Thanks for the article Leih!
----
January 22, 2007
People's Tonight
Mercy Lejarde
Hindi kami publicist ng Maging Sino Ka Man, pero gusto naming bigyan ng credit ang lahat ng bumubuo ng naturang teleserye ng ABS-CBN, lalo na ang buong cast nito na sina Bea Alonzo, Anne Curtis, John Lloyd Cruz, Sam Milby, Boyet de Leon, Chin Chin Gutierrez, **** Israel, Smokey Manoloto, Bing Pimentel at si Direk FM Reyes.
Almost every night ay carried away kami sa mga eksena ng MSKM, pero ’yun nga lang, nakabibitin dahil sobrang ikli ng bawat gap sa sobrang dami ng commercials.
Bulag at bingi na lang siguro ang magsasabing hindi mataas ang rating nito.
“Hindi kumpleto ang gabi ko kapag hindi ko napapanood ang Maging Sino Ka Man. Si Anne, mas natural ang acting kesa kay Bea, na alam mong umaarte lang,” sey ni Daisy Romualdez.
Hay, naku, pare-pareho lang silang may shining moments, Tita Dai!
But for sure, ang magiging mahigpit na magkalaban for Best Actress sa Star Awards for TV ay itong sina Anne at Bea.
Kaso nga lang, ang ini-screen namin ngayon ay ang Star Awards for Movies, na nakatakdang ganapin sa U.P. Theater sa March 23. |