CyberForum

 


Ayaaan!! Yan ang gusto ko sa yo!

by Jordan Pinoy (no login)

 

Natapakan mo.... este nasakyan mo pare, hindi nga tama na yung kokonting may kuwarta at may kapangyarihan lang ang magiging sunud-sunuran sa ating bayan. At ang katunayan, ang nakararami sa atin ay ang mahihirap na kumakayod araw araw at nagpapa-alila sa ibang bansa.

At alam mo ba? Bali ang kanilang mga pakpak, hindi sila makaangal sa kanilang masaklap na kalagayan kaya't pagdating na sa botohan ay etsa puwera na silang lahat. Samantalang yung mga bulok ang siyang nagpapasasa sa kanilang nagiging remittance, tingnan mo na lang kung sino ang may ari ng malalaking malls at condo sa atin.

Mabuti at may isang taong katulad mo ang pag-iisip at sa aking palagay ay hindi ka nagiisa.

jpinoy




Posted on Aug 2, 2006, 5:16 PM
from IP address 194.165.130.93


Respond to this message

Goto Forum Home
Responses

  1. Ikaw hindi ka sumasali sa botohan kaya tingnan mo, problemado ka. Lemuel G. Abarte, Aug 2, 2006, 5:58 PM
    1. KUNG TOTOO ANG SINABI MO NA WALANG PAKIALAM ANG MGA PINOY NA NASA IBANG BANSA. MIGRANTE AKO, Aug 2, 2006, 6:44 PM
    2. type no.2 ako(minsan lang). helen, Aug 3, 2006, 4:28 AM
    3. Paano mo naman nalamang hindi bumoboto itong tao?. Diosdado Manananggal, Aug 3, 2006, 7:42 AM
    4. AKO PO'Y BUMOTO NOONG NAKARAANG ELEKSYON.. Jordan Pinoy, Aug 3, 2006, 9:15 AM

Find more forums on PhillipinoCreate your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2017 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement  

WWW.NEWSFLASH.ORG