<< Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  

Alam mo pa ba? - ANG ALAMAT NG BUWAN AT MGA BITUIN

June 10 2008 at 12:06 PM

Alepin  (Login Alepin)
Forum Owner

 
Sinasabing noong unang panahon ay mababang-mababa pa ang langit at walang buwan at mga bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Saan kaya nagmula ang buwan at mga bituin sa langit? Malalaman natin sa alamat na ito ang mga sagot.

Noong unang panahon sa isang malayong nayon, sa isang maliit na kubo ay naninirahan si Estrella at ang kanyang pamilya. Si Estrella ay may pag-aari na isang suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Walang araw na nagdaan na hindi niya pinagmamasdan ang kanyang suklay at kuwintas, at habang suot ang mga ito ay nananalamin siya sa tubig at tinitingnan niya ang kanyang kariktan.

Isang araw...
Nanay : Estrella, magbayo ka nga ng palay.
Estrella : Opo.(bagaman at sumagot ng "opo" ay hindi kumikilos si Estrella para magbayo, siya ay nakatitig pa rin sa kanyang sarili sa harap ng tubig)
Nanay : Estrella, kumilos ka na! Wala pa tayong bigas na isasaing.
Estrella : Opo, sandali na lang po. (hindi pa rin magawang alisin ni Estrella ang paningin sa kanyang suklay at kuwintas)
Nanay : ESTRELLA, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Bilisan mo!
-Tumindig si Estrella at pumunta na siya sa lusong (wooden pestle) ng palay, kinuha ang bayo (wooden mortar). Sa pagmamadali ay hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Batid niyang kapag malakas na ang boses ng kanyang ina ay galit na ito at dapat ay kumilos siya kaagad.

Nagbayo na siya nang nagbayo ng palay. Ilang saglit lamang ay pinagpawisan siya kaagad.
Estrella : Naku! pinagpapawisan ako at nababasa ang aking kuwintas.
- Hinubad niya ang kuwintas, tinanggal ang kanyang suklay. Isinabit ang mga ito sa langit na noon ay mababang-mababa at naaabot lamang ng kamay. Samantalang siya ay nagbabayo ay tinitingnan niya ang suklay at kuwintas.
Estrella : Kay ganda talaga ng aking suklay at kuwintas. Pagkatapos na pagkatapos kong magbayo ay isusuot ko muli ang aking suklay at kuwintas.

Sa kagustuhang makatapos kaagad sa ginagawa ay binilisan niya ang pagbabayo ng palay upang maisuot niya ulit ang suklay at kuwintas. Tumaas nang tumaas ang pagbuhat niya ng bayo at dumalas nang dumalas ang pagbagsak nito sa lusong. Hindi niya napapansin na tinatamaan na pala ng bayo ang langit, at sa bawat pagtama ng bayo sa langit ay tumataas ito. Nasa palay na ang kanyang atensyon. Tinitingnan niya kung malapit na siyang makatapos upang maisuot niya ang suklay at kuwintas. Itinaas pa niyang lalo ang pagbuhat ng bayo upang lumakas ang pagbagsak nito sa lusong at nang madaling mabayo ang palay. Nang mapansin ni Estrella ang nangyayari ay napakataas na nang langit. Hindi na nakuha ni Estrella ang kanyang gintong suklay at kuwintas na isinabit niya sa langit. Tumaas pa nang tumaas ang langit.

Nang gabing iyon ay umupo si Estrella sa may bintana at tumingala sa langit na ngayon ay napakataas na. Napabulalas ng paghanga si Estrella nang makita niya ang kanyang suklay at kuwintas.
Estrella : Napakaganda ngayon ng aking gintong suklay at ang kinang ng mga gintong butil ng aking kuwintas.

Nakita niya ang kanyang gintong suklay na tila nagbibigay ng liwanag sa dilim ng gabi, na tinatawag natin sa kasalukuyang panahon na BUWAN. Ang kanyang kuwintas ay nagkahiwa-hiwalay, kumukuti-kutitap ang kinang ng mga gintong butil sa kalangitan, na tinatawag naman natin sa kasalukuyang panahon na MGA BITUIN.

 
 Respond to this message   
AuthorReply

pinaypinoy08
(Login pinaypinoy08)
Moderator

Re: Alam mo pa ba? - ANG ALAMAT NG BUWAN AT MGA BITUIN

June 10 2008, 3:25 PM 

Wow, ang ganda nman etong folktale. Thank you for sharing this.

 
 

Panauhin
(Login mustasa)

Re: Alam mo pa ba? - ANG ALAMAT NG BUWAN AT MGA BITUIN

June 12 2008, 7:24 AM 

ay hindi pure gold ang suklay at kwintas ni estrella, kasi tinatanggal nya para di pawisan hahahahha!

 
 

Alepin
(Login Alepin)
Forum Owner

Re: Alam mo pa ba? - ANG ALAMAT NG BUWAN AT MGA BITUIN

June 18 2008, 7:47 AM 


 
 

(no login)

salamat ...

September 9 2008, 8:28 AM 

Hi !!!

Sana maka gawa ka pa ng maraming ALAMAT kasi big help for us sa assignment ng mga kids ko. It`s part of d project nga kasi sa skul ang ALAMAT at mas madali na kasi ngayon na dito nalang sa internet mag research .... Thanks again ....

 
 

Alepin
(Login Alepin)
Forum Owner

salamat ...

September 9 2008, 8:52 AM 

You're welcome Tata!

Welcome nga pala sa Pinoy Away From Home! Nakakatuwa naman malaman na pinag-aaralan pa pala ang ALAMAT sa Pilipinas. Ang anak ko nga kahit nahihirapan magbasa ng tagalog, sinisikap talaga nya kasi maganda daw basahin ang mga alamat ng Pilipinas.

 
 
Current Topic - Alam mo pa ba? - ANG ALAMAT NG BUWAN AT MGA BITUIN  Respond to this message   
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  
Find more forums on EntertainmentCreate your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2009 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement  

as of March 27, 2009

free counters
The views and opinions expressed by members of this forum are their own and do not represent those of the forum's owners. Videos, images and music posted for entertainment and discussion, no copyright infringement intended, all pictures property of original owners. All altered images property of respective owners. All videos are properties of their respective owners. Copyrights and trademarks for books, films, articles, magazines and other promotional materials are held by their respective owners.