<< Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  

IH.. TAMA NA ANG ISANG HURNO !!

June 24 2003 at 11:57 PM
No score for this post
Ruben G. Cagayat  (no login)

 
Paunang Salita:
Ang biruang ito ay maririnig sa mga huntahan, inuman
ng matatanda, i.e. Jubilee, Makunats Gold sa Brgy. 7
mga Bad Boys, etc. sa tayantang ng Karyong Bado.

Noong unang panahon doon po sa lugar namin
Bayan ng Paete ay tahimik mga tao'y masayahin
Mga lalaki'y masisipag, kababaihan ay madasalin
Mga bata'y magagalang pag-orasyon nagmimimin

Telebisyon ay wala pa at ang radyo ay pipito
Libangan ng kabataan maghuntahan sa may patio
Biruan at usluan sa Karyong Bado gitnang kanto
Pag nalagot ang sinuman wala namang basag-ulo

Ang pag-akyat po ng ligaw sa dalagang sinusuyo
Kampana ng simbahan orasang batas sa pag tapo
Bago tumunog ang alas-otso malapit ka sa maypinto
Magalang ang pagtawag "Tao po Ave Maria Purisima po

Sa Paete rin ang Harana ay di paris sa ibang bayan
Mayroong awit na pangtapat, bintana ay bubuksan
Dispensa kung di pwede..O..tuloy kayo sa upuan
Mga lalaki is-isang aawit ng mga piling kundiman

Mayroon ding awit ng paghiling sa dalaga na kumanta
Pag-umawit itong dilag, simula ito sagutang kanta
Dito gumaganda ang harana at tumatagal ng paumaga
Ang huling awit ay paalam, Adios! Mariquita Linda

Isang gabing kay tahimik kabilugan itong buwan
Tatlong magkakatoto sa bibingkahan nagtagpuan
Mga bagong panaog sa bahay ng napupusuan
Sagot ko unang hurno pangunguna nitong Juan

Nagkuhitan ang dalawa ang balak si Juan ay paluwagin
Papuring walang lubay habang bibingka ay kinakain
Tuloy ang pag-ugoy dalawang hurno pa ang hinihiling
Kaliwa't kanan ang pahangin may dagdag na haka rin

Si Juan ay nakaramdam..malasaw na ang usapan
Sabay bulong sa dalawa" Ih tama na ang isang hurno"
Ang biruang ito ay kumalat bukang bibig sa umpukan
Pag sobra ang papuri para makahingi ng karagdagan
"Ih tama na ang isang hurno" kasunod ay halakhakan

Ruben G. Cagayat, 25 June 2003
Jakarta, Indonesia

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.Respond to this message   
AuthorReply
simbakuni
(no login)

Napakagaling abah!

No score for this post
June 25 2003, 5:01 PM 

..payting-payti ang dating.

....to be honest, ngayon ko lamang nadinig at naintindihan ang ibig sabihin nitong isang hurno.

salamat Ka Ruben!

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Batang Patio
(Login batangpatio)

Bibingkang Paete

No score for this post
June 25 2003, 11:31 PM 


kapag bibingkang paete ang inyong natikman
tinurang isang hurno ni ka ruben ay kulang
sa ganda ng tinderang ngiti anong inam
bundat man, ito ang tiyak mong babalikan

Maraming salamat Ka Ruben!


 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Ka Ruben
(no login)

Simbakuni and Patio Boy Thanks

No score for this post
June 26 2003, 5:42 AM 

Maraming salamat sa inyong dalawa.
May premyo kayong tig-isang hurno
pero bibingkang Indonesia.

Ka Ruben

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Fely Burgdorfer
(no login)

What is the ingredients of Bibingkang Paete?

No score for this post
June 26 2003, 6:42 AM 

Kababayan, ano ang mga lahok ng bibingkang Paete? Gusto kong i-bake. Na mi-miss ko na ito. Me nabibili na ditong dahon ng saging, actually lahat ng rekado ay pwede ng bilhin dito. Kahit nga lansones ay whole year through ng nabibili, kaya lang ay galing Thailand.
Matamis din.
Thanks for response and rgds.
Fely

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Rogelio Dalagan
(no login)

Isang Hurno

No score for this post
June 26 2003, 6:47 AM 

Hoy Bayaw Ruben,
Napakahusay ng tula mo. Mga Cagayat lamang ang nakakagawa ng ganong tula. Kung si Amang Sebio ay nabubuhay pa at mababasa niya ang tula mo, baka mapagalitan niya ako. Alam mo ang sasabihin niya? Bakit hindi ka makagawa ng ganyang tula? Kumusta ka riyan sa Indonesia?
Kumusta na lamang sa iyo at sa pamilya mo riyan.

