Bata pa lamang ako ay mahilig na akong magbasa ng aklat - lalung lalo na iyong mga aklat na naglalaman ng bugtong, salawikain at alamat. Sa makabagong panahon ngayon ng mga computers, internet, e-mails, cellphones, nintendo at kung anu-ano pa na modernong pagkakalibangan, naisip ko alam pa kaya ng mga batang pinoy ang alamat na sinasabi? Susubukan kong ibahagi sa mga kababayan natin ang mga nabasa kong alamat noong bata pa ako, ito ay iniaalay ko sa mga kabataang pinoy at sa ilan nating kababayan na lumaki at nagka-isip sa ibayong dagat na nais makabasa ng mga alamat.

ANG ALAMAT NG ANTIPOLO

Noong panahon ng mga Kastila, karamihan sa mga magsasaka sa kapatagan ay umaakyat ng bundok dahil sa takot sa mga dayuhan. Sa kagubatan sila namalagi upang makaiwas sa mga kaguluhang nagaganap sa bayan.

Akala ng mga Kastila ay nagtayo ng grupo ng mga maghihimagsik ang mga magsasaka. Lalo silang nagalit kaya pinag isipan kung paano makagaganti.

Marami ang mga Pilipinong pinagbintangan nila gayong inosente ang mga ito sa kanilang ibinibintang. Hinuli nila at ipiniit ang mga ito dahil umano sa pagsapi sa himagsikan.
Ipagpatuloy...

ANG ALAMAT NG CAINTA

Sinasabing ang pangalan ng aming bayan na Cainta ay hango sa pangalan ng isang babaeng nagngangalang Jacinta o mas kilala sa palayaw nitong Ka Inta. Ang Cainta ay kabilang sa mga bayan ng lalawigan ng Rizal.

Si Jacinta ay isang napakagandang dalaga at kabilang siya sa isang mayamang pamilya sa kanilang pook. Siya ay mabait at mapagkawang-gawa sa kapwa... dahil sa mga katangiang taglay siya ay iginagalang at minamahal ng mga tao, hindi lamang sa kanilang lugar kundi maging sa mga kalapit bayan. Ipagpatuloy...

ANG ALAMAT NG ASO

Saan nga ba nagmula ang tinatawag na man's best friend?

Noong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang mag-anak ang tahimik at masayang namumuhay sa loob ng kakahuyan.

Ang ama, si Roque ay mabait at mapagkalinga sa kanyang pamilya. Nagtatanim siya ng mga gulay at nanghuhuli ng mga hayop sa gubat upang kanilang pagkain.
Ipagpatuloy...

ANG ALAMAT NG SAMPALOK

Sa isang komunidad ay may matapobreng donyang sobra sa sungit. Wala itong kinikilalang kapitbahay. Kailangang lagi mo siyang tinatawag na donya upang hindi ka niya ingusan at sigaw-sigawan.

Kapag may kalamidad tulad ng bagyo, sunog, o lindol na lubhang nakaapekto sa mga kapitbahay ay wala siya isa mang tinutulungan. Ang lahat ng kayamanan ay kanyang iniingatan. Gusto niyang lagi itong nadadagdagan upang mapanatili raw niya ang kasaganaan habambuhay.
Ipagpatuloy...


ANG ALAMAT NG SAMPAGUITA

Ang sampaguita, na ating pambansang bulaklak, ay may iniingatang isang magandang alamat. Ang dalawang pangunahing tauhan ay bibigyan natin ng mga makabagong pangalan, bagaman ayon sa matatanda, ang mga tagpong inilalarawan sa kuwento ay nangyari noong bago pa dumating dito sa atin ang mga Kastila. Ipagpatuloy...

ANG ALAMAT NG LANSONES

Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang gaanong pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ng bula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walang nangahas kumain nito. Ipagpatuloy...

ANG ALAMAT NG MAYA

Si Rita ay isang batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin ng batang katulad niya.

Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa kanyang ina. Siya'y gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas.
Ipagpatuloy...

ANG ALAMAT KUNG BAKIT TUMATAAS ANG DAGAT KAPAG BILOG ANG BUWAN

MATAGAL na matagal na, ang mga diwata (dios y diosas, gods and goddesses) lamang ang nabubuhay dito sa daigdig (mondo, world). Ang lupa (tierra, earth) , dagat (mar, sea) at langit (cielo, sky) ay pinagha-harian ng 3 makapangyarihang ‘diwata’ (espiritus, gods). Ang ‘diwata’ ng langit ay si Araw (sol, sun) at anak niya ang napaka-gandang Buwan (luna, moon).

