Return to Index  

Gorilya's in Da Mix

January 27 2007 at 10:11 AM
Don Barucho 

 
Me isang mama na nagpapahinga sa kanyang living room at pakuyakuyakoy habang nanonood ng kanyang peborit show. Maya maya, me narinig siyang ingay sa bandang bubungan ng kanyang bahay. Dungaw si Ser. Kitang kita ng dalawang mata nya ang isang gorilya na winawarat yung atip ng kanyang bahay. Takbo agad si ser sa telepono at tumawag sa ZOO at ini-report yung gorilyang nasa bubungan ng bahay niya. Ang sabi naman ng zoo authorities,.. "Wag po kayong mag-alala at parating na po dyan yung aming "Gorilya retrieving Unit". Kalmado lang po kayo ser at kami po ang bahala". Five minutes later, me humintong lumang truck sa harapan ng bahay ni ser. Bumaba yung medyo me katandaan na ring drayber, pumunta sa likuran ng truck at kinuha yung kanyang SHOTGUN, BASEBALL BAT, POSAS, HAGDAN, at yung kanyang TURUANG ASONG CHIHUAHUA. Sinalubong ni ser yung drayber sa me tarangkahan at nagtanong.

"E, kayo lang ho ba ang mag isang huhuli dyan sa Gorilya sa bubungan ng bahay ko?"

"A, Oo. Wag po kayong mag alala at dati ko nang ginagawa ang trabahong 'to.


Sabay abot ng drayber sa kanyang SHOTGUN kay ser. Bago pumanhik yung drayber nagtanong uli si ser.

" E, papa'no ho ba ang plano nyong paghuli dyan sa Gorilya?"

"A,.. simple lang po yan", sagot ng drayber. Aakyat po ako sa aking dalang hagdanan, pupuslit ako sa likuran n'ung Gorilya, sabay hambalos ng BASEBALL BAT. Pagbagsak ng Gorilya sa Lupa, kakagatin ng aking TURUANG ASONG CHIHUAHUA yung bayag ng Gorilya. Dahil doon, pilit na tatakpan ng Gorilya yung kanyang pag-aari kaya pagbaba ko ng bubungan, ilalagay ko agad yung POSAS sa magkabilang kamay ng Gorilya habang tinatakpan nya yung kanyang pag-aari at dadalhin ko na siya sa aking truck".

Tanong ulit ni ser,

"E para saan naman ho itong SHOTGUN na pinahawak nyo sa akin?"

"Ahh,.. yan naman e kung saka-sakali lang at ako ang mahulog sa bubungan at hindi yung Gorilya,... barilin nyo agad yung ASO!!




 
 Respond to this message   
Create your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2009 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement