| MSKM text update 11/10/06 (complete)November 11 2006 at 6:15 AM | arabella (no login) |
| - nasa airport si jb at tinawagan ang secretary ni celine, he was looking for celine. nagulat si jb nang makita nya si cynthia (secretary of celine) na nandoon sa airport. tinanong nya kung ano ang ginagawa nito doon, sabi nang secretary na sinabi daw sa kanya ni celine na pupunta daw sila sa davao.
- si kevin ay pinapakita kay celine ang kanilang beach property na gagawin nilang resort. sabi ni celine na maganda daw at siguradong madaming pupunta doon, but she prefers it the way it is now. biglang nagsabi si kevin nang totoong nararamdaman and he asked celine to be his girl. tinurn down ni celine si kevin. tinanong ni kevin kung because of her boss daw, pero sinabi ni celine that it's really her, hindi pa daw sya ready.
- nasa province na sila eli at princess. habang nag-aayos nang mga gamit sa bahay ay kinukuwento ni princess kay bebeng na na-meet na nya sila dadoods at pong, sobrang bait daw nila - nakikinig lang sila mang simo at eli. sabi ni bebeng na akala nya ay hindi na sila makakabalik ni eli. sabi naman ni princess na babalik naman daw sila, yun nga lang ay malungkot dahil they have to leave dadoods and pong. tinanong ni bebeng si eli kung doon na sila pipirmi ni princess, sinagot naman ni eli na oo doon na sila pipirmi.
- kausap ni eli si mang simo at sinasabi nya na dinila na nya si princess kung saan ito nararapat pero bumalik parin ito. sabi ni mang simo na ibig sabihin noon ay hindi pa tama ang panahon, at susuportahan nya si eli kung ano ang plano nito para sa kanilang 2. at kung dumating ang panahon at tadhana na ang maghihiwalay sa kanila ay kailangan na daw ihanda ni eli ang sarili.
- dumating si jb sa beach at nagulat si celine, nag-argue sina celine at jb dahil hindi alam ni jb na nandoon si celine. ang akala ni jb ay pupunta ito sa davao, sinabi naman ni celine na susunod sya kaya nga sya nagpauna nang tauhan. patuloy parin ang pag-a-argue nila celine at jb, biglang sumingit si kevin, sinabi ni jb na they're talking business matters. napikon si kevin kaya sinabi nya na trespassing si jb dahil nasa property nya ito, sinabihan ni jb si kevin to shut up. hinahatak na ni jb si celine para umalis pero pinigilan sila ni kevin, nagsuntukan si jb and kevin. naawat naman ni celine ang dalawa (talo si jb.) pinapaalis ni celine si jb, umalis naman ito.
- hinabol ni celine si jb at nagsorry ito. tinanong ni celine kung nagseselos ba daw si jb. sinabi ni jb na hindi sya nagseselos and she used the wrong word. actually daw he's starting to be terrified and he's starting to be possessive of her. sinabi ni celine that he don't own her. sabi naman ni jb that after jackie's death ay he never felt so secure as he is right now, at hindi pa daw nya kayang mag-isang muli. sabi naman ni celine na tutulungan daw nya si jb pero kung saan lang nya kaya at huwag daw ipasan ni jb sa kanya lahat. nagsorry naman si jb for causing all the troubles.
- si eli ay kinausap si mang oca at gusto daw nya uling magtrabaho sa quarry. tinanggap sya nito at pinasisimula na kahit anong oras gusto ni eli, sabi ni eli na magsisimula sya agad.
- nagtipon tipon na namang ang kababaihan sa barrio. tinanong nila kung guwapo daw ba yung kapatid ni eli, sagot ni princess na mabait daw. tinanong kung guwapo ba daw yung tatay ni eli, sagot ni princess na mas mabait daw iyon. biglang sinabi ni princess na ang kamukha ni eli ay si mama eloisa. tinanong ni guada kung ano ang ginawa nila princess doon, sinabi ni princess na wala naman masyado at nagcelebrate lang sila nang b-day ni eli. tinanong naman ni princess kung ano ang mga nangyari sa barrio, sinabi ni guada na umalis ang asawa nya at iniwan ang anak nila sa kanya. masaya ang mga kapitbahay dahil tamang tama ang dating nila princess dahil malapit na ang fiesta.
- si celine naman ay nagagalit sa sarili dahil akala daw nya kaya nagseselos si jb ay dahil mahal sya nito when all along she was just a friend. it's about time daw that she will allow somebody else to enter her heart dahil napapagod na syang maghintay sa wala.
