<< Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  

Pasasalamat sa mga Nakidalamhati sa aming Pamilya

May 17 2005 at 3:49 AM
No score for this post
ANA VICTORIA AGBADA AGRAVIA  (no login)

 
Sa aming mga kababayan,
Sa pangalan po ng PAMILYA GRAJERA AT AGRAVIA, kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga nakiramay sa aming pamilya sa pagkamatay ng aking inang biyenan na si MARIETTA GRAJERA AGRAVIA noong Mayo 03, 2005. Naging matagal po ang kanyang burol sapagkat hinintay pa ang kanyang mga kapatid na sina Tita Lolet, Tita Maila at Tita Weyna na dumating noong May 12, 2005. Ang akin pong biyenan ay inilibing noong Mayo 13, 2005. Wala na po kaming iba pang hinintay gaya ng nakarating sa aming kaalaman na ang aking bayaw "daw" ay dumalaw sa burol ng kanyang ina. Kami po ay walang komunikasyon sa aking bayaw kaya po hindi po namin alam kung siya ay buhay pa o patay na kaya ang pangalan niya ay nakalagay pa rin sa ala-ala ng mga naulila.Masakit man pong tanggapin pero alam po namin na mayroong mga nagmamanman sa nasabing burol na sana naman ay kahit kaunti ay iginalang. Kung sakali man po at nagpunta o alam namin kung nasaan si Alvin ay hindi po namin siya itatago at isusuko namin ng maayos sa kinauukulan. Wala po kaming ibinibigay na suporta sa kanya dahil mahirap maghanap ng karayom sa dayami na hindi mo alam kung saan mo hahanapin. Hinihingi po namin ang inyong pang-unawa at sana maalis na sa inyong isip ang mga pagdududa na alam namin ang kanyang kinalalagyan.
Muli po, maraming, maraming salamat po.


ANA VICTORIA AGBADA AGRAVIA

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.Respond to this message   
AuthorReply

(no login)

nakikiramay ako

No score for this post
May 18 2005, 1:59 AM 

ana nakikiramay ako sa pagkamatay ng biyenan mo. nung nililibing na,saka ko lang nalaman dahil sinabi ng ama ko.pakisabi na rin kay dodo.wag ka nang malungkot. isipin mo na lang na tapos na ang mga pagsubok na ibinigay sa kanya dito sa lupa at ngayon ay maginhawa na ang pakiramdam niya.wala nang mga isipin pa at masaya na siya doon.

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Current Topic - Pasasalamat sa mga Nakidalamhati sa aming Pamilya  Respond to this message   
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  
 Copyright © 1999-2014 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement  

BACK TO THE PAETENIANS HOME ON THE NET