Aliwan ni Buwan ang mamasyal lagi na sa kalawakan ng langit, nakaluklok sa kanyang gintong saksakyan. Minsan, nakakita siya ng isang bagong daanan na, pagtahak niya, ay naghantong sa kanya sa labas ng kaharian ng langit. Ipagpatuloy...

ANG ALAMAT NG MAKOPA

Noong mga unang taon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sinasabing tahimik at maligayang namumuhay ang mga tao sa isang nayon sa Kailokohan. Madaling naihasik ng mga Kastila ang Kritiyanismo sa nayong yaon sapagkat ang mga mamamayan at mababait at masunurin. Kilala rin sila sa kasipagan at pagkamadasalin.

Ganyan na lamang ang pagmamahal at pag-iingat ng mga tao roon sa gintong kampana sapagkat nananalig silang sa kampanang yaon nakasalalay ang takbo ng kanilang pamumuhay. Nagsisilbi yaong inspirasyon nila sa buhay. Lalo silang nagsisikap na mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Ipagpatuloy...

ANG ALAMAT NG PINYA

Bakit nga ba napakaraming mata ng pinya? At bakit "PINYA" ang tawag sa prutas na maraming mata?

Noong unang panahon sa isang malayong nayon ay may naninirahang mag-ina, sina Aling Marya at ang kaisa-isa niyang anak na si Pina.

Palibhasa nag-iisang anak, si Pina ay hindi pinapagawa ng ina at sa halip siya ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay. Ang katwiran ni Aling Marya ay "Maliit at bata pa naman si Pina, matuto rin iyan". Kaya ang nakasanayang gawin lang ni Pina ay maglaro, maligo, magbihis at matulog. Ipagpatuloy...

ANG ALAMAT NG PALAY

Noong unang araw, hindi nagtatanim ng halaman at hindi nag-aalaga ng hayop ang mga tao para may makain. Umaasa lamang sila sa kalikasan. Kaya tumitira sila kung saan may pagkain. May tumitira sa mga kuweba sa bundok at nabubuhay sa bungangkahoy at nahuhuling hayop.

May tumitira sa tabing ilog at dagat at nabubuhay sa pangingisda. Tumitira sila sa isang lugar hanggang may makakain at humahanap ng ibang lugar kapag wala nang makain. Ipagpatuloy...

 

ANG ALAMAT NG SAGING

May isang prinsesang napakaganda na kung tawagin ay Mariang Maganda. Ang kanyang tahanan ay malapit sa isang maliit na gubat kung saan maraming magaganda't mababangong halamang namumulaklak. Araw-araw, ay namamasyal, ang prinsesa sa gubat na iyon. Namimitas siya ng mga bulaklak na katangi-tangi ang ayos.

Isang araw, sa kanyang pamamasyal, ay nakatagpo siya ng isang prinsipe. Magandang lalaki ang prinsipeng iyon. Nang makita ni Mariang Maganda ay nakaramdam siya agad ng kakatuwang damdamin. Ang prinsipe naman pala'y gayon din. Kaya agad silang nagkapalagayan at nagkahulihan ng loob.
Ipagpatuloy...


ANG ALAMAT NG PARU-PARO

Noong unang panahon ay may magkapatid na ulila na naninirahan sa isang ilang na baryo sa Laguna. Ito ay sina Amparo na ang palayaw ay Paro, samantalang ang nakababata naman ay si Perla na pawang sumisibol na dalagita. Pagtitinda ng bulaklak ang kanilang ikinabubuhay.

Magkaiba ang ugali nila, si Amparo ay tamad at walang kinagigiliwang gawin kundi ang lumapit sa mga bulaklak at amuyin ito. Samantalang si Perla naman ay masipag at masinop sa kabuhayan. Likas na mabait si Perla, pasensiya na lamang ang kaniyang ibinibigay sa kapatid na si Amparo na ubod ng tamad.
Ipagpatuloy...

 

ANG ALAMAT NG BUWAN AT MGA BITUIN

Sinasabing noong unang panahon ay mababang-mababa pa ang langit at walang buwan at mga bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Saan kaya nagmula ang buwan at mga bituin sa langit? Malalaman natin sa alamat na ito ang mga sagot.

Noong unang panahon sa isang malayong nayon, sa isang maliit na kubo ay naninirahan si Estrella at ang kanyang pamilya. Si Estrella ay may pag-aari na isang suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Walang araw na nagdaan na hindi niya pinagmamasdan ang kanyang suklay at kuwintas, at habang suot ang mga ito ay nananalamin siya sa tubig at tinitingnan niya ang kanyang kariktan.
Ipagpatuloy...

counter as of May 7, 2007

free counters

Create your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2009 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement