October 7 2009
Tinapos ni Direk Yam Laranas ang Patient X sa loob ng 18 days at sa October 28, mapapanood na ang horror movie na creature feature ang tawag niya.
Sa movie mapapanood na hindi nahahati ang katawan ng mga aswang, di sila lumilipad at hindi bawang at crucifix ang panlaban sa kanila.
Natutuwang ibinalita ni Direk Yam na kahit sa abroad, gusto nang mapanood ang Patient X na title pa lang,, isyu na.
Nabanggit din ng direktor na kaya ng Pinoy filmmakers ang mga ginagawa ng filmmakers abroad, sa budget at kagamitan lang kinukulang.
Samantala, kick off sa Saturday sa SM Valenzuela, 4 p.m., ng mall tour ng cast ng Patient X para i-promote ang movie.
Darating sina Richard Gutierrez, Cristine Reyes,
TJ Trinidad , Miriam Quiambao at iba pang cast ng movie.
http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2009-10-08&sec=3&aid=104546
Aabangan ng lahat ang pelikulang ito in full support of TJ.