<< Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  

Anne, hindi makalimutan ang French kiss ni Sam! (Ang Pilipino STAR Ngayon - 10/26/06)

October 26 2006 at 7:36 AM
leikela  (no login)

 

Anne, hindi makalimutan ang French kiss ni Sam!
Ang Pilipino STAR Ngayon 10/26/2006

Gaano katotoo na ‘naloka’ raw si Anne Curtis kay Sam Milby sa taping ng Maging Sino Ka Man?

Kamakailan ay kinunan ang kissing scene nina Anne at Sam at bigla na lang daw na shock ang dalaga dahil inilabas daw ng baguhang aktor ang kanyang dila?

Hindi na lang daw nagpahalata si Anne dahil nga gumigiling ang kamera at after ng takes ay saka siya nag-isip kung tama nga ba ang ginawa ni Sam.

Tila nabanggit daw ito ng aktres sa staff ng Maging Sino Ka Man at nagulat din sila, pinaliwanagan na lang na baka kasi hindi sanay si Sam ng cinematic ek, kasi nga Amboy kaya French kiss ang alam.

Wala naman daw naramdamang malisya si Anne sa nasabing kissing scene nila ni Sam at hindi niya naramdamang nag-take advantage ang ka-loveteam kaya hindi na lang niya ito sinita pa.

Biniro nga namin ang nagkwento sa amin na baka naman ‘kinilig’ si Anne kay Sam kaya dedma na siya?

"Hindi naman namin napansin kasi parang hindi naman din type ni Anne si Sam kasi nga katatapos lang niya sa isang relasyon, baka wala pa sa isip niya ang magka-boyfriend?" tsika sa amin ng taga-MSKM.

Samantalang si Sam naman daw ay minsang napapansin nilang napapatitig kay Anne ng hindi alam ng dalaga. Ayaw ni Toni Gonzaga ng ganyan!

"E, wala naman sila, ang bagal-bagal kasi ni Sam, nainip na nga si Toni sa kahihintay sa kanya. Hayun hindi na sila nagkikita," katwiran sa amin.

Biro pa namin sa aming kausap na maski papaano, naiisip ni Anne ang kissing scene nila ni Sam, wanna bet Anne?

 
 Respond to this message   
AuthorReply
jhing
(no login)

Re: Anne, hindi makalimutan ang French kiss ni Sam! (Ang Pilipino STAR Ngayon - 10/26/06)

October 26 2006, 4:31 PM 

Waaaaaaaaahhha May French Kiss tayo?? Squeeeeeeeeeeee!! hahahaha


Thanks for the article Sis!

 
 Respond to this message   
BoRRowFAnne
(no login)

Re: Anne, hindi makalimutan ang French kiss ni Sam! (Ang Pilipino STAR Ngayon - 10/26/06)

October 26 2006, 5:08 PM 

Mareeee...sorry to disappoint, but the kiss is only for the MTV trailer they kept showing...but who knows, maybe later, we'll have kess on the leps in MSKM...EEEEE!!! thanks LJ for bringing that article here...and I SOOO LOVE THAT PIX OF SAM ANNE...sana may malaking version...

 
 Respond to this message   
jhing
(no login)

Re: Anne, hindi makalimutan ang French kiss ni Sam! (Ang Pilipino STAR Ngayon - 10/26/06)

October 27 2006, 9:16 PM 

Whaaaat?! hahaha Akala ko may french kiss na tayo. Lekat na MTV yan. hahahaha

 
 Respond to this message   

(no login)

hula sa kanilang dalawa naging totoo?

November 2 2006, 3:07 PM 

wel talagang totooang naging predistion ng manghuhula sa homboy nung naggues
ting sila last oct.6.na may mamumuong something good sa kanilang dalawa hindi lalagpas ng 1 month.wel marami ng mga news na naglalabasan tunglok sa kanilang dalawa .ukol sa kanilang lihim na relasyon at mga bagay bagay na sila lamang ang nakakaalam .tulad ng paghatid ni sam kay anne sakanilang bahay at pag papakilala ni anne kay sam sa kanyang dad last oct.7 sa isang diner. wel grabeh hah makikita mo tlaga na may somethingsa kanila. hindi lamang nila ipnapakita.wel talaga namang di masama na naging french kiss ang kanilang nagawa sa pagkat hindi naman yun sinasadya.ryt? at hindi naman natin masisi si sam ay baka naman na inlove sya kay anne at idinaan nalang nya sa halik ang kanyang feelings for her. wel lets just wait kung ano ang mangyayari sa kanilang dalawa sana sila nah kasi naman bagay kayung dalawa.

 
 Respond to this message   
Current Topic - Anne, hindi makalimutan ang French kiss ni Sam! (Ang Pilipino STAR Ngayon - 10/26/06)
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  
Create your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2009 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement  

hit tracker