| Original Message |
IC (no login) Posted Feb 1, 2007 2:36 AM
Sina Sam at Anne na!
SUNTOK SA BUWAN Ni Emy Abuan-Bautista
Ang Pilipino STAR Ngayon 02/01/2007
May namumuo nang relasyon kina Anne Curtis at Sam Milby dahil may isang kaibigang taga-showbiz na nakakita sa kanilang dalawa sa Powerplant Mall sa may Rockwell kamakailan.
Sweet na sweet ang dalawa at wala silang kasamang barkada o kaibigan. Nabuo ang relasyon ng dalawa sa seryeng Maging Sino Ka Man. Akala pa naman namin ay seryoso ito kay Toni Gonzaga pero biglang nabaling ang pansin sa mestisang aktres. At balitang nagpasabi na ito kay Toni tungkol sa kanila ni Anne, ayon sa isang source.
http://www.philstar.com/philstar/pinoy200702017302.htm |
|
|