Return to Index  

Alam mo pa ba? - ANG ALAMAT NG ANTIPOLO

March 8 2009 at 4:35 PM

Alepin  (Login Alepin)
Forum Owner

 
Hindi ako taga Antipolo, pero madalas ako sa lunsod na ito na tinatawag na "City in the Sky". After magsimba ay bumibili ako ng mga suman at kung anu-anong kakanin happy.gif

Tayo na sa Antipolo at doo'y maligo tayo
sa batis na kung tawagin ay Hi-hi-hinulugang Taktak....


Thanks to oztechcomputercenter for the video

Noong panahon ng mga Kastila, karamihan sa mga magsasaka sa kapatagan ay umaakyat ng bundok dahil sa takot sa mga dayuhan. Sa kagubatan sila namalagi upang makaiwas sa mga kaguluhang nagaganap sa bayan.

Akala ng mga Kastila ay nagtayo ng grupo ng mga maghihimagsik ang mga magsasaka. Lalo silang nagalit kaya pinag isipan kung paano makagaganti.

Marami ang mga Pilipinong pinagbintangan nila gayong inosente ang mga ito sa kanilang ibinibintang. Hinuli nila at ipiniit ang mga ito dahil umano sa pagsapi sa himagsikan.

Nabalitaan ng mga magsasakang naninirahan sa bundok ang tungkol sa paglusob ng mga gwardiya-sibil sa kanilang lugar. Nangatakot sila.

Araw at gabi ay panay ang dasal ng mga kababaihan upang maligtas sila sa nakaambang panganib.

Isang araw ay nagpasya ang mga Kastila na umakyat na sa bundok. Laking gulat nila nang makita ang lahat, babae man o lalaki, bata man o matanda, na nangakaluhod at nagdarasal.

Palibahsa ay taimtim sa pagdarasal ang mga tao kaya dininig ang kanilang panawagan. Biglang nagningning ang malaking puno ng Tipolo at lumitaw ang imahe ng Mahal na Birheng Concepcion sa itaas nito.

Dahil relihiyoso rin ang malulupit na mga Kastila, nahintakutan sila sa nasaksihan. Nagsisi sila sa mismong oras na iyon.

Marami ang nakakita sa pagmimilagro ng Mahal na Birhen. Nagpasalamat sila sa saklolong ibinigay nito. Ang masamang balak ng mga Kastila ay hindi na natuloy. Sa halip ay iginalang nila ang pook na iyon.

Masaya nilang ipinamalita sa kapwa-Kastila ang nasaksikhang milagro.

"Saang lugar iyon? Pupunta rin kami!" usisa ng mga relihiyosong Kastila.

"Sa itaas ng bundok. Sa puno ng Tipolo," sagot nila. Ipagtanong lang niyo at tiyak na ituturo nila sa inyo.

Paulit ulit na nagtanong sa mga tao ang mga Kastila "Saan ang Tipolo?"

Buhat noon ay tinawag na Antipolo ang lugar. Nakagawian na rin ng mga dayuhan , mayaman man o mahirap, na bisitahin ang pook na iyon lalo at panahon ng Mayo.

 
 Respond to this message   
Find more forums on EntertainmentCreate your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2009 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement  

as of March 27, 2009

free counters
The views and opinions expressed by members of this forum are their own and do not represent those of the forum's owners. Videos, images and music posted for entertainment and discussion, no copyright infringement intended, all pictures property of original owners. All altered images property of respective owners. All videos are properties of their respective owners. Copyrights and trademarks for books, films, articles, magazines and other promotional materials are held by their respective owners.