Kung may kakayanan man ang Pinoy na maging "world class" sa larangan ng pag-arte ay masasabi kong ang pelikulang "MILAN" ay may pagasang maging kandidato sapagka't naiiba ito sa mga pangkaraniwang napapanood ng mga tao dito sa bayan natin.
Ang istorya ay tungkol sa buhay ng mga OFW sa Italy, mga siyudad ng Milan, Venice at Rome ang naging tampok na lugar kung saan naganap ito. Si Claudine Barreto at Piolo Pascual ang mga pangunahing artista kasama na rin ang marami pang iba na nagbigay ng napakagandang kulay sa masalimuot na kasaysayan nila bilang mga domestic helpers sa ibayong dagat.
Matatawa kayo at maiiyak din sapagka't ang buhay nila ay puno ng magkatambal na saya at lungkot. Sana'y ito ang maging simula ng pagbabago sa industriya ng sining sa Pilipinas, mga kasaysayang nagbubukas ng mata at gumigising sa natutulog na diwa.
Isunod naman sana nila ang buhay-buhay ng karamihan sa atin, sa Pilipinas na ang nakararami ay ang mahihirap.
KaBiT10U
Posted on Feb 17, 2004, 3:21 PM from IP address 210.16.9.1