Rogel (aka Yoyok)

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Taga Bagumbayan
(no login)

Buhay na Buhay Pa

No score for this post
June 27 2003, 5:29 AM 

si Amang Sebio, siya ay narito sa Paete dito sa Del Pilar Street.

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Bayaw Ruben
(no login)

Salamat at Kumusta

No score for this post
June 27 2003, 6:30 PM 


Dear Kang Rogel/Fumiko

Kumusta sa inyo. Okey lang kami dine sa Jakarta.
We attended the Embassy Phil Independence Day
reception with Berting.
Salamat sa panahon mong magbasa ng tula.
Ito ngayon ang libangan ko, kumatha ng tula.
Pangtatlo na ito, dalawa ang posted sa "USAP"
at yung Araw ng Kalayaan ay sa Paete email group
noong 13 th June, also in www.newsflash.org
click, cyberforum last 16th June.
Kung may makakasalubong kang kapatid ko diyan
pls say hello for me.Thanks. Ruben

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Anonymous
(Login GloriaDalayBasaCaguin)

Mang Sebio

No score for this post
June 27 2003, 10:40 PM 

I am sorry but if I'm not mistaken, Kang Yoyok (Rogel B. Dalagan) of San Diego-Sea World Area was referring to ELC's Amang Sebio
or 'my Eboy' Atty. Eusebio M. Dalagan (RIP).

Kamusta na kayo diyan sa dati naming Purok (Bggy. 7)? Salamat.


...from Los Angeles w/Luv.

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Batang Patio
(Login batangpatio)

BINAY-ANAN

No score for this post
June 28 2003, 12:25 AM 



noong araw akin pang natatandaan
palusot sa ligawan ang binay-anan
sa magkaka-ibigan at nagkaka-ibigan
may sayawan at kantahan anong saya
AY BAI NA!
gusto lamang palang magka-biyenan!

HaHaHaHaHaHaHa!

BP1969



 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Ka Ruben
(no login)

Tama ka Pinsan

No score for this post
June 28 2003, 12:52 AM 



Pinsang Aurel ang hinuha mo ay tama
Marami ang nakasal binay-anan nagsimula
Panahon namin uso ito akyat pulang lupa
Pang date sa Santa Cruz ang pera ay wala
Binay-anan ay mura mga puso'y tuwang-tuwa

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Batang Patio
(Login batangpatio)

Re: Bibingkang Paete

No score for this post
June 28 2003, 12:52 AM 


Hi Ka Fely kumusta! Sorry hindi ko alam ang ingredients
sa bibingka. Pareho tayo miss ko na ang lasa ng bibingka.

Best regards
BP1969

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Ka Ruben
(no login)

Magbibingka tayo

No score for this post
June 28 2003, 1:32 AM 

Mga gamit: Hurnohan- made of clay, kalan puedeng
gatungan ng kahoy o uling.
Panghalok:
1. galapong- puting bigas na giniling sa gilingang bato
may kaunting tubig. Hindi lagkitan!!
2. Gumaan medyo mura- kinayod ng magaspang
3. refinado (asukal)?? asin??
4. pampaalsa-yeast? kaunti lang
PAGHALUIN ANG MGA NASA ITAAS
MAYBE? AFTER 30 MINUTES READY TO COOK
1.Dahon ng saging pansapin sa loob ng hurnohan
2.Ilagay ang lulutuin sa tamang kapal
3.Yerong kinis ang takip para sa apoy sa ibabaw
4.Apoy rin sa ilalim
5.silipin kung luto na. spread margarine sa ibabaw
READY TO EAT.. YUNG IBA NAGLALAGAY NG ITLOG NA MAALAT
CORRECTIONS ARE INVITED.. THANKS

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Rogelio Dalagan
(no login)

Binay-Anan

No score for this post
June 28 2003, 6:28 AM 

Aurel,
Itong "Usap Paete" ay nakakalibang, kaya ngayon ay pag binubuksan ko ang aking "computer", ito ang inuuna ko. Salamat sa mga "postings" mo, merong nakakatuwa at merong medyo "sentimental". Pero lahat ay nakakalibang & "very entertaining". Warm regards.

Rogel

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Rogelio Dalagan
(no login)

Putahe ng Bibingka

No score for this post
June 28 2003, 6:36 AM 

Ruben,
May mga bibingka na nabibili rito sa mga panaderia na ari ng Pinoy. Ito bagang putaheng padala mo ay garantisado? Baka mas masarap itong "recipe" mo.
Mabuti kami rito, salamat sa iyo. Si Fumiko ay inopera sa kaliwang mata noong May 13th dahil inalis yong "cataract". Hindi pa 100% na magaling pero sabi noong doktor "it takes time". Kaya babalik uli siya sa doktor sa July 7th. Kayo, kumusta kayo?
Hayaan mo at pag makikita ko yong mga utol mo ay sasabihin ko'y ipinakukumusta mo sila.

