ENTERTAINMENT
--------------------------------------------------------------------------------
Anne at Sam, nag-date sa Greenhills
--------------------------------------------------------------------------------
Noong Linggo ay nakita naming magkasama sa Bizu (Promenade,Greenhills) sina Anne Curtis at Sam Milby.
Hindi namin masabi kung magka-date ang dalawa dahil may isa pa silang kasama na tila "chaperone" nila.
Magkatabi sa upuan sina Anne at Sam.
Sa una ay deadma sa amin si Anne dahil hindi namin napansin na nasa may sulok sila ni Sam at ng kanilang "chaperone," pero may nagbulong sa amin na nandoroon sila, kaya binati namin ang dalaga.
Uusisain sana namin kay Anne kung bakit si Sam ang ka-date niya at hindi si Luis Manzano (na katambal niya sa pelikulang Ang Cute Ng Ina Mo), pero kaagad siyang nagpaalam sa amin.
***
http://www.abante-tonite.com/issue/apr0407/main.htm