Kumusta po sa inyong lahat? Gusto ko lang talagang matulungan ang mabait kong kaibigan. Nakakaawa talaga ang situation niya. Hindi lang niya malaman ano nalang ang gagawin. Ang problema niya ay bago pa lang namatay ang kanyang asawang sundalo (Phil. Army). May dalawa silang anak. Ang problema niya ngayon ay hindi man lang nakatanggap nang "burial" settlement, ay pinababalik-balik pa sa Maynila, at kulang pa nga P20,000 isang buwan, sa mga kakailanganin at tatakbuhing papeles, etc. Nanatili siya sa Maynila dalawang buwan para lang i-process mga papeles para at least makuha man lang ang pension? Samantalang ang mga anak, wala nang kinakain?? May dalawang anak na nag-aaral, nababaon na sa utang, wala nang makakain.
Gano'n ba ang systema sa Pilipinas?? Kung sino ang naghihirap at nangangailangan, siya pang pinahihirapan? Hindi alam nang kaibigan ko kung sinong tao o pulitiko ba ang harapin, o kakausapin upang siya ay matulungungan para mapadali ang "pension". Namatay na ang asawang sundalo, mababaon na sa utang, at mamamatay na rin sa gutom??!. Sana mayroong mga tao na makakabasa nito at mayroong alam tungkol sa situation at nitong systema tungkol sa pagkukuha nang "pension?" Nagkakasakit na rin siya sa kalalakad nito... "PLEASE, HELP!"
E-mail Address: mslababe@hotmail.com
concernfriend
[Webmaster's note: This message was originally posted in the PHNO Guestbook on Wednesday, June 05, 2002 at 20:23:38 and transferred here by the Webmaster]
Posted on Jun 5, 2002, 6:06 PM from IP address 64.229.102.36