap ni juday. tingnan mo nga naman. ang PNB walang kwenta din ang trabaho ni anay pero pinalusot kasi wala naman silang pakialam kay kristine. salamat sa Diyos at maraming mga advertisements kahit na basura ang trabaho ni anay ranay.






 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: wala na si andoy ranay sa abs - yehey!

June 24 2009, 8:06 PM 


hindi ba ang team anay ranay din ang gustong ipa rape ang character ni ning kay DEFECTED? at supposedly sa kanya pa mapupunta si ning at si eric at matsutsugi? o di ba kaya umalma si Kristine at hindi siya pumayag?

 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: wala na si andoy ranay sa abs - yehey!

June 24 2009, 8:07 PM 

he should not be trusted to do anything.

 
 Respond to this message   
karma
(no login)

Re: wala na si andoy ranay sa abs - yehey!

June 24 2009, 10:03 PM 

natengga na nga ang nurserye ni juday. biro mo dalawang taon na ito.

if my memory serves me right, yung prinsesa ng banyera eh very "dark" and tema. puro illegal activities, rape, killings, tortures at kung ano ano pang "anay" na gawain.

juice mio naman, pinabili lang yata ng suka sa kanto eh naging director na. kasi merong connection na executive na "kabaro". kahit hindi effective na director eh nag didirek dahil nga malakas ang kapit. kaso mo, gaano man kalakas ang kapit kung inaanay talaga, eh bibigay at bibigay yan.

 
 Respond to this message   
goodbye
(no login)

Re: wala na si andoy ranay sa abs - yehey!

June 24 2009, 10:11 PM 


 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: wala na si andoy ranay sa abs - yehey!

June 25 2009, 5:52 AM 

sya at ang mga writers ng baneyra pati na yung enrico santos nasaan na ba ang mga yun?

 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: wala na si andoy ranay sa abs - yehey!

June 25 2009, 6:12 AM 

the only reason why we love prinsesa ng banyera because of tjtin and the casts - lahat sila magagaling but the story and the direction sucked bigtime!

 
 Respond to this message   
babuh.....
(no login)

Re: wala na si andoy ranay sa abs - yehey!

June 26 2009, 7:42 AM 




"Gusto ko pa ring magtrabaho sa ABS at bumalik doon kung may trabaho at walang conflict sa GMA. Pero habang may trabaho ako rito sa Siete, dito na muna ako. Trabaho lang talaga ito at walang personalan," says director Andoy Ranay.


Sonny Camacho
Director Andoy Ranay reveals why he moved from ABS-CBN to GMA-7

Archie de Calma

Friday, June 26, 2009
05:52 PM

Rating





Si Andoy Ranay ay isa lamang sa ilang direktor na humawak o nagdirek sa matagal nang naantalang teleserye ng ABS-CBN, ang Habang May Buhay, na mas kilala bilang "Narserye." Pero hanggang ngayon, ang Judy Ann Santos-starrer na ito ay hindi pa rin nabubuo para masilayan ng mga televiewers.



Ito ang isa sa naibigay na matinding dahilan ng actor-director para subukan naman ang pagtatrabaho sa GMA-7. Inatasan agad si Andoy para mag-co-direct ng All My Life, ang maglulunsad sa tambalang Kris Bernal-Aljur Abrenica sa primetime TV.



"Nakaplano na kasi kung ano ang dapat kong gawin, 'tapos biglang nagka-delay-delay ang tapings sa Dos. I don't take it against anybody. Nangyayari siguro talaga yun, pero na-realize ko, habang dumadaan ang mga araw, aba, four months na pala akong walang trabaho sa ABS-CBN!



"Naisip ko lang na kailangang kumilos na ako. So, nag-resign ako bilang direktor ng Habang May Buhay. At habang natigil ang tapings, may time siguro sila para makakuha ng kapalit ko. Hindi ko na alam kung matutuloy pa yun, kasi wala na akong responsibilidad pa doon.



"Happy naman ako sa GMA-7, kasi nang mag-apply ako sa kanila, kumilos agad si Lilybeth Rasonable [AVP for Drama ng GMA-7], and I was immediately absorbed. May trabaho na agad ako," pahayag ni Andoy nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng All My Life last Tuesday, June 23.



Nilinaw ni Andoy na maayos ang paglipat niya sa GMA-7. Nagpaalam daw siya kay Deo Endrinal, business unit head ng ABS-CBN.



"Okey lang sa kanila at naiintindihan nila yung rason," sabi ni Direk Andoy. "Mahirap kasing basta mapagbigyan kaming lahat na mga direktor doon, lalo na't halos lahat, kailangang magtrabaho. To be realistic about it, mahihirapan ako kung maghihintay pa ako. Kaya naiintindihan nila na may opportunity sa ibang network, tinanggap ko na.



"But that doesn't mean that I have burned the bridge na. Gusto ko pa ring magtrabaho sa ABS at bumalik doon kung may trabaho at walang conflict sa GMA. Pero habang may trabaho ako rito sa Siete, dito na muna ako. Trabaho lang talaga ito at walang personalan."



FINDING HIS OWN IDENTITY. Bilang artist, maikakatuwiran ni Direk Andoy ang kagustuhang mahanap ang sarili niyang identity.



"Hindi na rin ako bumabata," sabi niya. "Kailangan ko lang siguro ng bagong atmosphere, bagong mga katrabaho. Na okey naman sa akin, so far. Minsan, may hinahanap ka na kung ano, pero mare-realize mo lang you just have to look forward to something new. Kaya ito na yun.



"For the longest time, I have been working for ABS-CBN, so I just felt I needed a change. And for the longest time also, kailan lang ako nakaranas na hindi ako nagtatrabaho sa kanila for almost five months na pala. Yun lang ang alam kong dahilan. Marami nang uncertainties, ayoko nang i-prolong pa. Kaya habang maaga, dapat lang na kumilos na ako," paliwanag ng direktor.



Naramdaman din ni Andoy, personally, yung tinatawag na mid-life crisis. So far, nakabubuti sa kanya yung may ibang working environment.



"Minsan, kailangan din nating lumabas doon sa comfort zone natin, para mas ma-challenge pa tayo. Masaya ako, kasi mayroon din akong ilang nakatrabaho na in the past, noong nasa ABS ako. Like sine Gelli de Belen, Jay Manalo, Manilyn Reynes... Kasama ko silang lahat sa All My Life.



"Excited ako para kina Aljur at Kris. Bagong kumbinasyon sila sa akin, at ngayon ko pa lang talaga sila makakatrabaho. Pero so far, masasabi kong magaan silang dalhin sa set. They have been working hard, pero hindi mga pasaway.



"Tama na sa akin yun. Basta naka-focus lang sila. Lagi silang prepared 'pag nasa set ko sila, maayos palagi ang pagtatrabaho. Wala akong nakikitang dahilan para mag-fail sila, if they will just keep up with the kind of attitude they have," papuri pa ni Direk Andoy sa lead stars ng All My Life.




 
 Respond to this message   
Anonymous
(no login)

Re: wala na si andoy ranay sa abs - yehey!

June 26 2009, 8:20 AM 

ranay ikaw ang pasaway - behave ka dyan sa gma7 para huwag kang ma fire out!

 
 Respond to this message   
Current Topic - wala na si andoy ranay sa abs - yehey!
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Forum  
Solid TJ fanatics worldwide