Rogel (aka Yoyok)

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Fely Burgdorfer
(no login)

Salamat sa Recipe

No score for this post
June 28 2003, 3:09 PM 

Hi Ka Ruben (baka matanda pa ako sa iyo),
Thanks a lot for the recipe of bibingka. I will try it but only in an electric oven. Kaya lang walang nakalagay kung gaano karami. Siguro puro karkula lang ano? Natatandaan ko ay si inang Idios ay naglalagay pa ng itlog. May nabibili ditong young coconut meat sa lata, pwede na siguro iyon. Me calumet baking powder ako dito pero pwede pala ang yeast, so yeast na ang gagamitin ko. Me dahon ng saging dito na nabibili.
Pag nag click ay sasabihin ko sa iyo, sayang at di ka makakatikim.
Thanks uli ng marami.
Regards, Fely

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Herming
(no login)

Apo ka nga ng Dami at Dama (paki-bigkas na maragsa)

No score for this post
June 28 2003, 11:32 PM 

Lasang-lasa sa iyong tula ang sarap ng timpla ng bibingka sa Bagong-bayan(tandang Dama) at sa Ibaba(tandang Dami). Napakasarap sa umagahan ang bibingka na may pantulak na tsa-a.
Na-miss ko ang interaction sa tula ni amang Fred. Nag-retire kasi ako. Pls. don't make me wrong. Nagpalit ako ng gulong ng sasakyan.lol.
More power to you. Regards to family.
hpc

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Vernav
(Login vincentd2nd)

Bibingkang Paete

No score for this post
June 29 2003, 12:24 AM 

Bibingkang Paete Especial

1 cup thick galapong (grinded white rice)
½ cup white sugar
2 two teaspoon baking powder
2 tablespoon melted butter
4 tablespoon sugar for topping
3 eggs,well beaten
1 cup coconut milk 3 tablespoon grated cheese
cheddar cheese

To make galapong:
Soak the rice in equal amount of water overnight.
Grind and let stand until the next day.
Then,add sugar to the galapong.Add baking
powder,melted butter/Kinayud gumaan and well beaten eggs and
coconut milk.Mix well.Pour a thin layer of this
batter into hurnuhan(bakingpan) line with banana
leaf, then cook it with galvanized iron sheet with
live embers on top of the baking pan.
keep checking till get cooked and get brown on
top.Remove the bibingka sa hurnuhan then
spread soft butter on top then put white sugar
topping.

This is prepared and revised by VerNav (enjoy everyone)

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Fely Burgdorfer
(no login)

Salamat din sa Recipe

No score for this post
June 29 2003, 2:22 PM 

Hi Ver, kumusta na kayo diyan? Paborito mo rin baga ang Bibingka? Madalas ka bang mag bake nito? Masarap ano? Ang gagamitin kong pang grind sa bigas(tuyo pa) ay yong coffee machine na pang pino ng kape. Pwede siguro, then ibababad ko na lang sa tubig after it is grinded. Yon nga, nakikita ko si Inang Idios na nagbabati ng itlog, di ko lang alam kung ilan noon ang itlog, then inihahalo sa galapong na may gatas at young coconut milk. Kamay pa ang panghalo niya noon.
Samakatuwid pala ay wala itong kahalong flour, kundi galapong lang talaga.
O sige, thanks na lang and wish you all a nice week days.
Rgds,
Fely

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Ka Ruben
(no login)

Apo ng Dama at Dami

No score for this post
June 29 2003, 6:43 PM 

Dear Insan Herming,

Maraming salamat at kumusta sa inyo diyan.
Apo nga ako ng magbibibingka at magpuputo.
Magkatulong kami ni Kang Pabling Alvarez(sln)
sa paggiling ng galapong kay Dada Dama.Ang puwesto
ng tindahan nasa tapat ng bahay ng Tandang Ani
Madrinan (postman), then lumipat sa tabi ng gate
ng school(Roces St) or vice versa, matanda na talaga.
I will send you our draft family tree. Pwede baga
ang "attachment" sa email mo?
All for now.
Ka Ruben

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
 
< Previous Page 1 2 3 4 Next >
  Respond to this message   
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  
 Copyright © 1999-2014 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement  

BACK TO THE PAETENIANS HOME ON THE NET