- si jb ay nasa bar at kasama ang kaibigan. tinanong si jb kung ano ang agenda nito. sinabi nang kaibigan ni jb na ang agenda talaga ni jb ay to keep kevin away from celine and keep celine beside him. sinabi ni jb na purely business lang daw ang pagpunta nila sa davao. hindi naniwala ang kaibigan ni jb, hindi lang daw maamin ni jb ang totoong nararamdaman nito. once daw na umamin si jb sa totoong nararamdaman nya for celine ay mas magiging masaya ito.
- si oca at eli ay nag-uusap. tinanong ni oca kung ano ang tinapos ni eli. sabi ni eli na mechanical engineer daw ang kinuha nya pero hindi sya tapos. sinabi ni oca na pwede nyang kunin si eli bilang assistant foreman, tinanggihan ni eli ang posisyon dahil kabago bago lang nya doon. tinanong ni oca na nasabi daw noon ni eli sa kanya na taga pampanga sila, sabi ni eli na iyon daw ang probinsya nila pero taga tondo sila. tinanong ni oca kung taga tondo din ba ang magulang ni eli, tumango lang si eli. sinabi ni oca na taga malabon naman sya, biglang tinanong ni oca kung saan nakuha ni eli ang kuwintas nya. tinanong ni oca kung nabili ba ito ni eli or may nagbigay nito sa kanya. sabi ni eli na bigay iyon nang mga magulang nya. biglang sabat ni oca na suot na ba nito ni eli mula pagkabata, nagtaka naman si eli kung bakit alam iyon ni oca. sabi ni oca na maganda ang kuwintas nya at ingatan iyon ni eli dahil baka nandoon ang swerte nya.
- si princess ay nakatulog sa paghihintay kay eli. napanaginipan na naman nya ang party at this time ay nakita nya si jb, nakausap din nya ito habang nasa party. nang magising si princess ay sinulat nya agad ang mga napanaginipan nya. napagtagpi nya ang pangalang jb at jaime berenguer. biglang dumating si eli at natagpuan nyang may isinusulat si princess pero itinabi agad ito ni princess. sinalubong sya ni princess at sinabing namiss nya si eli, sabay yakap. pero si princess ay bothered parin.
- nagising si celine dahil tumawag si corazon sa kanya. pinaalam ni corazon na nakareceive sya nang fax mula kay mr. romero and he is threatening to back out. sinabi naman ni celine that it's just a misunderstanding and she will fix it right away. sinabi ni corazon that she better do it at napaaga yata daw ang pagko-congratulate nya dito.
- si eli naman ay nakita nya ang papel kung saan sinusulat ni princess ang mga napapanaginipan, kinabahan sya. habang si princess naman ay masayang hinahanda ang baon at umagahan nila, si eli ay hindi parin maka kibo hanggang sa tinawag na sya ni princess para kumain.
- kausap ni celine si kevin sa isang restaurant. nagsosorry si celine sa mga nangyari at maski daw si jb ay very apologetic, at kung ano man ang nangyari ay kalimutan na. sabi naman ni kevin na sana daw ay hindi na nya pinatulan si jb para wala nang bugbugan na nangyari, kinamusta na din ni kevin si jb. sabi naman ni celine na jb's ok. sinabi rin ni kevin na hindi na magbabago ang desisyon nila na magback out sa mga deals nila. sinabi ni kevin na it's no longer about celine and jb, it's about him and what he wants. tinanong ni celine kung ano ang gusto ni kevin, sabi ni kevin na he wants celine. tinanong ni celine kung nang bla-blackmail ba daw si kevin. sabi ni kevin na pag sinagot sya ni celine ay the deal is on.
teasers:
- sinabi ni eli kay princess na pahinga muna daw sila kaya magkakasama sila buong araw.
- pinapakita na masaya sila eli at princess
- si jb at celine naman ay magkasama sa trip sa davao at nag-e-enjoy rin.
|
| | Author | Reply | arabella (no login) | Re: MSKM text update 11/10/06 (complete) | November 11 2006, 6:17 AM |
sorry guys, ngayon lang uli ako nagkapag-post nang updates (text and video.) to everybody, thanks for welcoming me here!!! (kahit late na ako nakapagpasalamat.) |
| leikela (no login) | Re: MSKM text update 11/10/06 (complete) | November 11 2006, 6:26 AM |
Thanks so much, arabella!  Sounds like an interesting epi. Can't wait to watch it. Hehe. |
| BoRROwFAnne (no login) | Re: MSKM text update 11/10/06 (complete) | November 11 2006, 6:56 AM |
thanks arabella, as always... |
| jhing (no login) | Re: MSKM text update 11/10/06 (complete) | November 11 2006, 2:33 PM |
Thank you for the complete update arabella! | |
| | Current Topic - MSKM text update 11/10/06 (complete) |
| |
|
|